5

157 14 0
                                    

Nalaman kong positive ang resulta ng DNA test namin ni Eve. Ang ibig sabihin anak ko nga talaga si Eve. Laking tuwa nga yung bata noong sinabi ko na ako talaga ang daddy niya. Masaya rin ako sa natuklasan dahil napamahal na rin sa akin yung bata at ngayon kailangan ko paghandaan kung paano ko sasabihin sa pamilya ko na may anak na ako ngayon.

Nagising ako na may tumatawag sa akin at hindi ko na nga inabalang alamin kung sino itong tumatawag sa akin.

"Hello?"

"Can we talk?"

"Ginising mo ko dahil gusto mong magusap tayo."

"Sorry, hindi ko alam tulog ka pero importante itong sasabihin ko, Evan."

"Tsk. Saan mo ba gusto makipagkita?"

"No need. Nandito ako ngayon sa labas ng apartment mo."

Nagising ang diwa ko at napatayo na rin ako. Binuksan ko na ang pinto at nasa harapan ko na nga siya. Shit. Ilang taon na ba ang huling pagkikita namin? 8 years? Mas lalo kasi siyang gumanda ngayon.

"Pumasok na muna." Alok ko sa kanya.

"Si Eve?"

"Nasa kwarto at tulog pa rin." Masyado pang maaga para magising si Eve pero minsan siya ang nauunang nagigising sa akin at ginising na lang niya ako.

"Alam kong marami kang katanungan kaya tumakas ako sa asawa ko habang wala siya sa bahay."

"Mabuti alam mong marami akong katanungan na gustong itanong sayo kaso hindi ko alam kung paano kita makakausap o hanapin para kausapin ka. Ni hindi ko nga alam kung saan kita hahanapin. Kahit tanungin ko si Eve ay walang alam ang bata kung saan ka makikita."

"Sasagutin ko lahat na tanong mo."

"Ano nangyari noong gabing naglasing ako? Ang naalala ko lang ay kasama ko si Travis sa bar noong gabing iyon at hindi ko maalala inuwi niya ako dito."

"Wala naman..."

"Anong wala?! Nagising akong kinabukasan na wala kahit anong suot tapos nalaman kong may anak sayo! Umamin ka nga sa akin, Jas!"

"I mean, don't you really remember?"

"Magtatanong ba ako kung may naalala ako? Niisa wala akong maalala sa nangyari."

"Inamin mo sa akin na may gusto ka sa akin."

"Huh?" Nagulat ako sa natuklasan ko. Umiwas ako dahil paniguradong namumula na ang pisngi ko. Shit. May alam na pala siya na may gusto ako sa kanya. "D-Dati pa iyon kaya huwag kang umasa na gusto pa rin kita."

"I know. Sino ba naman ako para isiksik ang sarili sa isang tao na minahal ako dati? At sigurado akong alam mo ng kasal na ako ngayon."

"Tsk. Kung may problema ka man huwag mong iiwan dito sa apartment ko. Simulang tinulungan kita puro problema na nangyayari sa buhay ko. Umalis pa ako sa trabaho ko dahil hindi ko magawang iwanan na magisa lang dito si Eve at wala pang alam ang pamilya ko tungkol dito."

"Gusto mo pa bang malaman kung ano ang pinagusapan natin bago may mangyari sa atin noong gabing iyon?"

"I'm not interested. Pero may isa pa ako gustong malaman." Seryosong saad ko.

"Ano iyon?"

"Kung bakit ka biglang umalis? Ang akala ko ba nagtatago ka sa fiance mo tapos pagkagising ko wala ka na dito."

"Hindi mo ba nabasa ang sulat na iniwanan ko? Sinabi ko doon ang dahilan kung bakit ako umalis na walang paalam sayo."

"Nabasa ko ang iniwan mong sulat kaya nga hindi kita hinanap sa loob ng walong taon. Kaso alam kong may iba ka pang dahilan kung bakit umalis noong gabing iyon."

