Evan's POV
8 years ago...
Dahil isa nga akong seaman kaya madalas rin ako wala sa bahay pero kinausap ko rin ang mga magulang ko kung papayagan rin ba nila ako na tumira na magisa. Si daddy ang unang pumayag at sa totoo lang ang hirap kumbinsehin ni mommy bago pa siya pumayag na tumira magisa. Kaya ito kapag bumabalik ako sa Pilipinas nandito ako sa apartment tumutuloy at isang taon na ako nagbabayad ng renta ko para siguradong pagbalik ko ay may matitirahan pa ako.
In the middle of night when I heard someome's knocking.
"Sino naman kaya itong kumakatok sa ganitong oras?" Lumabas na ako sa kwarto ko para buksan ang pinto.
Pagbukas ko sa pinto ay laking gulat kong makita kung sino ang kumakatok sa ganitong oras. Si Jasmine, ang crush ko noong high school pa lang kami. Pero ano ang ginagawa niya dito? At bakit siya kumakatok sa ganitong oras?
"H-Help me, please..." Sabi niya. At napansin kong puro pasa siya sa buong katawan.
Ano nangyari sa kanya?
Niluwagan ko ang pinto. "Pasok ka."
Inabutan ko siya ng maiinom at mapapansin talaga ang panginginig niya.
"Pwede ko bang malaman kung ano ang nangyari sayo?" Tanong ko.
"Kasama ko kanina ang fiance ko pero mga ilang oras na siguro iyon ay binubugbog niya ako kaya tumakas ako sa kanya. Hindi ako pwedeng pumunta sa mga magulang ko dahil ayaw kong mapahamak sila."
Fiance? Tama ba ang dinig ko? May fiance na siya?
Sabagay isang campus queen si Jasmine noong nasa high school pa kami at maraming kalalakihan ang nagkakagusto sa kanya, isa na ko doon. Hindi na ako magugulat kung hindi na niya ako maalala.
"Bakit hindi ka pumunta sa mga pulis?"
Umiling ito. "Natatakot ako sa pwedeng mangyari."
"Kung gusto mo pwede kitang tulungan dahil may kilala akong abogado na pwedeng tumulong sa kaso mo."
"Salamat pero sa tingin ko hindi magandang ideya iyan. Sobrang mayaman siya at marami siyang connection."
"Hmm..." Pinagkrus ko ang mga braso ko habang nagiisip kung paano ko siya matutulungan. "Bago ko makalimutan, bakit ako ang nilapitan mo? Hindi mo nga ako masyadong kilala."
"I know you. Schoolmate kita noong high school at palagi rin kita nakikita sa crowded sa tuwing lumalapit sa akin ang mga lalaki. Most of them are my suitors but I really hate it."
Kilala niya ako. At hindi lang iyon palagi niya rin ako nakikita sa crowded kahit sa malayuan ko lang siya tinitingnan.
"Hindi mo pa nasasagot ang tanong ko. I'm sure marami kang kaibigan na pwedeng tumulong sayo."
"Like what I said ayaw kong may madamay dito."
"Bakit ako? Gusto mo bang madamay ako kapag nalaman ng fiance mo na nandito ka sa apartment ng isang lalaki?"
"No. Ang totoo niyan wala sa Pilipinas ang ibang kaibigan ko at ang iba naman ay nasa probinsya nakatira. Hanggang sa nakita kitang lumabas dito kanina kaya hinihintay kitang bumalik. Nagtago pa ako sa kanya sakaling makita niya ako kung saan nagtatago."
"Ikaw na ang nagsabing marami siyang connection kaya hindi ako mangangako na matatago kita habang buhay sa fiance mo pero gagawin ko lahat na makakaya ko."
"Thank you, Evan." Nakangiting sabi niya na dahilan bumilis ang tibok ng dibdib ko. Shit. Huwag kang ganyan.
"Kaso may isa pa tayong problema."
"Ano iyong isa pang problema?"
"Wala ako sa susunod na buwan at hindi naman kita pwedeng iwanan dito sa apartment ko. Mas lalo ng hindi rin pwede sa mga magulang ko baka tanungin nila ako."
Damn. Ang hirap ng ganito. Kailangan kong umalis next month. Ugh, bwesit.
"Kailan ang balik mo?"
"Hindi ko pa alam kung kailan ako babalik."
"Huwag mo na ako isipin dahil kaya ko naman ang sarili ko. As long as hindi ako makikita ng fiance ko ay okay lang ako magisa."
"Gamitin mo na ang kwarto ko para makapag pahinga ka na."
"Saan ka matutulog?"
"Sa couch na ako matutulog."
"Tinulungan mo na nga ako tapos sa couch ka matutulog."
"Hindi naman ako papayag na ikaw ang papatulugin ko sa couch."
Mawawala ang pagiging gentleman ko niyan kapag gagawin ko iyon.
Maaga ako magising kahit anong oras na ako nakatulog kagabi.
Lumimgon ako sa likod noong maramdaman ko ang presensya niya. "Tamang tama malapit na ako matapos sa niluluto ko."
"Bakit ka nga pala nakatira magisa ngayon?"
"Dahil nga sa trabaho ko na minsan lang ako umuuwi at saka gusto ko rin ang kalayaan."
"Pwede ka naman tumuloy sa inyo kahit minsan ka lang umuuwi. I mean, hindi mo ba namimiss ang pamilya mo?"
"Namimiss ko rin sila pero minsan bumibisita ako sa kanila at minsan si Travis ang binibisita ko. Wait, kilala mo ba si Travis?"
"He is your brother, right? Kilala rin kayo sa campus dati kahit ang kambal dahil hindi lang pala ako ang tinatawag ng mga kalalakihan na Campus Queen. Nang nalaman kong isa pa lang Chase ang isa pang Campus Queen ay madalas kami naglalaban."
"Sikat pala kami na hindi ko man lang alam." O baka hindi ko napapansin iyon dahil focus ako palagi sa pagbabantay kay Theo baka may gagawin na namang kalokohan.
"Madalas ko rin naririnig ang tungkol sa inyo."
"Baka si Theo ang tinutukoy mo dahil sobrang pasaway noon. Naiintindihan ko pa si Travis kasi sikat rin siya dahil siya lang ang hindi takot kay Mavis dati." Nilapag ko na mesa ang niluluto kong almusal. "Pero ako? Nah, imposible."
"Mukhang masarap ang niluto mo. Kain na tayo." Sabi niya.
"Aalis nga pala ako mamaya." Pagpaalam ko sa kanya.
"Bibisitahin mo ang mga magulang mo?"
Tumango ako. "Oo, eh. At saka yayain ko rin si Travis sa bachelor party niya. Next week na kasi ang kasal niya."
"Malapit na rin pala siya ikasal. Maswerte ang magiging asawa niya dahil mabait na tao si Travis kahit hindi ko pa siya nakakausap pero iyon ang naririnig ko sa mga tao."
Mabait naman talagang tao si Travis kaya imposibleng walang kababaihan ang magkakagusto sa kanya noong nagaaral pa kami.
-_-_-_-
Hello! Ilalagay ko na ito pero tatapusin ko na muna ang story ni Travis bago ko ito itutuloy.
BINABASA MO ANG
My Secret Romance
RomanceChase Sequel #2 : Evan Chase Ang akala nga ng mga kasamahan ni Evan sa trabaho ay isang bakla dahil niisa wala siyang pinapatulan na babae. Pero ang totoo niyan may isang babae siyang gusto makasama habang buhay - iyon ay walang iba kung 'di si Jasm...