Hindi ko tuloy nasabi sa kanya ang isa pang gusto kong sabihin. Nagmamadali na kasi siyang pumasok kanina at talagang bad timing ang punta ko ngayon.
Nagising ako gabi na sa labas. Hala, nakatulog pala ako kanina na hindi ko namalayan pero ang pagkaalala ko ay nasa sala ako kanina. Paano ako nakarating sa kwarto?
Lumabas na ako ng kwarto ay may narinig na ingay nangagaling sa kusina kaya pumunta na ako doon.
Humarap siya sa akin habang nagluluto. "Gising ka na pala. Maupo ka na diyan at malapit na ako matapos dito."
Umupo na ako sa harapan ng hapag. "Hindi ko nalamayan nakatulog pala ako kanina. Gusto ko pa namang bumawi kay Eve paguwi niya."
"Pwede ka pa naman bumawi sa kanya bukas at saka marami pang araw para makabawi ka."
"Paano nga pala ako nakarating sa kwarto? Ang pagkaalala ko nasa sala ako kanina."
"Paguwi ko kanina nakita kita ang sarap ng tulog sa sofa kaya binuhat kita at dinala sa kwarto para maging kumportable ang tulog mo. Ano ang akala mo si Eve ang magbubuhat sayo sa kwarto?"
"Ewan ko sayo, Evan. Maayos ang pagkatanong ko sayo."
"Binibiro lang kita kaya huwag ka na mainis sa akin. Tatawagin ko lang si Eve para makakain na tayo."
Natupad na rin ang isa kong pangarap dahil nakasama ko na rin ang mag-ama ko. Sobrang saya ko nga, eh.
Ang daming kinukwento sa akin si Eve kung ano nangyayari sa kanya sa school. Nabubully pala siya ng ibang bata dahil wala ako sa tabi niya. Naguilty tuloy ako sa nangyari sa anak ko kasi wala ako sa tabi niya habang lumalaki siya. Ang mga magulang ko ang palagi niyang kasama dati tapos ngayon si Evan pero babawi talaga ako sa kanya.
"Bakit hindi ka maghire ng maid para may maghuhugas ng mga pinagkainan niyo? At may kasama rin si Eve paguwi niya galing school." Sabi ko. Kagagaling lang niya sa trabaho tapos magaasikaso pa ng hapunan and then siya rin ang naghuhugas.
"Eh, ikaw? Ang akala ko ba gusto mong bumawi kay Eve." Sabi niya.
"Ngayon wala na ako sa puder ni Brent kaya gusto kong bumalik sa trabaho. Magiging busy rin ako pagbalik ko sa trabaho at bihira na lang tayo magkita."
"Babalik ka na pala sa pagiging flight attendant mo."
"Oo, iyon naman ang plano ko kapag pumayag na si Brent makipaghiwalay."
"Paano mo nga pala nalaman kung saan ako nakatira? If I remember correctly, hindi ko binigay sayo ang address ko."
"Huh? Um, I have my own ways. Right, I have my own ways." Kinakabahan ako doon bigla dahil nangako ako kay Thea na hindi ko sasabihin sa kanya na ang kapatid niya ang nagbigay.
"Okay. Hindi na importante kung sino ang nagbigay sayo o kung paano mo nalaman ang address ko." Tapos na siya maghugas ng mga pinagkainan kaya umupo na siya sa harapan ko. "Hindi natapos ang paguusap natin kaninang umaga dahil may pasok pa ako. Naalala ko kasi parang may gusto ka pang sabihin sa akin. Ano iyon?"
"Hindi pa kasi ako sigurado dito pero sa tingin ko buntis ulit ako."
Wala ako naririnig na kahit ano mula sa kanya kaya napatingin ako sa kanya.
"Sino ang maaaring ama niyang dinadala mo? Ako? O ang ex husband mo?"
