Kinausap ko ang mga kasamahan ko na hindi na muna ako makakasama sa pagalis next week dahil hindi ko naman pwedeng iwanan si Eve na magisa sa apartment. Baka wala na ako mabalikan pagbalik ko. Aayusin ko muna ang lahat na problema bago ulit ako babalik sa trabaho.
Binalikan ko na si Eve sa kotse baka mainip na siya doon kung tatagal pa ako.
"Ano po ang ginagawa natin dito, daddy?"
"Huwag mo muna ako tatawaging daddy hangga't hindi ko pa alam ang resulta. Ayaw kong umasa ka tapos hindi pala ako ang daddy mo."
"Ano po ang itatawag ko sa inyo?"
"It's up to you, kiddo. Basta huwag lang daddy." Sabi ko habang pinatakbo ko na ang makina ng kotse ko.
"How about papa?"
"Ganoon rin iyon."
Tumawa siya. "Biro lang po."
"May gusto ka bang puntahan?"
"Gusto ko po mamasyal. Kung ayos lang po ba sa inyo."
"Oo naman. Mamasyal tayo." Sabi ko. At matagal tagal na rin ang huling pasyal ko dahil inuubos ko ang oras ko sa pagbisita sa pamilya ko kapag nandito ako sa Pilipinas.
Wala pa rin pinagbago dahil marami pa rin ang pumupunta sa mall ngayon.
Tumingin ako kay Eve. "Huwag kang bibitaw sa akin baka mawala ka."
"Okay po."
Habang naglalakad kami ay napansin kong tumitingin siya sa toystore na daanan namin.
"May gusto ka bang laruan?"
Tumingin siya sa akin. "Wala po."
"Huwag ka na mahiya. Sabihin mo na sa akin kung ano ang gusto mong laruan. Bibilihin ko para sayo."
Pumunta na kami sa mga stuff toys para makapili na siya kung ano ang gusto niya.
Kinuha na niya ang isang teddy bear at pinakita sa akin. "Heto po ang gusto ko."
"Anything else?"
Umiling na siya sa akin. "Wala na po. Okay na po ako dito sa teddy bear."
Binayaran ko na ang stuff toy na pinili niya at lumabas na sa toystore pagkatapos pero napapansin ko ang tahimik ni Eve. Well, wala pa naman ako masyadong alam sa batang 'to maliban kung sino ang ina niya at ang edad nito.
"What's wrong?" Lumuhod ako sa harapan niya. "Pagod ka na ba? Gusto mo na bang umuwi?"
Hindi niya ako sinasagot dahil tinitingnan lamang niya ako.
"Eve, sabihin mo sa akin kung ano ang problema mo para matulungan kita."
"Iniisip ko lang po kung tanggap ba ako ng tunay kong daddy, siguro ipapasyal niya rin po ako sa mall at bibilihan niya rin ako ng kahit anong gusto kong laruan."
She's only 8 years old but she already understands what is happening in her life.
Bumuga ako ng hangin. "Pumapayag na ako tawagin mong daddy. Kung ano pa man ang maging resulta sa DNA test natin ay poprotektahan at aalagaan kita."
"Talaga po?" Biglang sumigla ang mukha niya. Naawa rin ako sa kanya lalo na kung makuha ko na ang resulta tapos hindi pala ako ang ama niya.
"Mukhang pagod ka na."
"Hindi pa po ganoon kalayo ang nilakad natin."
"Hindi ka nagpapahinga simulang dumating ka kanina sa apartment ko. Kapag nalaman ng mommy mo na hindi kita inaalagaan baka magalit siya sa akin."
"Pwede po bang pabuhat?"
"Sure." Pumuwesto na siya sa likuran ko. "Kumapit ka ng maigi at baka mahulog ka."
Pagkabalik namin sa apartment ay dinala ko na siya sa kwarto dahil nakatulog na siya habang nasa biyahe pauwi.
Kung kailan kailangan kong makausap si Jasmine tungkol sa nangyari 8 years ago pero hindi ko magawa dahil hindi ko alam kung saan siya nakatira ngayon. Kahit rin pala noon ay hindi ko alam kung saan siya nakatira.
Gusto ko ng makausap pero alam kong busy si Travis lalo na sa anak nila ni Mavis may sakit. Sa kanya ko kasi sinasabi ang lahat na problema ko dahil busy na siyang tao ay hindi ko na magawang makausap si Travis.
Napatingin ako sa phone ko noong tumunog iyon kasi isang unknown number ang tumatawag sa akin.
"Hello?" Sagot ko sa tawag pero wala akong naririnig na boses sa kabilang linya. "Kung isa lamang itong prank ay ibaba ko na itong tawag. Wala akong oras sa kalokohan mo kung–"
"Evan, I..."
Namilog ang mga mata ko dahil familiar sa akin ang boses na iyon. "Jasmine? How did you get my number?"
"Wala akong oras para sabihin pa sayo kung paano ko nakuha ang number mo, pero pwede ba tayo magkita?"
"Hindi ko pwedeng iwan dito si Eve."
"Hindi ako pwedeng tumawag baka mahuli niya ako. Tatawagan ulit kita bukas. I have to go."
"Wait–"
"Sino ang kausap mo?" Kumunot ang noo ko noong may narinig akong boses ng isang lalaki.
"N-Nothing..." At doon na rin naputol ang tawag.
Alam niyang sinasaktan lang siya ng lalaking iyon pero pumayag pa rin siya magpakasal doon.
"Tsk. Ano ba ang gusto mong mangyari?" Kung kailan wala ako masyadong iniisip na problema pero dumating ulit siya sa buhay ko.
Masyado ng late pero hindi ako makatulog dahil iniisip ko kung bakit tumawag si Jasmine kanina. Ni hindi ko nga masabi kay Eve na tumawag ang mommy niya sa akin, eh.
Hindi ko namalayan kung anong oras na ako nakatulog kagabi kaiisip kay Jasmine. Kailan ba niya ako patatahimik? I admit, till now I still love her.
"Daddy..." Narinig ko ang boses ni Eve habang kinukusot ang mata nito.
Agad ako napatayo. "Gising ka na pala. Magluluto na muna ako ng almusal natin."
Pumunta na ako sa kusina para magluto ng almusal namin dahil sobrang lalim ng iniisip ko ay nahiwa ko ang daliri ko.
"Oww..." Tiningnan ko ang tumutulong dugo sa daliri ko.
"Ayos lang po ba kayo?"
Lumingon ako kay Eve. "I'm fine. Wait lang kukunin ko muna ang first aid kit."
Pagkatapos ko magluto ng almusal namin ay umupo na ako sa harap ng hapag. Tinulungan na rin ako ni Eve na magayos ng lamesa kanina.
"Sigurado akong nagaaral ka na ngayon."
"Opo, pero kailangan ko rin umalis sa school kasi ang sabi ni mommy na lilipat na daw ako ng bahay. So, kailangan ko rin po lumipat ng school."
"Kailangan mo na pala magenroll dahil malapit na rin ang pasukan."
"Pagaaralin niyo po?"
"Oo naman pero pangako mo sa akin na magaaral ka ng mabuti."
Tumango ito. "Opo. Pangako po!"
Mahihirapan lang si Eve na magadjust dahil bagong mukha ang makikita niya sa pasukan pero sa nakikita ko kaya naman makipag kaibigan agad sa mga magiging kaklase niya.
BINABASA MO ANG
My Secret Romance
RomanceChase Sequel #2 : Evan Chase Ang akala nga ng mga kasamahan ni Evan sa trabaho ay isang bakla dahil niisa wala siyang pinapatulan na babae. Pero ang totoo niyan may isang babae siyang gusto makasama habang buhay - iyon ay walang iba kung 'di si Jasm...