(Third Person's POV)
Five Years Ago...
"Salamat, Doc. Asahan niyo po na iinumin ko ang mga ni-reseta ninyong gamot sa akin." Nakangiting sabi nang isang babae.
"Walang anuman, Ms. Dela Peña." Nakangiti namang sagot ng doctora.
"Sige ho, Doc. Mauna na ho ako sa inyo." Paalam ng babae.
Tumango ang doctora saka na pumasok ng kwarto.
Nagsimula nang maglakad ang babae papunta sa kanan niya. Maya-maya pa ay may nahagip ang kanyang mata. Pamilyar ito sa kanya. Hindi lang pamilyar, kilala niya ito.
Ito yung lalaking pinaka-mamahal niya dati.
Ngunit, Dati na iyon. Nakaraan na iyon eh.
Naalala niya pa nung mga panahong parati itong dumadalaw sa bahay niya para dalawin ang anak niya. Tuwang-tuwa siya dahil todo ang pag-aalaga nito sa kanya pati na rin sa anak niyang lalaki. Pero unti-unting napawi ang mga ngiti niya nang bigla na lang pumasok sa bahay niya ang isang babae. Galit na galit ito nang tumingin ito sa kanya. Sinugod siya nito at sinabunutan pero agad naman itong inawat ng mahal niya. Mas lalo siyang nagulat nang bigla na lamang buhatin ng babae ang anak niya.
"Akin na ang anak ko! Jusko, wag mo siyang saktan!" pagmamakaawa niya sa babaeng may hawak sa anak niya.
"Wag kang mag-alala. Kahit alam kong kabit ka ng asawa ko, hindi ko sasaktan itong munting anghel mo. Tutal, ang bata lang naman ang palaging ipinupunta ng asawa ko rito eh, edi kukunin ko na lang siya. Wag kang mag-alala, kabit. Ituturing ko rin siyang tunay kong anak. At sana, wag mo nang tangkain pang guluhin ang buhay namin. Ang buhay namin kasama ang anak mo, kundi, baka magbago ang tingin ko sa batang ito at masaktan ko nga siya." panakot ng babae sa kanya.
Hinatak na nito ang mahal niya. Tinangka niyang habulin ito ngunit agad na humarurot ang kotseng sinasakyan nito.
Sinundan niya ang lalaki.Pumasok ito sa isang ICU kaya sinundan niya.
"Marc." Tawag niya sa pangalan ng lalaki.
Napalingon ito sa kanya saka bumilog ang mga mata. Tinanggal nito ang face mask saka lumapit sa kanya.
"Gizelle what are you doing here?" Tanong ni Marc.
Hindi niya pinansin ang tanong ng lalaki. Lumingon siya sa binatang nakahiga sa kama at may oxygen na naka-kabit sa ilong nito habang may dextrose naman na naka-kabit sa braso nito.
Hawig na hawig nito ang lalaking nakatayo malapit sa kanya. Tulad ng anak niyang lalaki, hawig na hawig rin ito sa ama niya.
Muli siyang lumingon sa lalaking malapit sa kanya.
BINABASA MO ANG
My Borrowed Love (Book One & Two)
AdventurePakibasa na lang po ng PROLOGUE :) [UNDER REVISION] MARAMING PAGBABAGO ANG MAGAGANAP SA BOOK 1. Papalitan ko po ang pangalan ng ibang character at magdadagdag po ako ng character. Kapag na-edit ko na po ang isang chapter, lalagyan ko po ng: (EDITED)...