"Malamang ikaw ang ama nito kung buntis nga talaga ako. Ni minsan wala nangyari sa amin ni Brent. Ikaw ang una at huli ko." Hinawakan ko ang kamay niya. "Hindi ba pananagutan mo naman kami?"
"Sinabi ko ba iyon?"
"Evan!" Inis na turan ko. Subukan lang niya hindi panagutan kung buntis nga talaga ako.
"Sorry. Nagulat lang talaga ako."
"Hindi pa ako siguradong buntis nga talaga ako. Pero pananagutan mo ba kami?"
"Of course, pananagutan ko kayo. Gusto mo bukas pumunta tayo sa doctor para makasigurado tayo."
"Pero may pasok ka pa bukas."
"Pwede ko naman kausapin si dad na mahuhuli ako ng pasok bukas. Kaso nga lang tatanungin niya ako pagpasok ko. Bahala na nga."
"Thank you, Evan." Tumayo na ako. "Alis na ako. Baka kasi anong oras pa ako makarating sa bahay kung hindi pa ako aalis."
"Uuwi ka sa ganitong oras? Hindi ako papayag at hindi rin kita mahahatid dahil walang kasama si Eve dito."
"Maghire ka na kasi ng maid para may kasama na si Eve paguwi niya galing school."
"Pagiisipan ko pa ang tungkol diyan."
"At saka wala akong damit pangpalit."
"May ilang damit kang iniwan sa apartment dati kaya tinago ko."
"Pero nagkita naman tayo dati sa apartment mo. Ang akala ko doon ka pa nakatira kaya doon ako pumunta."
"Kailan kasi nagayos kami ni Eve ng mga gamit at nakita ko na may damit rin. So, ayun na nga tinago ko baka kasi naalala mong may damit kang nawawala kaya babalik ka para kunin."
"Actually, nakalimutan ko na nga ang tunkol diyan."
"Bukas ka na umuwi sa inyo. Hindi talaga ako papayag na umuwi ka ng ganitong oras."
Pumayag na rin ako kaya sinamahan na niya ako sa guest room.
"Nga pala huwag ka na madalas pumunta dito."
Kumunot ang noo ko. "Bakit? Pinagbabawalan mo ba ako pumunta dito? O baka may iba ka na."
"What? No. Ayaw ko lang kasi gumastos ka pa ng pamasahe papunta dito sa amin lalo na wala ka pang trabaho ngayon. Pwede namang kami ni Eve ang pupumta sayo kapag weekend."
Nakahinga ako ng maluwag bigla doon. "Ang akala ko pa naman pinagbabawalan mo na ako makipagkita sa inyo."
"Hindi ko iyan magagawa sayo lalo na ang maghanap ng ibang babae. Kung hindi ikaw ang makakasama ko habang buhay mas pipiliin ko na lang ang maging single father. Pero mukhang gumagawa ng paraan ang tadhana na magkasama tayong dalawa at maging isang pamilya."
Ngumiti ako at niyakap siya. "I love you."
Inangat ko ang tingin sa akin kasi wala na ako narinig mula sa kanya. Kaya naman pala dahil tulala na. Wala akong sinabi para maging tulala siya maliban sa nag-I love you ako sa kanya.
"Huy, tulala ka na diyan." Sabi ko para bumalik siya sa reality.
Kumurap ito. "Huh? Ano kasi... first time mo lang kasi sinabi iyon sa akin. I mean, I know we never say I love you or I love you too before. Hindi pa siguro ako sanay. Sorry."
"Masasanay ka rin."
"Magpalit ka na para makapag pahinga ka na rin. Kukunin ko na muna yung mga gamit mo."
"Okay. Thank you."
BINABASA MO ANG
My Secret Romance
RomanceChase Sequel #2 : Evan Chase Ang akala nga ng mga kasamahan ni Evan sa trabaho ay isang bakla dahil niisa wala siyang pinapatulan na babae. Pero ang totoo niyan may isang babae siyang gusto makasama habang buhay - iyon ay walang iba kung 'di si Jasm...