7

144 9 1
                                    

"Daddy, may bisita po kayo." Salubong sa akin ni Eve pagkauwi ko.

Kunot noo akong tumingin kay Eve dahil wala akong inaasahan na may bibisita sa akin ngayon. Pumasok na ako para malaman kung sino ang bisita ko daw at may nakita ako isang lalaki nakaupo sa couch ko.

"Hello?" Mukhang busy siya sa pagoobserba sa bahay ko dahilan hindi ako napapansin nandito.

Lumingon siya sa akin. Hindi nga familiar sa akin ang mukha niya. "You must be Evan Chase, my wife's love affair."

"Excuse me? Your wife's love affair? What the hell are you talking about?" Naguguluhan ako. Ano ba ang pinagsasabi nito? At saka kahit kailan hindi ako pumapatol sa may asawa. "Who are you, by the way?"

"I'm Brent Larson. I'm sure you already heard my name from my wife."

Brent... Brent... Brent... Ahh, yung kupal na halimaw na pinakasalan ni Jasmine.

Pinag krus ko ang mga braso ko. "What do you want?"

"Stay away from my wife."

"Stay away from your wife. Psh... Mukhang nagkakamali ka ng inakala na may relasyon ako sa asawa mo. Unang una, wala kaming relasyon para sabihin mong kabit ako ng asawa mo. Pangalawa, ilang buwan na ang huling pagkikita naming dalawa. Simulang lumipat kami ng anak ko ng matitirahan ay hindi ko na siya nakikita o nakakausap. Pangatlo, paalala ko lang sana na hindi mo nakakalimutan nasa teritoryo kita at pwede kitang kasuhan kung gagawa kang gulo sa pamamahay ko."

"Baka ikaw ang kasuhan ko. Tandaan mo maling tao ang kinalaban mo."

Ngumisi ako. "Be my guest. Hindi ako natatakot sayo."

Kung kailan kailangan ko ng peace of mind doon pa dumating ang lalaking iyon. Gusto ko siyang bugbugin. Akala mo kung sino.

Pumunta na ako kung nasaan si Eve. "Eve..."

"Bakit po?"

"Sa susunod huwag na huwag kang papasok na hindi mo kilala. Kung magpakilala na kaibigan ko huwag ka pa rin magpapasok kapag wala akong binilihin na may bisita ako dadating."

"Sorry po. Hindi na po mauulit."

Tsk. Sa dami ko pwedeng makalimutan ibilin sa kanya, iyong huwag siya magpapasok na kahit sino na hindi niya kilala.

"Magbihis ka. Sa labas tayo kakain." Sabi ko saka tumalikod na sa anak ko.

Nawalan na ako ng gana magluto ngayon dahil sa nangyari kanina. Ni hindi ko nga alam kung paano niya nalaman kung sino ako at kung saan ako nakatira. Imposibleng stalker ko dahil 'di naman ako ganoon sikat para magkaroon ng stalker.

Pagkarating namin sa malapit na kainan ay naghanap ako agad ng mauupuan namin. Nagugutom na ako at umorder na rin kami ng makakain namin.

"Kamusta naman ang pagaaral mo?" Tanong ko. Ang hirap pala ng ganito. Ngayon naiintindihan ko na ang sitwasyon ni daddy noong kaming dalawa pa lang ang magkasama.

Tumingin lamang siya sa labas ng bintana at ayaw sagutin ang tanong ko sa kanya.

Kumunot ang noo ko. "May problema ba, Eve? May umaaway ba sayo?"

Tumingin siya sa akin saka umiling. "Wala po umaaway sa akin."

"Magsabi ka sa akin ng totoo."

Yumuko siya. "B-Binubully po ako ng mga kaklase ko. Wala daw po kasi akong mommy at hindi daw ako mahal. Totoo po bang hindi ako mahal ni mommy kaya may iba na siyang pamilya?"

Bumuga ako ng hangin. "Pinagusapan na natin iyan dati, di ba? Masyado ka pang bata para maintindihan mo ang nangyayari at huwag mo ng pansinin ang sinasabi ng mga kaklase mo. Gusto mo bang makilala ang mga tito at tita mo?"

"Opo! Gustong gusto ko po." Bumalik sa pagiging masigla ang mukha ng bata ngayon kumpara kanina.

"Sige, papakilala kita sa kanila sa susunod na bisita."

"Yay! I'm so excited to meet them. May mga pinsan na po ba ako?"

"Yes, dalawa ang pinsan mo. Sina Tyler at Todd, mga anak sila ng tito Travis mo."

"I really want to meet them."

"Mas bata lang sila ng isang taon sayo ah."

Pagkatapos namin kumain ay naglakad kami pauwi dahil malapit lamang ang bahay sa kinainan namin.

"Daddy, pwede po bang mamasyal tayo bukas? Matagal tagal na rin yung huling punta natin sa mall."

"Sure, basta ikaw. Malakas ka sa akin."

"Thank you po." Nakangiting sabi niya. Bakit ko ba nakikita sa kanya si Jasmine? Sabagay, siya ang ina ni Eve at talagang makikita ko siya sa bata.

Siguro nga may ibang katangian ako na nakuha ni Eve pero ang karamihan sa mommy niya.

Tumingala ako sa kalangitan. "Paglaki mo magiging kasing ganda mo ang mommy mo."

"Pwede po ba magkwento kayo tungkol kay mommy? Gusto ko lang siya makilala ng lubusan kahit hindi ko siya nakakasama."

"Sikat ang mommy mo noong nagaaral pa kami. Sa sobrang ganda niya kaya tinawag siyang Campus Queen at marami ring kalalakihan ang humahabol sa kanya."

"Isa ka na doon, daddy?"

Tumingin ulit ako sa kanya saka ngumiti. "Yes. Isa na ako doon sa mga kalalakihan."

"Nakakausap niyo po ba si mommy dati?"

"Hindi ko magawang lumapit sa mommy mo noon."

Kung alam mo lang, Eve kung gaano kahirap lumapit sa mommy mo noon at aawayin lang ako ng mga kalalakihan na may gusto sa kanya.

"Bakit po?"

Paano na lang kung nagawa kong lumapit sa kanya dati? Ano kaya ang mangyayari sa amin ngayon? Bakit umaasa ba ako na magiging kami kapag lumapit at kinausap ko siya noon?

Hindi ko namalayan nandito na pala kami sa tapat ng bahay dahil sobrang lalim ng iniisip ko kanina.

"Magpalit ka muna ng damit mo at matulog ka na rin dahil may pasok ka pa bukas."

"Pero huwag niyo po kalimutan ang pinangako niyong mamasyal tayo bukas."

"Yes, pagkatapos ng school mo mamasyal tayo. Ako pa mismo ang susundo sayo."

"Good night, daddy."

Lumuhod ako sa harapan ni Eve at niyakap niya ako saka hinalikan sa pisngi. "Good night, princess."

Maaga akong nagising para magluto na ng almusal namin. Maaga rin kasi ang pasok ko ngayon kaso may naalala ako bigla.

"Nakalimutan ko ng kunin ang ibang gamit namin sa apartment. Sana hindi pa tinatapon ng landlady 'yong mga gamit namin."

Isang buwan na rin noong lumipat kami ng matitirahan dahil gusto ko ng peace of mind kaso dumating kahapon ang asawa ng dati kong minahal. Nawala tuloy ang peace of mind na gusto ko mangyari sa akin. Kung ano ang away nila magasawa sana huwag na nila ako idamay pa dahil gusto ko talaga ng katahimikan.

My Secret RomanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon