(Fei's POV)
"Nga pala, Jai. Natawagan mo na ba sila Tita para malaman nila ang tungkol dito?" Tanong ko.
Pabalik na kami sa ICU.
Kaming dalawa lang muna. Nagcelebrate pa yung dalawa sa may labas eh. -.- Delikado pa naman. Baka sila naman dukutin nila Charles.
"Oo. Inantay ko ring makarating muna sila bago ako sumunod sa inyo." Sagot ni Jai.
"Hmm. Papayagan pa rin kaya ni Cyrus na lumaban si Mika sa Gang Fights? Ano sa tingin mo?" Tanong ko sa kanya.
"Di ko alam. Siguro hindi na. Baka mag-bakasyon muna yung dalawang yun para maalagaan ni Cyrus si Mika." Sagot niya sakin.
Pagkarating namin sa ICU, nandun si Tita Thea at si Prei.
Nakipag-beso ako sa kanilang dalawa.
"Kami na po muna ang magbabantay sa kanilang dalawa, Tita. Pwede na po kayong umuwi at magpahinga." Sabi ko.
"Hindi. Ayos lang naman kami dito, Fei. Salamat na lang." Sagot ni Tita.
"Sige po."
Nakaramdam ako ng pagkagutom kaya tumalikod ako.
"Kakain lang po ako sa labas. Jai, ikaw na muna bahala dito." Bilin ko.
"Sige. Mag-iingat ka, Fei." Sagot ni Jai.
Lumabas na ako ng ICU at bumaba sa may Parking Lot. Pumunta ako sa kotse ko at kinuha dun yung baril ko. Kinuha ko rin yung leather jacket ko at dun ko nilagay yung baril ko. Sinara ko na yung pinto ng kotse ko tapos nagpunta ako sa malapit na 7eleven.
"Miss, apat na order nga ng Siomai." Sabi ko dun sa babaeng naka-assign para dun sa may Siomai at Siopao.
"Paki-balot yung tatlo." Paalala ko.
Inayos niya yung order ko tapos binigay na sakin. Binayaran ko yun tapos naglakad ako papunta sa may mga refrigerator. Lumapit ako sa may mga tinapay. Kumuha ako ng dalawang creamroll na Cookies n' Cream. Lumapit ako sa may refrigerator at bubuksan ko na dapat nung biglang may narinig akong nag-tilian kasabay ng putukan ng baril. Nagtago ako sa may shelves ng mga lata ng sardinas. Hindi pa rin natitigil ang barilan. Tumayo ako at tumakbo papunta sa may refrigerator na lalagyan ng mga Ice Cream. Tumalon ako papunta sa likod nung refrigerator at dun ako nagtago. Nakakita ako nung parang plastik na makapal na kulay asul kaya kinuha ko yun at itinaklob sa ibabaw ko para di nila ko makita. Kinuha ko sa bulsa ko ang phone ko saka ko dinial number ni Jai.
[Fei, bakit?]
"Punta ka sa may malapit na 7eleven. Mag-ingat ka, may nagbabarilan dito. hanapin mo ko sa may likod ng refrigerator ng Ice Cream. "
[TSK! Sige, sige! Mag-iingat ka dyan.]
"Oo."
~End Call~
(Play the music Video at the Multimedia Section------->)
(Jairus' POV)
FUCK! Hindi ko alam ang gagawin ko kapag may nangyaring masama kay Fei! Tangina! Bakit ba kasi hinayaan ko siyang magpunta dun mag-isa?!
"Tita, pupuntahan ko lang po si Fei sa may 7eleven. Mag-iingat po kayong dalawa dito." Sabi ko.
Di ko na sila inantay na magsalita. Tumakbo na agad ako pababa at pumunta sa may Parking Lot. Binuksan ko yung kotse ko at kinuha ko yung dalawa kong pistol tapos sinara ko yung kotse ko. Tumakbo na agad ako sa may 7eleven. Basag-basag yung salamin. Maraming dugong naka-kalat. Basag-basag din yung mga salamin ng mga refrigerator tapos butas yung ibang bote ng tubig.
BINABASA MO ANG
My Borrowed Love (Book One & Two)
AdventurePakibasa na lang po ng PROLOGUE :) [UNDER REVISION] MARAMING PAGBABAGO ANG MAGAGANAP SA BOOK 1. Papalitan ko po ang pangalan ng ibang character at magdadagdag po ako ng character. Kapag na-edit ko na po ang isang chapter, lalagyan ko po ng: (EDITED)...