Nagpasya akong bumisita ulit sa bahay ng mga magulang ko pero ngayon ay kasama ko na si Eve dahil handa na akong sabihin sa kanila ang totoo. Pagkarating namin doon ay wala si mommy nasa hospital dahil nanganak na daw si Mavis at nasa company naman si daddy. Wala kasi may gusto sa amin ni Travis ang may gusto humawak sa company at sigurado akong hindi ibibigay ni daddy kay Theo ang CAS.
"Mukhang bad timing ang punta natin ngayon." Sabi ko pagkasakay ko ulit sa kotse.
"Bakit po?"
"Wala sila ngayon. Balik na tayo sa susunod. So, saan mo gustong pumunta?"
"You promised me we are going to mall pero naging busy po kayo sa trabaho."
Ang talas talaga ng memorya ng batang 'to. Hindi ako pwede basta-basta magbitaw ng isang salita sa kanya dahil kukulitin ka lang hangga't matupad ang binitawang salita.
"Aye. We're going to mall."
Sobrang tagal na rin ang huling punta namin sa mall. Yung unang beses siguro noong mga panahon hindi ako naniniwalang may anak na pala ako.
"Mommy!" Napatingin ako kay Eve nang marinig ko siya at binitawan ang kamay ko. Sinundad ko siya baka mawala dahil maraming tao sa mall.
Nagulat ako sa nakita ko. "Why are you here?"
"Namasyal lang ako hanggang sa makita ko kayo nandito rin. Hindi ko naman inaasahan makikita rin ako ni Eve."
"Ikaw lang ba o kasama mo siya?" Tanong ko at gusto ko rin makasigurado. Ayaw ko ng gulo.
Ngumiti siya sa akin. "Huwag ka magaalala ako lang magisa na pumunta dito. Masyadong busy si Brent sa trabaho."
Tumango ako. "I see."
"Mommy, samahan niyo po kami ni daddy mamasyal."
"Sure."
"Are you sure? Baka may gusto kang puntahan at makakaisturbo pa kami sayo."
"No, it's okay. At wala naman akong ginagawa maliban sa window shopping."
Hawak ni Eve ang kamay ko habang ang isang kamay niya ay hawak naman ang kamay ng mommy niya. Para tuloy kaming isang pamilya nito – Sana nga isang pamilya kung hindi lang kasal si Jasmine.
"Ang yaman ng asawa mo pero niisa hindi ka bumibili ng gusto mo."
"Ayaw ko rin gastusin ang pera niya at saka hindi rin niya ako binibigyan ng pera."
"Bakit hindi ka magtrabaho? Sariling pera mo ang gagastusin mo para mabili mo na ang lahat na gusto mong bilihin."
"Sana ganoon kadali pero hindi ako pinapayagan ni Brent na magtrabaho. Nagiging paranoid na nga siya kasi kung babalik daw ako sa trabaho baka daw magkaroon na ako ng kabet. Iyan ang madalas na pinagaawayan namin."
"May naging anak ba kayo?"
Umiling siya sa akin. "Wala kaming anak."
"Pwede mo pala siya hiwalayan dahil wala kang dahilan para magstay pa sa kanya. Wala kayong anak."
"Sinabi ko na rin sayo ito dati na maraming connection si Brent at maaaring makakuha pa siya ng magaling na abogado. May usapan rin kami na walang makukuha na kahit ano kung sino man ang makikipaghiwalay sa amin."
"Mas okay na ang wala kang makuha na kahit ano mula sa kanya kaysa tiisin mo ang lahat na pinaggagawa niya sayo. Pero hindi ko sinabing gawin mo ang sinabi ko sayo. Ikaw pa rin ang magdedesisyon kung ano ang gusto mong gawin. Titiisin ang lahat na pananakit niya sayo o magsimula ulit."
Nilabas ko ang phone ko noong nagvibrate iyon at may nakita akong message galing kay mommy.
From Mommy;
Sinabi ni manang kanina na galing ka daw dito.
To Mommy;
Yes po. May gusto ako pakilala sa inyo.
From Mommy;
May papakilala sa amin? Kailan ka ulit bibisita dito? Dahil may gusto akong itanong sayo.
Hindi ko na inabalang replyan si mommy at tumingin ulit kay Jasmine. "We have to go."
"Saan po tayo pupunta, daddy?"
"Nandoon na sila kaya papakilala na kita sa kanila."
"Sino po?"
"Ang lolo't lola mo." Sabi ko. Sigurado kasi akong wala pa doon ang dalawa kong kapatid.
Nang makarating ulit kami sa bahay ng mga magulang ko, si mommy mismo ang sumalubong sa akin.
"Evan, hindi ko inaasahan na babalik ka ulit."
"Wala naman po kami ginagawa kaya nagpasya na lang kami bumalik." Nakangiting sagot ko.
"Sino ba yung papakilala mo sa amin? Huwag mong sabihin may naging girlfriend ka na."
Sasagot na sana ako may mommy noong makita kong bumaba sa hagdanan si daddy.
"Oh, Evan..."
"Hello, dad." Hindi ko inaasahan nandito na rin pala si daddy. Ang akala ko pa naman busy siya sa company.
Lumingon si mommy kay daddy. "Tamang tama ang baba mo, Trey dahil may papakilala daw sa atin si Evan."
"Sino ang papakilala mo sa amin? Girlfriend mo?"
"Wala po akong girlfriend. Actually..." Lumimgon ako sa likod para pakilala si Eve. "Gusto ko pakilala sa inyo si Eve, anak ko po."
"Oh God!"
"Kumunot ang noo ni daddy. "Anak mo? Ilang taon mong tinago sa amin ng mommy mo ang tungkol sa pagkakaroon mo ng anak?"
"Wala rin po akong alam na may anak na ako. Kailan ko lang po nalaman ang tungkol kay Eve noong pumunta siya sa apartment ko dati. Noong una hindi ako naniwalang anak ko siya."
"Paano ka nakakasiguradong anak mo nga iyan?"
"May resulta po ako ng DNA test namin at positive ang resulta. Saka nakikita ko kay Eve ang mga ibang bagay na ginagawa ko noong bata pa lang ako. Kahit wala yung DNA test result ay naniniwala akong anak ko nga siya."
"Sabihin mo sa amin, Evan umaalis ka ba pa rin ba ng bansa?" Tanong ni mommy.
Umiling ako sa kanya. "Ilang buwan na rin po ako umalis sa pagiging seaman ko dahil hindi ko pwedeng iwanan si Eve na magisa. Pero may balak po ulit ako bumalik."
"Sino ang ina ng anak mo?"
"Pwede po bang huwag na natin pagusapan kung sino ang ina ni Eve? Hindi rin naman siya naging bahagi ng buhay ko."
"Isa ito sa gusto kong malaman... May alam ba si Travis tungkol dito?"
"May alam si Travis?" Takang tanong ni daddy.
"May pakiramdam akong may tinatago si Travis noong tinanong ko siya kanina."
"May point ka nga diyan, wife. Maaaring sabihin ni Evan ang lahat kay Travis."
"May alam po si Travis pero kinausap ko rin siya na huwag sabihin sa inyo dahil kumukuha pa ako ng tamang pagkakataon na sabihin sa inyo."
"I'm so disappointed, Evan. Hindi ko inakala na magagawa mo ito sa amin ng mommy mo."
"Sorry po, dad. Alam ko pong mali ang ginawa ko na hindi agad sinabi ang tungkol kay Eve."
Umalis na sa harapan ko ang mga magulang ko na walang pasabi. Halata nga rin sa mukha ni daddy na hindi siya matutuwa, pero ang magagawa niya? Hindi ko naman pwedeng ibigay si Eve sa mommy niya dahil sasaktan lang siya ng asawa ng mommy niya. Hindi ako papayag mangyari iyon.
"Daddy..." Tumingin ako sa anak ko. "Galit po ba sila sa akin?"
"Hindi sila galit sayo. Nagulat lang sila sa natuklasan nila kanina at mahal ka ng lolo't lola mo."
BINABASA MO ANG
My Secret Romance
RomanceChase Sequel #2 : Evan Chase Ang akala nga ng mga kasamahan ni Evan sa trabaho ay isang bakla dahil niisa wala siyang pinapatulan na babae. Pero ang totoo niyan may isang babae siyang gusto makasama habang buhay - iyon ay walang iba kung 'di si Jasm...