"Here." Inabot ko kay Eve ang binigay na teddy bear ni Jasmine sa kanya. "Bigay ng mommy mo iyan."
Kinuha na niya ang inabot ko. "Wow, teddy bear. Thank you po."
Ngumiti ako ng kaunti sa anak ko. "Sasabihin ko sa mommy mo nagustuhan mo ang binigay niyang teddy bear sayo."
Pagkauwi namin sa bahay ay dumeretso na si Eve sa kwarto niya. Hindi na nga niya binibitawan yung teddy bear hanggang sa pagtabi nito sa kama. Kumain na rin naman kami dahil hindi kami pinapaalis ni mommy kung hindi kami doon kakain bago umuwi.
To Jasmine;
Nagustuhan ni Eve ang binigay mong teddy bear. Hindi na nga niya binibitawan iyon noong binigay ko sa kanya kanina.
Wala akong reply natanggap mula sa kanya. I'm sure she's with her husband right now.
Umupo na muna ako habang magpapahangin at napatingin ako sa phone ko noong biglang tumunog iyon kaya agad kong sinagot ang tawag.
"Sorry kung hindi ako nakareply sayo kanina. Nagaaway kasi kami ni Brent."
"Kamusta ka naman? Hindi ka ba niya sinaktan?"
"I'm fine. Hindi naman niya ako sinaktan. Thank you sa concern."
"Mabuti naman kung ganoon."
"Pwede bang favor, Evan?"
"Sure, anything. Ano iyon?"
"Pwede mo bang kuhanan ng picture si Eve? Kahit sa picture ko lang siya makita."
"Okay. Wait lang." Tumayo na ako at pumasok na ulit sa loob ng bahay para kuhanan ng picture si Eve habang yakap nito ang binigay na teddy bear ng mommy niya. Sinend ko rin sa kanya yung picture. "Natanggap mo na ba?"
"Yes. Thank you."
"Ibaba ko na ito, Jas. Kailangan ko na pumasok sa trabaho."
"Okay, ingat ka. Salamat ulit."
Maaga akong umuwi galing sa trabaho ko at kahit pagod ako ay kailangan ko rin magluto ng almusal ni Eve para paggising niya ay makakain na siya bago pumasok. Kinausap ko na rin naman si Eve na hindi ko siya mahahatid na sa school niya hindi gaya ng dati. Wala pa ako masyadong tulog at baka maaksidente pa kami.
"Good morning, daddy."
"Morning, baby. Kain ka na muna tapos maligo. Hindi na kita maasikaso ngayon dahil inaantok na ako."
"Okay lang po. Kaya ko naman po ang magisa, daddy. Pahinga na po kayo."
Tumingin ako sa orasan pagkagising ko at past 1 pm na pala. Kailangan ko na rin ang magluto ng pananghalian ko. Mamaya pa naman ang uwi ni Eve kaya may oras pa ako para kumain at napagisipan kong bisitahin si Mavis sa hospital. Gusto ko rin makita sa personal ang anak nila kahit pinakita na sa akin ni daddy yung picture.
Pagkatapos kong kumain ay pumunta na ako sa school ni Eve para sunduin siya. Ganito ang ginagawa ko kapag hindi ako nagigising ako kaagad sa hapon.
Tumatakbo na papalapit sa akin si Eve pagkakita niya sa akin. "Daddy!"
"Mukhang masaya ang baby ko ah."
May pinakita siya sa akin na isang papel kaya kinuha ko iyon sa kanya para tingin. "May quiz po kami kanina tapos pasado ako."
"Wow. Ang galing naman. Dahil diyan ipagluluto kita ng paborito mo. Sa ngayon may pupuntahan tayo."
"Saan po tayo pupunta?"
"Bibisitahin natin ang tita Mavis mo at baka nandoon ang tito Travis mo para pakilala kita sa kanila." Pinagbuksan ko siya ng pinto kaya sumakay na siya at pumunta ako sa kabilang side.
Sinusuot na niya ang seatbelt. "Daddy, ilan po ba kayo magkakapatid?"
"Apat kami magkakapatid. Nakilala ko na rin yung dalawang kapatid namin noong huling bisita natin sa kanila. Tapos ang tito Travis mo kasal na siya pero hindi ako sigurado kung nakilala mo na ba ang kambal nila."
"Kambal po? Sina Tyler at Todd po?"
Kilala na pala ni Eve ang mga pinsan niya.
"Yep. Kaya ang bibisitahin natin sa hospital ang mommy at kababatang kapatid nila.
Pagkarating namin sa hospital ay tinanong ko sa front desk kung saang room si Mavis. Nang makarating na kami kumatok na muna ako bago binuksan ang pinto.
"Evan... Good to see you again." Sabi ni Mavis habang karga niya ang anak nila. Kaso wala yata si Travis ngayon.
Pinaupo ko na muna si Eve sa couch bago tumingin ulit kay Mavis. "Yeah. Anyway, nasaan si Travis?"
"Sayang hindi mo siya naabutan. Kaalis lang niya kasi sinundo pa niya yung kambal sa school." Napansin ko kung saan siya nakatingin. "Anak mo na ba yang kasama mo? Sinabi rin kasi sa akin ni Travis na may anak kayo ni Jasmine tapos naririnig ko rin sa kambal ang tungkol sa anak mo."
"Yup, si Eve." Tumingin ako sa likuran. "Eve, ang tita Mavis mo, asawa siya ng tito Travis mo."
"Hello po."
"Ang cute naman ng anak mo." Sabi niya.
"Baka magselos ang anak niyo dahil may sinasabi kang cute maliban sa kanya ah."
"Hindi naman siguro. Gusto mo bang kargahin?"
"P-Pwede ba?" Sa buong buhay ko hindi pa ako nakakarga ng isang sanggol dahil hindi kami masyado pinapayagan ni mommy na kargahin sina Thea at Theo noong baby pa sila.
"Oo naman pero dahan-dahan lang."
Kinuha ko na kay Mavis ang anak nila pero sa masamang palad ay umiyak ito kaya binalik ko ulit sa kanya.
"Mukhang ayaw niya sa akin."
"Hindi naman siguro. Baka ngayon ka pa lang niya nakita."
"Kailan nga pala kayo pwede lumabas ng hospital?" Tanong ko.
"Hindi pa namin natatanong sa doctor ko kung kailan kami pwede lumabas ni baby Tyron."
Hindi ko na nga napansin ang oras dahil ang dami namin pinagusapan ni Mavis. Isa kasi ako sa mga estudyante noon na hindi magawang kausapin siya kaya ngayon pa lang kami nakausap ng ganito. Dahil nga tatlo na ang anak nilang lalaki pero ang gusto ni Mavis na magkaroon ng anak na babae.
"We're back." Lumingon ako noong marinig ko ang boses ni Travis. "Hey, Evan, nandito ka rin pala."
"Kanina pa kami dito."
"Kami...?" Tinuro ko kung nasaan si Eve habang kinakausap na siya ng kambal. "Oh, kasama mo pala ang anak mo."
"Pagkasundo ko sa kanya sa school dumeretso na kami dito pero hindi na rin kami tatagal."
"Kararating ko pa lang, aalis agad kayo."
"May pasok pa ako mamaya. Bibisita ulit ako pero kung nakalabas na si Mavis sa bahay niyo na lang ako pupunta."

BINABASA MO ANG
My Secret Romance
RomanceChase Sequel #2 : Evan Chase Ang akala nga ng mga kasamahan ni Evan sa trabaho ay isang bakla dahil niisa wala siyang pinapatulan na babae. Pero ang totoo niyan may isang babae siyang gusto makasama habang buhay - iyon ay walang iba kung 'di si Jasm...