Jasmine's POV
Hindi ako babangon sa kama kung hindi lang ako nakaramdam ng gutom at tinatamad pa nga akong bumangon dahil inaantok pa ako. No choice, magisa lang naman ako nakatira dito sa bahay para may magaasikaso sa akin. Hindi gaya noon na hindi ako masyado pinapakilos ni mommy noong pinagbubuntis ko si Eve.
Sumimangot ako pagkakita ko ang loob ng fridge. "Wala na pa lang laman. Kailan ko ng pumunta sa grocery."
Ang kaso tinatamad ako ngayon lumabas ng bahay at ang gusto laman ay matulog buong araw.
Napalingon ako noong may narinig akong doorbell. Wala naman akong inaasahan na bisita ngayon ah. Laking gulat ko ng makita kong si Evan pala yung nagdoorbell. Hindi niya yata kasama si Eve ngayon. Huwag mong sabihin iniwanan niya yung bata sa bahay nila.
"Why are you here?"
"Galing ako sa mga magulang ko kanina at pinaiwan ko na muna doon si Eve." So, iniwanan pala niya sa mga magulang niya si Eve. Ang akala ko pa naman iniwanan niya ng walang kasama yung bata. At may inabot pa siya sa akin na paper bag. "Tapos pinamimigay ni mom sayo."
Kinuha ko na sa kanya yung paper bag. "Ano 'to?"
"Hindi ko rin alam." Sabi niya habang kamot sa ulo. "Inabot lang sa akin noong sinabi kong pupuntahan kita ngayon."
"Pasok ka na muna." Alok ko sa kanya.
"Sinabi ko na rin pala kay dad na kung pwede bang tulungan kang makapasok sa SkyBlue Airline at ang sabi niya susubukan niyang tulungan ka. Saka gusto ko na rin makilala ng mga magulang ko."
Lumingon ako sa kanya pagkababa ko ng paper bag sa counter. "Huh? Hindi ba alam ng dad mo na kasal ako dati?"
"Oo. At saka alam rin niyang isang buwan ka na rin hiwalay sa asawa mo. Anong problema doon? Walang mali sa gagawin natin."
"Ibig sabihin alam rin ng mommy mo ang tungkol sa akin."
"Maybe. Pwedeng sinabi ni dad sa kanya pero wala naman binabanggit si mom tungkol diyan. Huwag ka magaalala, Jas. Mababait na tao ang mga magulang ko at tinanggap nga nila ng buong buo si Eve."
"Siyempre, apo nila si Eve." Tiningnan ko na kung ano laman ng paper bag at isa pa lang pagkain. "Pasabi sa mommy mo salamat sa pagkain at nagabala pa siya."
Nakikita ko namang mabait ang mommy niya dahil hindi naman niya bibigyan ng pagkain kung 'di.
"Teka, may nakalimutan pala ako ibigay sayo. Kukunin ko lang sa kotse."
Sobrang sarap ng pagkain na niluto ng mommy ni Evan. Namiss ko tuloy ang mga magulang ko.
Napaangat ako ng tingin noong may nilapag sa counter si Evan na mga plastic bag. "Sorry kung nangialam ako ng fridge mo noong bumisita kami kahapon dito at nakita kong wala ng laman. Kaya naggrocery ako kanina."
"Nahihiya na tuloy ako sa inyo. Nagabala pa kayo para sa akin."
"Bakit kasi hindi na lang tayo magpakasal? Para hindi ka magisa sa bahay at maalalagaan pa kita."
Uminom ako ng tubig dahil nabilaukan ako sa narinig ko. "H-Huh? Kasal?"
Tumango siya. "Kahit civil wedding lang muna. Hindi ako papayag na ipanganak mo ang baby natin na hindi pa tayo kasal at kahit hindi ko rin alam ang magalaga ng isang babaeng buntis pero nakikita ko kay mom noong pinagbubuntis pa niya ang kambal."
Ikakasal ako sa lalaking minahal ko...
"Pumapayag akong magpakasal kahit civil wedding lang. Pero hindi ba kailangan rin na may witness sa kasal?"
"No problem. Kakausapin ko si Travis na sila ng pamilya niya ang maging witness sa kasal natin."
Nawala sa isipan ko na may kapatid pala siya slash close friend na pwede maging witness sa kasal.
"Kailan gaganapin ang kasal? Para handa na ako sa araw na iyon."
"Aalamin ko pa kung kailan pwede si Travis para kausapin siya."
"Hindi sa magiging negative ako o ano pa man. Paano kung sobrang busy ni Travis? Hindi ba pwede ang pamilya mo?"
"Pwede naman pero hindi pa ako handa sabihin sa kanila kung bakit ko ito gagawin. Wala pang alam si mom tungkol sa pagbubuntis mo maliban kay dad." Sabi niya habang kinakatok ang batok nito. "Naiintindihan ko naman kung bakit marami silang tanong pero mahirap paliwanag sa kanila."
"Kung nabubuhay lang ang mga magulang ko wala tayong problema dahil papayag si mama na pakasal tayo kahit civil wedding."
"How about your dad?"
"Mahirap nga lang kumbinsehin si dad pero konting lambing ay papayag rin iyon. Noong nalaman nga nilang buntis ako kay Eve ay mahirapan akong kumbonsehin si dad pero noong pinanganak ko na ang apo nila ay doon lumambot ang puso ni daddy. Pumayag rin siya na sila muna ang bahala kay Eve."
"Kung nabububay lang siguro sila baka kinakabahan na ako ngayon. Dahil haharapin ko ang dad mo para payagan akong pakasalan ang anak nila. Speaking of marriage, alam ba nila ang tungkol sa ex mo? Na kinasal ka dati?"
"Alam nila ang tungkol kay Brent at alam rin nila na ikakasal ako. Kaso hindi pumapayag si dad na magpakasal ako kay Brent."
"Sa anong dahilan kung bakit hindi pumayag ang dad mo?"
"You know, only child and as I said earlier it's hard to convince dad."
"Alam nilang ikakasal ka pero hindi pumayag ang dad mo na magpakasal ka."
"Noong mga panahon na hindi pa ako sinasaktan ni Brent ay kinukulit ko si dad na payagan ako magpakasal kay Brent pero noong sinasaktan na niya ako at binanta ang buhay ng mga taong mahalaga sa akin kaya wala na akong choice."
"Magpalit ka ng damit pagkatapos mong kumain. May pupuntahan tayo."
"Huh? Saan naman?"
"Malalaman mo rin kapag nandoon na tayo."
Wala talaga akong ideya kung saan kami pupunta ni Evan hanggang sa napansin kong may mga bilihan na bulaklak malapit sa sementeryo. Wait, sementeryo? Ano ang ginagawa namin dito?
"May mga dadalawin lang tayo saglit." Sabi niya.
Kumunot ang noo ko. "Sino?"
"Uncle ko. Kapatid siya ni dad, lolo't lola ko saka si lolo Nick."
"Sinong lolo Nick?"
"Long story short, siya yung matanda na mayaman tumulong sa amin ni dad noong mga panahon hindi na alam ni dad ang gagawin dahil biglaan lang ang pagkamatay ni lolo. Strict siyang tao pero sobrang bait siya sa akin tapos huli na rin nalaman na may anak pala siya. Si mom ang anak niya."
"Nakakalungkot pala ang mga pinagdaanan ng mga magulang mo."
Ang unang dinalaw namin ang uncle niya tapos ang lolo't lola niya at ang lolo Nick niya. Noong pagkarating nga namin sa puntod ng lolo Nick niya ay may isang tao doon. Mukhang kilala siya ni Evan.
Lumingon yung may edad na lalaki sa amin. "Evan?"
"Hello po."
"Ang laki mo na ah. Ang huling kita ko sayo ganito ka pa lang kaliit." Sabi niya habang pinapakita kung gaano pa kaliit si Evan noong huling kita niya.
"Oo nga po, eh. Matagal na panahon na rin. Kamusta na po kayo?"
"Ito malakas pa rin at palagi pa rin ako dumadalaw kay sir Jordan. Minsan nakakasalubong ko si sir Trey na bumisita rin."
"Malaki talaga ang utang na loob namin kay lolo Nick. Kung hindi dahil sa kanya baka wala kami ni dad kung ano ang meron ngayon."
BINABASA MO ANG
My Secret Romance
RomanceChase Sequel #2 : Evan Chase Ang akala nga ng mga kasamahan ni Evan sa trabaho ay isang bakla dahil niisa wala siyang pinapatulan na babae. Pero ang totoo niyan may isang babae siyang gusto makasama habang buhay - iyon ay walang iba kung 'di si Jasm...