"Napaisip ko na hindi habang buhay ay magtatago ako kay Brent at naisip ko rin na ayaw kong mapahamak ka kapag nalaman niya kung saan ako makikita. Baka saktan ka pa niya."

"Ayon sa sinabi mo sa akin dati na hindi mo kayang kasuhan ang asawa mo sa mga pinaggagawa niya sayo. Pwes ako kaya ko siyang kasuhan dahil hindi ako natatakot sa kanya."

"Evan, I'm-"

"Bakit ka pa rin pumayag magpakasal kahit alam mong sinasaktan ka niya? Martyr ka ba?"

"Hindi ako martyr."

"Kung hindi ka martyr. Mahal mo?"

"Hindi rin. Inaamin kong minahal ko si Brent dati bago ko nalaman ang totoo niyang kulay. Ang akala ko kasi makakalimutan ko ang tungkol sa first love ko."

"Sa anong dahilan kung bakit nagpakasal sa kanya?"

Umiling siya. "Wala akong dahilan."

"That's bullshit. Alam kong may dahilan ka pero ayaw mo lang sabihin sa akin."

"Daddy, good morning." Tumingin ako kay Eve habang kinukusot niya ang mata niya at binaling niya ang tingin sa kausap ko. "Mommy?"

"Hello, Eve." Ngumiti siya sa bata.

"Kiddo, balik ka na muna sa kwarto. Naguusap pa kami ng mommy mo."

Binaling ni Jasmine ang tingin niya sa akin noong bumalik na si Eve sa loob ng kwarto. "Mukhang inalagaan mo ng mabuti ang anak mo."

"Poprotektahan at aalagaan ko siya dahil iyon ang pinangako ko sa kanya." Sabi ko. Gagawin ko talaga ang binitawan kong salita sa anak ko. "Walang alam ang asawa mo na may anak ka sa ibang lalaki, right?"

"Yes. Hindi ko sinabi sa kanya ang tungkol kay Eve dahil noong nalaman kong buntis ako ay nagtago ulit ako sa kanya. Siyam na buwan ako nagtago sa bahay ng mga magulang ko para walang ideya si Brent na pinagbubuntis ang anak ng ibang lalaki."

"Hindi ka ba nakaramdam ng guilt dahil walong taon mong nilihim sa kanya?"

"Nakakaramdam pero kailangan ko rin protektahan si Eve kay Brent. Ayaw ko pati ang bata ay mapahamak rin." Napatingin ako sa mga kamay namin noong hawakan niya ang kamay ko. "Maniwala ka man o hindi sa akin, hindi ko ginusto mangyari 'to."

Binawi ko ang kaway ko dahil nainsulto ako sa huli niyang sinabi. Para bang pinapalabas niya na panakip butas lang ako. "Nalaman ko na ang lahat na nangyari noon kaya maaaring makakaalis ka na."

"Evan..."

"Umalis ka na bago pa ako tumawag ng pulis."

Umalis na siya dahil wala na siya magagawa pa baka tumawag nga ako ng pulis at ipakulong ko pa siya.

Pero shit, ang sakit sobra. Hindi niya ginusto ang nangyari. Bullshit. Gusto kong sumigaw sa sobrang frustraed sa nangyari.

"Daddy, si mommy?"

"Umalis na ang mommy mo kanina."

"Ang akala ko pa naman makakasama ko na si mommy ngayon."

"Eve, alam mo naman hindi mangyayari iyan, di ba? May ibang pamilya na ang mommy mo ngayon. At saka ayaw mo bang makasama ang daddy?"

"Gusto po pero mas gusto ko complete family."

Paano maging complete family? Ni wala nga kaming relasyon ng mommy niya at kung walang ibang pamilya si Jasmine ay hindi kami pwedeng tumira sa isang bubong."

Kung ako na lang sana ang minahal niya noon hindi ganito mangyayari sa kanya ngayon.

My Secret RomanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon