23

149 11 0
                                    

"Bakit biglaan ang punta mo sa sememteryo? At sinama mo pa talaga ako." Tanong ko. Hindi ko kasi alam ang dahilan kung bakit biglaan ang punta ni Evan dito.

"Okay, sasabihin ko na sayo ang dahilan. Pinaguusapan kasi natin kanina ang tungkol sa mga magulang mo kaya naisip ko na dalawin natin sila."

Hindi na nga ako nakarating noong lamay at libing nila tapos hindi pa ako dumadalaw sa kanila kahit isang beses. Anong klaseng anak ako? Kung hindi naisip ni Evan na pumunta dito, hindi pa ako dadalaw sa kanila.

"Alam mo ba kung saan?"

"Yup. Minsan kasi gusto ni Eve dalawin ang lolo't lola niya kaya pumupunta kami."

Yumuko ako. Anong klaseng anak ako? Kahit isang beses hindi ko man lang naisipan dalawin sila.

"Ibig sabihin kilala ka na nila..."

"Parang ganoon na nga. Pinakilala ako ni Eve sa kanila. Pero may iba pa akong dahilan kung bakit tayo nandito ngayon." Pinarada na niya yung kotse bago bumaba.

Nang makarating na kami kung saan ang puntod ng mga magulang ko ay nilapag na ni Evan ang bulaklak.

"Hello po. Bumalik po ulit ako at tinupad ko ang pinangako ko sa inyo." Rinig kong sambit niya.

Kunot noo akong tumingin sa kanya. "Ano ang pinangako mo sa kanila?"

Lumingon siya sa akin. "Na dalhin ka dito. Sa tuwing dumadalaw kami ni Eve dito ay napapansin ko ni minsan hindi ka pa dumadalaw sa kanila kaya pinangako ko na sa susunod na dalaw ko ay kasama na kita."

"Mom, dad, sorry po kung hindi ako nakakadalaw sa inyo."

"I'm sure they will understand." Sabi niya at pinahid niya luha ko – luha? Umiiyak pala ako.

"Anong klase kasi akong anak? Hindi ko–" Hindi ko tinapos ang sasabihin ko noong humarap sa kanya dahil nakapikit ito.

Dumilat ulit siya at lumingon sa akin saka ngumiti. "Let's go."

"Ano ang sinabi mo sa kanila?"

"Ang dahilan ko kung bakit tayo nandito ngayon..."

"Ano ba ang dahilan mo? Nabanggit mo nga kanina may dahilan ka kaya nandito tayo. Sabihin mo na sa akin."

"Nangako sa kanila na aalagaan kita. Hinding hindi kita pababayaan at mas lalong hindi kita papaiyakin."

Hinampas ko siya sa braso. "Pinapaiyak mo na ko."

"And most importantly I asked for their blessing."

I don't know what to say. Speechless ako ngayon sa narinig ko.

"Hala, seryoso ka? I mean pumayag na nga ako magpakasal tayo pero hindi ko inaasahan na rekta kang pupunta dito para humingi ng basbas nila."

"Respekto ko na rin sa mga magulang mo."

"At saka hindi pa naman kita boyfriend.

"About that. Um..." Kamot sa batok nito. "Actually, don't know how to court. Kaya hindi pa ko magsisimula. Humingi pa ako ng tulong kay Travis pero pinagtawanan pa ako ng loko kong kapatid."

Natawa ako. "Sorry kung natawa ako. Maappreciate ko naman kung sa anong paraan mo kong ligawan."

"Okay, magiisip ako kung paano kita liligawan."

Hindi na siya tumagal pagkarating namin sa bahay dahil ang sabi niya kailangan pa daw siya kunin si Eve sa bahay ng mga magulang niya at maaga pa daw ang pasok niya bukas.

Tinanghali na naman ako ng gising kanina at mabuti na nga lang may natira pang pagkain na dinala ni Evan kahapon. Hindi rin ako pihikan sa pagkain kumpara noong pinagbubuntis ko pa si Eve.

Sinubukan ko ulit ang magapply kahit tinulungan na ako ng daddy ni Evan pero hindi pa nga ako sigurado kung matatanggap ba ako sa SkyBlue Airline.

Bumuga ako ng hangin paglabas ko sa isang company. "Another rejected."

Tinatanggihan ako dahil medyo halata na ang umbok at iyon ang madalas na tinatanong sa akin. Hindi porke't buntis ako hindi na ako pwede magtrabaho. Hindi pa naman ganoon kalaki ang umbok kaya magtatrabaho pa rin ako para may makain ako araw-araw.

Malapit na talaga ako sumuko ngayon ng may tumawag sa akin galing sa SkyBlue Airline at pinapunta nila ako sa kanila bukas. Hindi ako pwede mawalan ng pagasa.

Tinawagan ko si Evan kinagabihan. Sana nga lang hindi siya o nagmamaneho pauwi.

"Hey. Napatawag ka." Pagsagot niya ng tawag ko.

"Busy ka ba? O nagmamaneho?"

"Hindi ako busy at nasa bahay na ako kanina pa. Bakit?"

"Nothing. May good news nga pala ako sayo."

"Okay, what's the good news?"

"Nakatanggap ako ng tawag kanina galing sa SkyBlue Airline at pinapunta ako doon bukas para sa interview."

"That's great! Alam ko namang makakaya mong pumasok sa kanila."

"Sa tingin mo?"

"Tiwala lang, Jas. Ako nga may tiwala sayo, kaya magtiwala ka rin sa sarili mo. Makakapasok ka sa SkyBlue Airline."

"Thank you, Evan."

Nagpapasalamat talaga ako dahil nakilala ko ang isang kagaya ni Evan na isang mabait na tao.

"Let's celebrate when you pass the interview."

"You don't have to do that."

"Daddy, I'm hungry. May makakain na po ba?"

"Kailangan ko ng ibaba 'to. Gutom na ang senyorita."

Tumawa ako ng mahina. "Okay, kakain na rin ako tapos papahinga na rin."

Pumunta na ako sa kusina para kunin yung natirang pagkain kahapon. Pero hindi na ako mabubusog dito dahil ang konti na lang natira. Kailangan ko na rin magluto.

"Ano kaya ang pwedeng lutuin?" Tanong ko sa sarili habang naghahanap ng lulutuin.

Dinalhan ako kahapon ni Evan ng mga food supplies kaya marami akong stock ngayon. Nahihiya na nga ako dahil ang dami na niyang tinulong sa akin.

"Itlog na nga lang ang lulutuin ko para madali lang." Medyo tinatamad ako magluto ngayon at gusto ko na ang matulog. Ininit ko na rin ang natirang pagkain pagkatapos kong magluto ng itlog.

Ang hirap ng ganito na wala kang kasama sa bahay at kailangan mo ng tutulong sayo.

Patulog na sana ako ng may nagdoorbell. Kinakabahan ako dahil magisa lang ako at wala akong inaasahang bibisita tapos sa ganitong oras pa. Medyo late na rin para may bibisita sa akin.

Binuksan ko na ang pinto at laking gulat ko ng makita kung sino. "Ang akala ko kung sino na. Bakit ka nga pala nandito? Huwag mong sabihin sa akin... iniwanan mo si Eve."

"Hindi rin naman ako tatagal. Gusto lang kita samahan at uuwi rin ako kaagad kapag nakatulog ka na."

Sinamahan na nga niya ako sa kwarto at hinihintay na niya ako makatulog. Ginagawa pa niya akong bata nito pero gusto ko rin naman, eh. At least alam kong nasa tabi ko si Evan kahit alam kong aalis rin siya agad kapag nakatulog na ako.

My Secret RomanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon