I got a text message last night from a friend of mine. Sobrang tagal na rin ang huling kita ko sa kanya at noong umalis siya ng bansa ay wala kaming communication na dalawa. Masaya ako na makikita ko ulit siya.
"Evan..." Nagulat ako noong may yumakap sa akin sa likod. "I'm so happy to see you again."
Ngumiti ako sa kanya. "Me too."
"It's been 24 years since I last saw you and you were even smaller than me then." Pinapakita pa niya sa akin kung gaano ako kaliit noon tapos kung gaano naman ako katangkad ngayon. "But now you were taller than me."
Ganoon na nga katagal ang huling pagkikita namin at buti nga nakayanan namin na walang communication. Naputol ang communication namin noong umalis siya dahil nagalit ako sa kanya na umalis na walang paalam sa akin tapos dito na kami tumira ni daddy.
"Why are you here?" Tanong ko. Nagulat nga rin ako noong nagtext siya sa akin kahapon.
"I'm getting married."
"Really? Congrats. But why here?"
Lahat na mahalagang tao sa akin ay ikakasal o kasal na. Sabagay hindi na rin naman kami bumabata pa.
"Because my fiance wants us to get married here. How about you? Married?"
"Nah, as you can see I'm still single but I have a daughter."
"You're single but you already have a daughter."
"Long story. Let's not talk about it." Ayaw ko na talaga pagusapan ang nakaraan ko. Hindi na nga dapat pinaguusapan ang mga nangyari dati. Past is past. "I want to meet your fiance."
"I will introduce him to you but right now he is still busy. He also wants to meet you too."
Napansin ko parang may familiar akong nakitang dumaan kanina. Tadhana, hindi naman kailangan kung nasaan ako ay kailangan nandoon rin siya. Alam kong mahilig siya mamasyal pero maraming pasyalan naman diyan na pwede niyang puntahan.
"Is there something wrong, Evan?" Tumingin ulit ako sa kasama ko.
"Hmm? Oh, nothing." Ang weird nga lang kung nakita niya ako kanina ay lalapit siya sa akin pero hindi siya lumapit. Baka hindi niya ako nakita o dumaan lang siya.
Bwesit kang babae ka ginugulo mo na naman ang utak ko.
"Mikoto, I'm sorry but I really have to go."
"It's okay. No problem, Evan."
Tumakbo na ako papunta sa direksyon kung saan pumunta si Jasmine. Alam kong dito siya pumunta kanina. Pinuntahan ko na nga ang lahat na pwede niyang puntahan hanggang sa may nakita akong isang babae ang nakaupo. Hindi ako pwede magkamali. Si Jasmine ito kahit nakatalikod siya sa akin.
"Sinusundan mo ba ako dito?" Tanong ko sa kanya pagkalapit ko.
Lumingon siya sa akin. "What are you talking about? Bakit naman kita susundan?"
"Stop pretending, Jas. Nakita kitang dumaan kung nasaan ako kanina. Pero bakit hindi ka lumapit sa akin?"
"Lalapit na sana ako sayo kanina pero nakita kong may kasama ka kaya umalis na ako dahil ayaw kong makaisturbo pa sa inyo. Ang akala ko ba hindi ka interesado pumasok sa isang relasyon tapos ngayon may kasama kang babae."
Umupo na ako sa tabi niya. "Wala nga akong interesado pumasok sa isang relasyon. Yung nakita mong kasama ko kanina ay kababata ko 'yon noong nasa Japan pa kami nakatira. Matagal tagal na rin ang huling pagkikita namin kaya nagpasya kaming magkita at saka ikakasal na rin yung tao."
"Nagseselos pala ako sa wala."
"Bakit ka naman nagseselos? First of all..."
"I know, I know. Wala tayong relasyon para magselos ako at magulang lang tayo ni Eve."
Hindi ko na siya sinagot dahil sinunggaban ko na siya ng halik. Wala na kong pakialam kung marami pang tao ang napapalingon sa amin at hindi ko iisipin na mali itong ginawa ko.
Bwesit na puso 'yan. Kung pwede nga lang pigilan ang nararamdaman ko at kung pwedeng mamili kung sino ang mamahalin ko.
Ako na rin ang humiwalay sa amin. "Why did you kissed me?"
"Kailangan bang may dahilan kung bakit kitang hinalikan?"
"Of course, alam mo namang–"
"Kahit ngayon lang, Jas. Huwag na muna natin isipin ang tungkol sa asawa mo. Payagan mo kong makasama ka kahit ngayon lang."
Ngumiti saka tumango siya sa akin. "Gusto ko rin ang makasama ka pero..."
"Shh... come with me." Hinawakan ko ang kamay niya.
Natuloy na rin ang panonood namin ng movie noong niyaya ko ulit siya. Sobrang saya ko ngayong araw dahil wala kaming iniisip na ibang bagay.
Inabot kami ng gabi pero ang importante ay nagenjoy kaming dalawa. Sa masamang palad hindi ko inaasahan na uulan at wala pa naman akong dalang payong.
"Okay lang ba sayo na magpaulan makarating tayo sa kotse ko?" Tanong ko sa kanya.
"Sure, gustong gusto ko nga ang magpaulan simulang bata pa lang ako."
Hinawakan ko na ang kamay niya. "Let's go!"
Tumakbo na nga kami sa ulan papunta sa kung saan ako pinark ang kotse ko. Nang makarating na kami agad naman kaming pumasok sa loob.
"Wh-What are you doing?" Namumula ang pisngi niya dahil hinuhubad ko ang damit ko.
"Hubarin mo na rin iyang damit mo baka magkasakit ka niyan. At saka hatid na kita sa inyo pero doon kita ibaba malapit sa bahay niyo."
"Thank you. Nagenjoy ako ngayon."
Ngumiti ako. "Me too."
Sa kalagitnaan kami ng biyahe ay biglang lumakas ang ulan. Aba'y sumabay pa ang panahon ngayon ah.
"Mukhang kailangan na muna natin magpalipas hangga't hindi pa tumitila ang ulan."
"Pero... Baka hanapin ako ni Brent kapag hindi pa ako umuuwi."
"Ano ang gusto mong gawin ko? Ang sumugod sa ulan at masira ang makina ng kotse ko? O papalipas muna at hintayin tumila ang ulan? Kita mo namang baha na sa dadaanan natin at saka mahihirapan ka rin magcommute dahil marami ang umuuwi sa ganitong oras. Punuan ang lahat na sakayan."
"P-Papalipas na muna tayo hanggang tumila na ang ulan."
Mabuti na nga lang may malapit na hotel kaya doon na muna kami papalipas hanggang sa tumila na nga ang ulan.
"Dito na muna tayo papalipas kaya suotin mo ulit ang damit mo." Sabi ko habang sinusuot ang damit ko kahit hindi pa tuluyang natuyo iyon.
Pagpasok namin sa hotel ay lumapit na kami sa front desk. Sana nga lang may available pa silang kwarto.
"Good evening, ma'am, sir. Do you have any reservation?"
Umiling ako. "Sorry, miss. Baka may available kayong dalawang kwarto."
"I'm sorry, sir. Isa na lang po ang available namin. Full booked po kasi ngayon."
"Ganoon ba?" Tumingin ako kay Jasmine para alamin kung papayag pa siya. "Isang kwarto lang ang available... Okay lang ba sayo?"
"Okay lang kaysa hindi tayo agad makaligo. Sobrang basa na natin."
Binaling ko ulit ang tingin sa babae. "Kukunin na namin, miss."
BINABASA MO ANG
My Secret Romance
RomanceChase Sequel #2 : Evan Chase Ang akala nga ng mga kasamahan ni Evan sa trabaho ay isang bakla dahil niisa wala siyang pinapatulan na babae. Pero ang totoo niyan may isang babae siyang gusto makasama habang buhay - iyon ay walang iba kung 'di si Jasm...