It's already a month since I last saw her. Hindi ko nga alam kung ano na nangyari sa kanya dahil 'di ko na rin siya matawagan. Ilang buwan na ako wala masyadong tulog dahil nagaalala ako kay Jasmine.
Kinasal na rin ang kaibigan kong si Mikoto at nakilala ko na rin ang asawa niya. Noong nakita ko yung naging asawa niya ay iniisip kong familiar siya sa akin at doon ko naalala na kung saan ko siya nakita. Anak pala ng isang Governor ang asawa ni Mikoto. Masaya ako para sa kanila.
Umalis na ako sa dati kong trabaho dahil ang hirap ng nigh shift tapos kailangan ko pang gumising ng maaga para magluto ng almusal ni Eve.
"Eve, get ready. Malapit na dumating ang sundo mo." Sabi ko. May service siya dahil hindi ko na talaga magawang hatid-sundo siya sa school niya kasi day shift na ako. Mahuhuli ako sa trabaho kung ihahatid ko pa siya at hindi ako pwedeng lumabas para sunduin siya.
Kumunot ang noo ko noong may nagdoorbell. Sinong matinong tao ang bibisita sa ganitong oras? At saka wala akong inaasahang bisita ngayon.
Nagulat ako pagkabukas ko sa gate. Sino ba naman ang hindi magugulat? Isang buwan siyang walang paramdam sa akin tapos ngayon magpaparamdam ulit. Parang multo lang kung kailan gusto magparamdam doon lang magpaparamdam.
"Ano ang ginagawa mo dito?"
"Sorry kung wala akong paramdam ako ng isang buwan. May inaasikaso kasi ako."
"Pagkatapos ng gabing iyon hindi ka na ulit nagparamdam sa akin tapos kung kailan mong gusto magparamdam doon ka magpaparamdam sa amin. Jas, nagaalala ako sayo... kung ano na nangyari sayo pero wala akong balita." Inis kong turan. Nakakainis naman kasi, eh.
Niyakap niya ako. "Sorry na kasi. Hindi mo ba ako namiss?"
"Namiss pero grrr... naiinis lang talaga ako sayo. Hindi mo man lang nagawang tumawag o magtext sa akin."
"Alam kong mali ang ginawa ko." Hinalikan niya ako sa labi
"Pasok ka na muna at sa loob na kayo magusap." Alok ko sa kanya.
"Ang akala ko pa naman wala ka ng balak papasukin ako dahil naiinis ka sa akin."
"Nawala ang inis ko noong hinalikan mo ko kanina." Kumurap ako nang marealize ko kung ano ang sinabi ko. Gosh! Ano ba ang pinagsasabi ko? Para bang pinapalabas kong marupok ako. Shit. "I mean, ano ba yung inaasikaso mo kung bakit wala kang paramdam ng isang buwan?"
"Mommy!" Nakita ko ang pagtakbo ni Eve patungo sa direksyon ni Jasmine.
"Baby, kumain ka na dahil malapit na dumating ang sundo mo. Mahuli ka pa niyan."
Pumunta na si Eve sa kusina para kumain na ng almusal niya. Kahit anong oras kasi dadating na ang sundo niya.
"So...?" Pinag krus ko ang mga braso ko habang nakatingin kay Jasmine dahil hinihintay ko ang sagot niya sa tanong ko bago dumating si Eve kanina.
"Kinumbinse ko kasi si Brent na pirmahan ang annulment paper namin. Palagi niya kasi pinapaalala sa akin kapag gusto kong makipaghiwalay sa kanya ay wala akong makukuha sa ari-arian. Pero sinabi ko sa kanya na wala akong pakialam sa ari-arian niya basta pirmahan lang niya ang annulment paper. Kaya malaya na ako sa kanya ngayon."
"That's good news." Natuwa ako sa magandang balita. Pwede ko na siyang ligawan dahil wala na sila ng asawa niya.
"Mommy, daddy, pasok na po ako." Paalam ni Eve sa amin at hinalikan kami sa pisngi. Hindi ko namalayan dumating na pala ang sundo niya. "Bye po."
"May isa pa akong good news..."
Binaling ko ulit ang tingin kay Jasmine. "Kailangan ko na rin ang magasikaso baka mahuli pa ako sa trabaho."
"Uh, okay... Pwede bang dito na muna ako? Gusto ko kasi makasama si Eve paguwi niya galing school."
"Sure. Matutuwa rin yung bata dahil makakasama ka na rin niya ng matagal ngayon.
Pagkatapos ko magasikaso at kumain ng almusal ay nagpaalam na rin ako kay Jasmine na aalis na.
Nang makarating na ako sa trabaho ay binati ko ang security guard dahilan na kinataka niya o dahil napapansin niyang maganda ang umaga ko ngayon. Sa isang buwan ko nagtatrabaho dito palagi kasi akong tahimik at minsan ko lang binabati ang mga nakakasalubong ko. Sumubok pa ako ng ibang trabaho bago pa ako nagapply dito. Kinausap ko pa nga si daddy na magaapply ako sa CAS at ang gusto niya ibigay sa akin ang isang mataas na position pero hindi ako pumayag dahil gusto kong pumasok bilang isang ordinaryong empleyado ng CAS. Kahit alam ng lahat na empleyado sa CAS na isa ako sa anak ng CEO nila. Gusto kong respektuhin nila ako bilang tao, hindi dahil anak ako ng CEO.
Ang galing, 'no? Nagsimula ako sa barko pero babagsak rin pala ako sa eroplano. Kahit wala akong alam sa mga eroplano. Sa amin magkakapatid mas deserve nga ni Theo dito dahil mas marami siyang alam sa mga eroolano. Kung magiging matino lang siya.
"Good morning, guys." Nakangiting bati sa iba kong kasamahan sa trabaho.
"Aba, mukhang maganda ang umaga natin ngayon ah." Sabi ng isa kong katrabaho.
"Talagang maganda ang umaga ko."
"Ano nangyari? Kwento naman diyan."
"Oras ng trabaho ngayon kaya magtatrabaho na ako."
Kahit hindi ganoon kalaki ang sinasahod ko, ang importante ay may kinikita ako buwan-buwan at may makain kami ni Eve sa araw-araw.
"Kwento mo sa akin mamayang lunch break ah." Sabi ni Vixen. Siya ang naging kaibigan ko dito dahil parehas kami ng sitwasyon. Single father rin siya kagaya ko pero ang pinagkaiba namin ay iniwan siya ng asawa niya at ang masamang palad ang inalagaan niyang bata ay hindi pala sa kanya.
"Ayaw ko nga. Magtrabaho ka na nga."
"Ang daya mo, Evan."
Umiling na lamang ako at hindi ko ng inabalang sagutin si Vixen dahil marami rin ako kailangan gawin.
"Evan, pinapatawag kayo ni Mr. Chase." Sabi ng isa ko pang kasamahan.
Napatingin ako kay Vixen bago binaling sa kanya. "Ah, sige. Salamat."
Bakit naman kaya ako pinapatawag ni daddy? Hindi ko malalaman ang sagot kung hindi ako pumunta sa office niya.
Pagkarating ko sa tapat ng CEO office ay kumatok na muna ako bago binuksan ang pinto.
"Sir, pinapatawag niyo daw ho ako."
"Have a seat." Alok ni daddy sa akin kaya umupo na ako sa upuan sa harapan ng desk niya. "Kaya kita pinapatawag dahil tungkol sa kambal."
Kumunot ang noo ko. "Bakit po? Ano nangyari sa kanila?"
"Sigurado akong naalala mo pa ang sinabi ni Theo na gusto niya na siya ang papalit sa akin bilang CEO."
"Yes, dad. Nagbago po ba ang isip ni Theo habang nasa probinsya ngayon?"
"Kahit isang buwan pa lang doon si Theo pero hanggang ngayon nagdadalawang isip pa rin ako sa naging desisyon ko. Hindi sa wala akong tiwala sa kapatid mo pero kilala mo naman iyon."
"Magtiwala na lang po tayo kay Theo, dad. Sa nakikita ko pong seryoso talaga siya dito sa companya."
"Ang tungkol kay Althea naman..."
BINABASA MO ANG
My Secret Romance
RomanceChase Sequel #2 : Evan Chase Ang akala nga ng mga kasamahan ni Evan sa trabaho ay isang bakla dahil niisa wala siyang pinapatulan na babae. Pero ang totoo niyan may isang babae siyang gusto makasama habang buhay - iyon ay walang iba kung 'di si Jasm...