17

128 13 0
                                    

Jasmine's POV

"Where have you been?" Nagulat ako marinig ang boses na iyon. Patay ako dahil hindi nga pala ako umuwi kahapon tapos hindi ko rin sinasagot ang mga tawag niya. Pumayag kasi ako sa kagustuhan ni Evan – Wait, kagustuhan ko rin naman iyon.

"Ano kasi... Um..."

"Kasama mo na naman ang lalaki mo, 'no?" Pinag krus niya ang mga braso niya at ang masama makatingin sa akin. "Hindi mo ko maloloko, Jasmine. Gusto mo talagang may gawin akong masama sa kanya."

"Brent, please naman. Huwag mong idamay dito si Evan at sana matanggap mo na hindi ikaw ang lalaking mahal mo."

"No. I will never give you to anyone. Kahit diyan sa lalaki mo. Magkamatayan na muna kami bago ka niya makuha sa akin."

"Hindi na ikaw ang kilala ko, Brent. Ang laki na pinagbago mo simulang sinagot kita."

"Alam ko ang iniisip mo, Jasmine. Tandaan mo kapag nakipaghiwalay ka sa akin wala kang makukuhang share sa ari-arian."

Iyan ang dahilan ko kung bakit hindi ko magawang makipaghiwalay sa kanya kahit gusto ko na talaga. Gustong gusto ko na makasama ang mag-ama ko. Kung hindi ako pumayag na magpakasal sa kanya ay mapapahamak rin ang mga magulang ko. Mabuti nga noong nalaman kong buntis ako kay Eve ay pinayagan niya muna ako makasama ang mga magulang ko at ang akala niya gusto ko lang makasama ng matagal ang mga magulang ko bago ang kasal namin. Walang alam si Brent na may anak ako sa ibang lalaki. Hindi ko nga alam kung paano niya nalaman ang tungkol kay Evan.

Noong namatay ang mga magulang ko hindi ako nakapunta dahil malalaman ni Brent ang tungkol kay Eve. Binibisita ko ang anak ko kapag maaga pumapasok sa trabaho si Brent at sinabi ko rin sa bata ang tungkol sa daddy niya. Mabuti nga tinanggap ni Evan ang anak niya at inaalagaan niya ng mabuti.

Ilang araw ang lumipas ay hindi na ako lumalabas sa kwarto ko. Ayaw kong makita si Brent kahit magkasama kami sa isang bahay.

"Mina, you want this one, right?" Inangat ko ang tingin sa hawak niya at namilog ang mga mata ko ng malaman kung ano iyon. "But in one condition."

Ano kaya ang nakain niya at pumayag na pirmahan ang annulment namin?

"Ano naman ang kondisyon mo?"

"Pagisipan mo ng mabuti ito... Kung itutuloy ko itong annulment natin at tuluyan ka na makalaya sa akin pero wala kang makukuhang share. Or you will stay here and be a good wife."

Walong taon na ako nagtiis na makasama siya at kapag hindi ko nagawa ang tama ang trabaho ko dito sa bahay ay sinasaktan niya ako. Tama na ang walong taon.

"Bibigyan kita ng pana–"

"Hindi ko na kailangan ng panahon para magisip dahil matagal na akong nagdesisyon. Alam nating pareho na gusto ko ng makipaghiwalay sayo at wala akong pakialam kung wala akong makuhang ari-arian. Hindi ko naman pinaghirapan ang mga iyon para magkaroon rin ako ng share."

Huminga siya ng malalim. "Final answer?"

"Buo na ang desisyon ko, Brent."

"Okay. Here." Inabot na niya sa akin ang annulment paper namin.

Finally, makakaalis na rin ako sa puder niya.

Isang buwan ang lumipas ay bumalik ako sa bahay namin. Buti hindi ko naisip ibenta ang bahay namin dahil wala na rin naman nakatira dito. Ang unang ginawa ko ay hinahanap ko kung saan nakatira ang mag-ama ko dahil matagal ng lumipat sila Evan ng matitirahan nila. Pumunta pa ako sa dating apartment niya baka may alam ang dating landlady niya kung daan lumipat si Evan pero bigo ako.

My Secret RomanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon