"Hija, how old are you?" Tanong ni mommy noong bumalik siya na may dalang merienda.
"8 years old po."
Nagulat si mommy at binaling ang tingin sa akin. "Mas matanda pala ang anak mo sa kambal ni Travis."
"Yes po." Mas matanda nga si Eve sa kambal ni Travis pero isang taong lang naman. "Bakit kayo nagulat noong sinabi ni Eve kung ilan taon na siya?"
"Your father's plan was give the company to the first grandchild but we thought Travis' twin was the first grandchild."
Nagulat ako sa sinabi ni mommy. "Naiintidihan ko po ang gusto ni dad mangyari at hindi na siya bumabata kaya kailangan na niyang may papalit na sa companya pero masyado pang bata si Eve o ang kambal."
"Bakit kasi ayaw niyo sa akin ibigay ang company?"
Lumimgon si mommy sa nagsalita. "Theo... Why did you come home early?"
"Kanina pa po ako nandito at narinig ko ang pinagusapan niyo ni kuya Evan. Bakit kasi ayaw sa akin ibigay ni daddy ang company?"
"Ilang beses mo ng binigo ang daddy niyo, Theo. At alam mo naman ayaw ng daddy niyo mawala ang company nang dahil lang sa mga kalokohan mo."
"Ang tingin niyo naman sa akin puro kalokohan lang ang alam. Pwede naman ako magbago para hindi na madisappoint sa akin si daddy."
"You don't want me to disappoint, Theo? Patunayan mo yang sinasabi mong magbago ka bago ko ituloy na ang pinaplano kong ibigay ang company sa unang apo ko."
"Tsk. Papatunayan ko talaga sa inyo na kaya ko talaga magbago."
"Huwag puro salita, Theo. Gawin mo. Pero kung gusto mo nga talaga magbago kailangan mong tumira sa probinsya."
"What?! Bakit kailangan ko tumira sa probinsya? Kung pwede naman dito."
"Marami ka pang matutuklasan kung doon ka tumira."
"Gaano katagal ako titira doon?"
"How about 3 months?"
"Ang tagal kung tatlong buwan ako doon."
"Wala pa nga pero nagrereklamo ka ngayon."
"Tsk. Fine, 3 months." Umalis na si Theo pagkasabi niya iyon. Kitang kita sa mga mata niyang seryoso siya makuha ang company. Sana nga magbago na siya.
"Are you sure, Trey?"
"Ganoon rin ang ginawa sa akin ni papa bago niya binigay sa akin ang CAS. Pumayag rin naman ako kaagad dahil hindi iyon ang unang beses na pinadala sa probinsya. Ang unang beses niya ako pinadala noong hindi na nila kaya ang pagiging pasaway ko – mas pasaway pa ako kumpara kay Theo, ang pangalawa noong nawala si Taylor at ang huli yung mga panahon bago mo ko nakilala."
"Kaya ginawa mo rin kay Theo?"
"Pasalamat nga siya isang beses lang niya maeexperience manirahan sa probinsya."
"So, dad, kung hindi magawang magbago ni Theo ibig sabihin kay Eve niyo ibibigay ang company?"
"Iyon talaga ang plano ko."
"Dad, so unfair! May pangarap rin ang anak ko na gusto niyang tuparin."
"Naiintindihan ko ang gusto mong sabihin, Evan. Pero hindi naman pwede na habang buhay ako ang maghahandle ng company natin. Ang plano ko sana kapag 18 years old na siya doon ko ibibigay sa kanya ang company. Bale may sampung taon ang hihintayin."
"Ang unfair talaga." Sabi ko saka tumingin kay Eve. Busy siya sa ibang bagay dahil hiniram niya ang phone ko. Binaling ko ulit ang tingin kay daddy. "Alam ho ba ni Travis ang tungkol dito?"
"Alam na rin ni Travis ang tungkol sa plano ko."
"Ano ang sabi niya noong nalaman na may plano kayo ibigay sa unang apo niyo?"
"Kilala ko ang kapatid mong iyon."
May chance na pumayag rin si Travis sa kagustuhan ni daddy pero kailangan ko pa rin makausap ang kapatid ko tungkol dito.
"Oh my God! You're here, kuya Evan." Tumingin ako sa familiar na boses na iyon. Sino pa nga ba ang magsasalita ng ganoon? Walang iba kung 'di ang maarte at nagiisang kapatid naming babae.
"Wala ako dito. Guni-guni lang na akala mo nandito ako ngayon."
"Kainis ka talaga, kuya. Sino pala iyang batang katabi mo?" Tinuro ni Thea kung nasaan si Eve habang busy pa rin 'to.
"Eve..." Huminto sa paglalaro ang bata dahilan lumingon sa akin. "Siya ang tita Althea mo kakambal siya ng tito Theo mo."
"Yung kausap niyo po kanina?"
"Yes, yung kausap namin kanina." Binaling ko ulit ang tingin kay Thea. "Siya naman si Eve, ang anak ko."
"Wha– Anak mo, kuya?"
"Nasa harapan lang kita at sigurado akong narinig mo ang sinabi ko."
"Kainis ka talaga. Ang akala ko pa naman si Theo lang ang bwesit sa buhay ko."
"Oo nga anak ko siya kay Jasmine at huwag mo ng alamin kung paano nangyari iyon."
"S-Si ate Jas? Oh my God!"
"Eve, samahan mo muna ang lola mo sa kitchen."
"Okay po." Binalik na niya sa akin ang phone ko bago pa siya pumunta sa kusina."
"Pero ang pagkaalam ko kasal na si ate Jas ngayon."
"Oo alam ko rin kasal na siya. Kaya nga na sa akin ngayon si Eve."
"Alam ba ng bata na kasal na ang mommy niya?"
"Matagal na niyang alam."
"Mahal mo pa rin siya, 'no? Halata kasi sa mga mata mo na mahal mo pa rin si ate Jas hanggang ngayon."
"Paano mo nalaman tungkol diyan? May sinabi ba sayo si Travis?"
"Walang sinasabi sa akin si kuya Travis. Noong high school pa lang kayo ay madalas kitang nakikita tumingin sa direksyon ni ate Jas kahit malayuan. Nahahalata kong may gusto ka rin sa kanya gaya ng mga kalalakihan."
"Ayos lang ba sayo, Thea? I mean nababalitaan ko na madalas rin kayo naglalaban ni Jasmine sa pagiging Campus Queen dati."
"Hindi talaga maiiwasan na marami rin humahanga sa kagandahan ko."
Inikot ko ang mga mata ko. "Tigilan mo ko."
"Animinin mo na kasi maganda ako, kuya."
"Wala akong aaminin..."
Pwede bang batukan ang kapatid ko? Pero hindi ko gagawin talaga iyon dahil lagot ako sa mga magulang namin kapag binatukan ko si Thea.
"So mean. Pero seryoso na... Hindi ko namang tinuring karibal o kung ano man si ate Jas, eh. At saka yung mga lalaking nagkakagusto sa akin, hindi sila ang tipo kong lalaki. Kaya huwag kayo magaalala at hindi rin naman ako aabot sa edad kong ito kung may nagustuhan akong lalaki."
"Dapat lang. Tingnan mo ang kuya Travis mo nagpakasal after 6 years pero naghiwalay sila ni Mavis ng 8 years tapos may kambal pa sila."
"Ah, basta. Huwag na natin pagusapan ang tungkol sa akin. Ang pagusapan natin ang sa inyo ni ate Jas."
"Ano ang gusto mong pagusapan? Malabong maging kami. Kasal na siya, may anak lang kami. End of conversation."
"Uso naman ang pagkakaroon ng affair. Bakit hindi mo subukan?"
"Tigilan mo ko, Thea at mababatukan na talaga kita. Wala akong balak pumasok sa buhay niya at ayaw kong magimg magulo ang buhay ko. Period!"

BINABASA MO ANG
My Secret Romance
RomanceChase Sequel #2 : Evan Chase Ang akala nga ng mga kasamahan ni Evan sa trabaho ay isang bakla dahil niisa wala siyang pinapatulan na babae. Pero ang totoo niyan may isang babae siyang gusto makasama habang buhay - iyon ay walang iba kung 'di si Jasm...