Nandito ako ngayon sa isang restaurant habang hinihintay ang isang tao at bago ako dumeretso dito ay iniwanan ko na muna si Eve sa mga magulang ko.
"I'm sorry I'm late."
Lumingon ako sa kanya. "No, it's okay. Have a seat."
Umupo na siya sa harapan ko. "Bakit gusto mong makipagkita sa akin?"
"Sorry kung biglaan at salamat dahil pumayag kang makipagkita sa akin ngayon. Gusto ko lamang ng kausap."
"Gusto mo ng kausap...? Himala yatang hindi si Travis ang nilapitan mo."
"Hindi pwede si Travis ngayon. Noong isang araw nanganak ang asawa niya."
"Oh, congrats for them. Ano ang gusto mong pagusapan?"
"I met my birth mother yesterday."
"Really? Ano na ang plano mo ngayon?"
"I don't know." Hinilamos ko ang palad ko sa mukha. "Gulong gulo na ako ngayon. At saka kung iniisip mo na mapapatawad ko siya sa pagiwan niya sa akin noong baby pa lang ako ay hindi ko gagawin iyon. Hindi pa ako nababaliw para patawarin lang siya at isa lang ang kinilala kong ina."
"Bakit hindi mo abalahin ang sarili mo? Kahit pa paano makakalimutan mo ang problema kung abala ka sa ibang bagay."
"Paano ko namang abalahin ang sarili ko kung minsan ginugulo mo rin ako. Buti nga nakaalis ka sa inyo na hindi alam ng asawa mo."
"Sorry, ikaw lang kasi ang pwede kong lapitan at hinintay ko talagang umalis na muna ang asawa ko bago ako umalis ng bahay. Kaya nga nahuli ako ng dating kanina."
Ngumiti ako kaunti. "Huwag ka magaalala uupakan ko ang asawa mo kapag inaway ka niya."
"Parang binibigyan mo na ako ng dahilan para hiwalayan na siya ah."
"Sira. Sabi ko nga sayo dati na huwag ako ang gawin mong dahilan kung gusto mo nga siyang hiwalayan. Pero may gusto lang ako malaman."
"Ano iyon?"
Magsasalita na sana ako ng may waiter ang lumapit sa akin kaya napatingin ako sa kasama ko.
"Nagugutom ka na ba? No worries, my treat. Tutal niyaya naman kita makipagkita sa akin ngayon."
"Medyo nagugutom na nga ako."
Kaya ayun sinabi na nga namin sa waiter kung ano ang order namin. Inulit pa nga noong waiter na iyon ang ordet namin bago pa siya umalis.
"Ano ang gusto mong malaman?"
"Right. I almost forgot about that. Um, bakit ka pumayag magpakasal sa kanya kung ako ang mahal mo?"
"Kakausapin ko lang sana siya noong umalis ako sa apartment mo dahil nagdadalawang isip na ako kung itutuloy ko bang magpakasal kay Brent. Ang kaso bago ko sabihin sa kanya ang binabalak ko ay dinamay na niya ang mga magulang ko at mga taong mahalaga sa akin kapag umatras ako sa kasal. Wala na akong choice dahil mapapahamak sila kapag hindi ko ituloy."
"Baliw na iyang naging asawa mo."
"Eh, ikaw?"
Kumurap ako. "Anong ako?"
"Mahal mo pa rin ba ako?" Bigla niyang tanong sa akin. Hindi ako handa na tatanungin niya ako ng ganyan.
Yumuko ako. "Oo, mahal pa rin kita pero sinusubukan kong pigilan ang feelings ko para sayo. Kung hindi ko gawin iyon ay masasaktan lamang ako."
"Mahal mo ko, mahal rin kita. Huwag mo pigilan ang feelings mo sa akin."
"Ano ang gusto mo? Ang masaktan ako sa tuwing nakikita kita na may kasamang iba? Na sana ako na lang iyong pinakasalan mo? Hindi ako robot na walang pakiramdam para gawin iyon, Jas. Nasasaktan rin ako."
Hinawakan niya ang kamay ko. "Kung pwede nga lang baguhin ang lahat."
