My Borrowed Love (Chapter 57)

208 2 0
                                    

(Someone's POV)

*RIIIIIINGGG! RIIIINGGG!*

"Yow, Dude."

[Kumagat sa plano natin. Haha.]

"Ayos yan."

"Ugh. Pakawalan niyo ko dito!! Pota! Kapag ako nakawala dito papatayin ko kayo!!" Sigaw niya habang nagpupumiglas pa sa upuan kung saan siya nakatali.

May biglang kumapit sakin.

[Gising na pala ang Isa pang Bihag. Masaya 'to..]

"Hon... Sino yang kausap mo?" 

"Tsk! Teka nga muna! May kausap naman ako, diba?" Singhal ko sa kanya.

Kumalas siya kaya tumalikod ako at medyo lumayo.

"Pre." Tawag ko.

[Mukhang may Chix ka dyan ah?]

"Tss. Oh ano na? Nasaan yung Bihag natin dyan? Baka ginalaw mo na yan?" 

[Respeto, Dre. Meron ako non.]

"Gago! Sa pananalita mo na lang halata na eh."

[Teka, teka. Nag-wawala na naman yung Bihag natin dito eh. Alis muna ko.]

"Sige, Gago."

~

(Fei's POV)

"Anong nangyari?!" Hingal na tanong ni Cyrus pagpasok nila ni Mika sa may kwarto ng ospital na 'to.

"Pagbalik ko dito, wala na si Martin sa higaan na yan. Tinignan ko sa CR pero wala dun." Sagot ko.

"Tinawagan niyo na ba si Danielle?" Tanong naman ni Mika.

"O-oo! Tinawagan ko na si Danielle pero habang kausap ko siya, parang bigla na lang siyang nawala tapos maya-maya parang may nahulog at ayun biglang nag-dial tone na." Sagot ko.

Nasaan ka na ba Martin? Pati ikaw, Danielle?

"Sinubukan mo bang tawagan si Martin?" Tanong ni Cyrus.

"Oo, pero naiwan dito sa kwarto yung phone niya." Sagot ko.

"Fuck! Ano ba naman 'to!" Inis na sabi ni Cyrus.

"Tawagan mo nga ulit si Danielle!" Utos ni Cyrus.

Kinuha ko yung Phone ko sa bulsa at ni-dial yung number ni Danielle.

*Kriing! Kriing!*

"The Subscriber cannot be reached, please try again later. The subscriber cannot be reached, please try again later."

 "Cannot be reached." Sabi ko sa kanila.

"Tsk. Pano na 'to?" Tanong ni Mika.

~

(Danielle's POV)

*RIIINGG! RIIINGG!*

Kinuha ko sa bulsa ko yung phone ko pero maya-maya nawala na yung tunog. Anyare?

Tinignan ko yung Bar ng Signal.

My Borrowed Love (Book One & Two)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon