"Daddy, totoo po bang aalis kayo next week?"
Tumingin ako kay Eve dahil hindi ko alam kung tutuloy ko pang bumalik sa pagiging seaman kasi may pumipigil sa akin ngayon kaso hindi ko alam kung ano iyon.
Sasagot na sana ako noong may magdoorbell. Wala naman akong inaasahan na bisita ngayon. Sino kaya iyon?
Binuksan ko na ang gate at may isang may edad na babae kaso hindi siya familiar sa akin ang nasa harapan ko ngayon.
"Sino ho sila?"
"Evan... Evan Chase?" Sabi noong babae.
"Ako nga ho."
"Your father is Trey Chase, right?"
"Yes. How did you– Never mind." Kilala nga pala ang pangalan namin kaya ang lahat na tao kilala ang mga Chase. Kahit rin nga ang mga anak ni Trey Chase. "Who are you, ma'am?"
"I-I am your birth mother, Evan."
Namilog ang mga mata ko. "Sorry, but I don't know you."
"But I am your birth mother."
"Maybe you are my birth mother, but not my real mother. She is the one who never abandon her own son. Maybe she's not my real mother but she accepted me and treated me like her own. You can leave because I don't owe you anything. You have not been a mother to me." Sinarado ko na ang gate pagkaalis niya.
Tsk. Bakit pa kasi siya nagparamdam sa akin? Ni minsan nga hindi ko siya hinahanap tapos magpaparamdam siya.
Bumalik ako sa katinuan noong may nagdoorbell ulit. Sana hindi na siya itong nagdodoorbell ngayon.
"Dad..." Nakahinga ako ng maluwag na hindi yung babae kanina. "Pasok ho kayo."
"Nakita ko yung nangyari kanina. Sino yung babaeng kausap mo kanina?"
"I don't know. Nagtatanong lang po ng direction."
"Huwag ka magsinungaling sa akin, Evan. Kilala na kita simulang baby ka pa lang kaya sabihin mo na sa akin kung sino iyon."
Bumuga ako ng hangin. "Nagpakilala siya sa akin na siya daw po ang... birth mother ko."
"I see..."
"I see? Iyan lang po ba ang sasabihin niyo pagkatapos niyong malaman nakilala ko na ang nagdala sa akin ng siyam na buwan?" Na bad trip na nga ako sa nangyari kanina tapos ganito pa ang magiging reaksyon ni daddy. "Teka nga, dad, may alam na po ba kayo kung sino ang tunay kong ina?"
Umiling siya. "Wala pa akong ideya kung sino siya. Ni minsan hindi ko siya hinanap. Hindi ko nga maalala kung ano ang itsura o pangalan niya. So, ano pala ang plano mo? Ngayon nakilala mo na siya."
"Isa lang ang kinilala kong ina. Walang iba kung 'di si mommy Pau. Kahit hindi ako nanggaling sa kanya hindi iba ang tingin niya sa akin at tinuring pa rin niya ako parang tunay na anak niya."
"Nakikita ng mommy niyo ang sarili niya sayo, Evan. Ayaw niya rin maranasan mo balang araw ang naranasan niya noon at mas ayaw niya makalayo kayong dalawa ni Travis."
Ngayon ko lang naisip kung paano nakalayo kami ni Travis? Siyempre hahanapin ko siya dahil kapatid ko pa rin siya at gusto ko ulit magsama ulit kami gaya noong mga bata pa lang kami.
"Ano po pala ang ginagawa niyo dito?"
"Gusto ko lang ipakita sayo ang mga ito." May pinapakita si daddy na mga pictures ng isang baby. "Ang cute ng anak nina Travis at Mavis, di ba?"
"Dad, ano ang gusto niyong iparating sa akin? Alam kong may ibig sabihin niyang sinasabi niyo pero inuunahan ko na kayo na malabo ng bigyan ko ulit kayo ng apo."
"Sinabi na kasi sa akin ni Thea ang lahat."
"Ugh, si Thea talaga. Pero kung ano man ang iniisip niyo ngayon, ayaw ko po. Ayaw ko ng gulo, ayaw ko rin na bumalik pa siya sa buhay ko. Masaya na kami ni Eve ngayon."
"Pinagsasabi mo? Hindi ko iniisil ang ganyang bagay. Ang gusto ko lang sabihin sayo na, bakit hindi ka maghanap ng ibang babae na pwede mong mahalin at tatayong ina ni Eve?"
Umiling ako. "Hindi po ako naghahanap ng babae. Okay na ko kung ano meron ako ngayon."
"Hindi ba balak mong bumalik sa pagiging seaman mo? Hindi naman pwede na iiwanan mo magisa ang anak mo na walang kasama habang wala ka."
"Nakapag desisyon na po ako na hindi na ako babalik sa pagiging seaman ko. Sa walong taon akong wala sa tabi ni Eve kaya gusto ko siyang makasama ng matagal."
"Sayang rin dahil pangarap mo ang pagiging seaman."
Pangarap ko nga ang maging seaman pero gusto kong bumawi sa walong taon na wala ako habang lumalaki si Eve.
"Paano pala kayo nabubuhay ngayon? Wala kang trabaho."
"Wala naman po akong sinabing wala akong trabaho ngayon. May trabaho ako, dad. Naiintindihan ko na ang sitwasyon mo noong mga panahon na magisa mo lang ako inalaagaan. Ang hirap nga."
Tumawa siya ng mahina. "Kung hindi ko nakita ang mommy niyo noon, hindi ko na alam ang gagawin ko sayo. Pasalamat ka nga malaki na dumating ang anak mo sayo. Paano pa kaya kung dumating siya na sanggol pa lang?"
Naiimagine ko nga ang sarili ko kung dumating nga si Eve sa akin na sanggol pa lang siya. Paniguradong hindi ako papatulugin gabi-gabi sa kaiiyak niya.
"Proud ako sayo, Evan dahil ginagawa mo ang lahat para sa anak mo. Medyo disappointed kami sayo pero wala na kami magagawa pa ng mommy mo. Nandiyan na rin ang anak mo."
"Thanks, dad..."
"Sayang nga lang hindi mabubuo ang pamilya ni Eve."
"Kung pwede nga lang bumalik sa nakaraan at baguhin ang lahat matagal ko na sana ginawa iyon." Kahit ako ang lalaking minahal ni Jasmine pero hindi talaga kami ang para isa't isa.
"I have to go. Bibisitahin pa namin si Mavis ngayon sa hospital."
"Sige po. Ingat kayo."
"Kailan mo nga pala balak bisitahin si Mavis para makita mo sa personal ang anak nila?"
"Kung kailan po hindi ako masyadong busy."
Pagkaalis ni daddy sa bahay ay iniisip ko ang nangyari kanina. Nakilala ko na rin ang bumuhay sa akin ng siyam na buwan pero hindi ko siya matatawag na ina ko dahil minsan hindi siya naging ina sa akin.
Ugh, kailan ba magiging tahimik ang buhay ko? Gulong gulo na ako.
To Unknown;
Can we meet tomorrow?
Kailangan ko ng kausap ngayon at sana nga lang pumayag siyang makipagkita sa akin bukas.
BINABASA MO ANG
My Secret Romance
RomanceChase Sequel #2 : Evan Chase Ang akala nga ng mga kasamahan ni Evan sa trabaho ay isang bakla dahil niisa wala siyang pinapatulan na babae. Pero ang totoo niyan may isang babae siyang gusto makasama habang buhay - iyon ay walang iba kung 'di si Jasm...