Ngumiti ako ng kaunti. "Pero hindi pwedeng baguhin ang nakaraan."
Wala ng nagsasalita sa amin noong dumating na yung inorder namin.
Pagkatapos namin kumain ay umalis na kami sa restaurant. Shit, ang awkward dahil wala sa amin ang nagsasalita na.
Think, Evan. Think!
"Um..." Napakamot ako sa batok ko. "Gusto mo bang mamasyal na muna habang nandito tayo? Siguro namang hindi pa uuwi ang asawa mo sa ganitong oras."
Tumango siya. "Okay."
"Sumasama ba siya sayo kapag gusto mong pumunta sa mall?"
"Sino? Si Brent? Hindi niya hilig ang pumunta sa ganitong lugar at saka masyadong workaholic noon kaya wala na siyang oras sa ibang bagay. Eh, ikaw?"
"Hindi rin ako mahilig. Kapag nakita mo ko nandito ibig sabihin niyaya lang ako ni Eve. Ang hirap rin kasi magbitaw ng isang salita sa batang iyon dahil ang talas ng memorya."
"So, noong nakita kita dati sa mall niyaya ka lang ni Eve?"
"Yup, hindi kasi natuloy dati dahil nasira ang kotse ko pero nangako ako sa kanya na ipapasyal ko siya kapag naayos na. Hanggang sa nakalimutan ko na nga ang pinangako ko sa kanya kaso naalala pa niya iyon." Dinadahan dahan kong hinahawakan ang kamay niya pero napansin kong nakatingin siya sa kamay namin noong hinawakan ko na kaya agad kong inalis. "Sorry."
"It's okay." Siya na mismo ang humawak sa kamay ko. Pati ang puso ko natutuwa sa nangyayari. Shit, ang hirap pigilan ng nararamdaman ko para sa kanya.
"Uh, gusto mo bang manood ng movie? Maaga pa naman."
"Hindi ako sigurado kung makakarating ako agad sa bahay bago umuwi si Brent."
"O-Okay. Mamasyal na lang tayo."
Kahit hindi ko siya mayayang manood ng movie ay enjoy pa rin naman. Pumunta pa nga kami sa toys store para bilihan ng laruan si Eve.
"Bakit gusto mong bigyan ng regalo si Eve?" Tanong ko sa kanya.
"Kahit kilala niya na ako ang mommy niya pero walong taon rin ako wala sa tabi niya. Hindi ko nga namalayang lumalaki na pala siya. Ano ba ang gusto niya?"
"Wala akong ideya kung ano ang gusto niyang laruan. Kahit minsan kasi hindi niya pinipilit na bilihan ko siya ng mga laruan kapag pumupunta kami ng mall. Pero may isa siyang kahilingan."
Tumingin siya sa akin. "Ano iyon?"
"Ang maging kumpleto ang pamilya niya. Alam kong imposible mangyari iyon."
"I see..." Binaling niya ulit ang tingin sa mga laruan. "Pipili na lang ako ng laruan na magugustuhan niya."
"At saka sinabihan na rin ako ni dad na maghanap ng ibang babae na tatayong ina ni Eve."
"Oh... Naghahanap ka na ba ng girlfriend ngayon? Hindi ka na rin bumabata, Evan."
"Hindi ako interesado pumasok sa isang relasyon. Mas pipiliin ko pang maging single father."
"Iyon na lang ang kukunin ko para kay Eve." Kinuha na niya ang isang teddy bear.
Nang binayaran na niya yung teddy bear ay inabot niya sa akin.
"Pakibigay na lang kay Eve. Kailangan ko na rin ang umalis."
Kinuha ko na sa kanya ang inaabot niyang teddy bear. "O-Okay, ingat sa paguwi."
BINABASA MO ANG
My Secret Romance
RomanceChase Sequel #2 : Evan Chase Ang akala nga ng mga kasamahan ni Evan sa trabaho ay isang bakla dahil niisa wala siyang pinapatulan na babae. Pero ang totoo niyan may isang babae siyang gusto makasama habang buhay - iyon ay walang iba kung 'di si Jasm...