8

154 14 2
                                    

Pagkahatid ko kay Eve sa school niya ay dumeretso na muna ako sa apartment para kunin ang ibang gamit namin kaso sa masamang palad nasira pa ang makina ng kotse ko.

Bumaba na ako para ayusin ang makina ng kotse ko. "Bakit ngayon ka pa nasira?!"

Lumingon ako sa paligid dahil walang malapit na paayusan dito at tumingala ako sa kalangitan kasi may pumatak na tubig sa balat ko. Ang malas ko yata ngayong araw.

Tinakbo ko na lang papunta sa apartment galing sa talyer para maayos agad ang kotse ko pero noong pagkarating ko doon ay may nakita akong babae nakaupo sa sahig kaya lang 'di ko kita ang mukha niya.

Lumapit ako doon sa babae. "Excuse me?"

Inangat niya ang tingin sa akin dahilan napalaki ang mga mata ko at napaatras ako sa kanya. Kailan ba matatahimik ang buhay ko?! Pagkatapos ng asawa niya kahapon, siya ulit! Lecheng buhay 'to!

"Ano ang ginagawa mo dito?"

Tumayo na siya. "Nalaman ko kasing pinuntahan ka ni Brent at nagaalala ako baka ano ang gawin niya sayo kaya pumunta ako kaso ang sabi ng landlady hindi na daw kayo nakatira dito."

"Matagal na kami lumipat at wala akong balak sabihin sayo kung saan na kami nakatira ngayon. Kung ano man ang problema niyo magasawa, huwag niyo na ako ida–"

"Makikipaghiwalay na ako kay Brent."

Namilog ang mga mata ko sa narinig. "Wala akong pakialam kung ano man ang dahilan mo kung bakit ka makikipaghiwalay sa kanya dahil labas ako diyan."

"Mukhang 'di mo pa rin talaga maalala ang mga sinabi ko sayo noong gabing iyon."

"Hindi ako interesado malaman kung ano man ang mga sinabi mo sa akin noon. Nalaman ko rin naman kung ano ang gusto ko marinig mula sayo."

"Sigurado kang wala kang interesado? Baka kapag malaman mo ang mga sinabi ko noon magbago iyang isip mo, Evan."

"Ano bang hirap intindihin sa sinabi ko?! Hindi ako interesado mala–"

"Mahal kita, Evan. Ikaw ang tinutukoy ko na first love ko noong huling paguusap natin na gusto kong makalimutan."

Nagulat ako sa natuklasan ko pero nagawa ko pa rin tumawa baka kasi nagbibiro lang siya. "You're kidding, right? Gusto mo kong makalimutan? Eh, wala naman tayong relasyon dati para kalimutan mo."

"Mukha ba ako nagbibiro? Ikaw ang lalaking minahal ko. Hindi si Brent o kahit sino pang suitors ko dati. Ikaw ang–" Hindi ko na pinatapos ang sasabihin niya dahil sinunggaban ko siya ng halik pero naalala ko ang sinabi niya kanina na makikipaghiwalay siya sa asawa niya na ako ang dahilan kaya ako na rin mismo ang humiwalay sa amin.

"Mali ito. Kalimutan mo na lang ang nangyari kanina. Hindi rin ako papayag na makikipaghiwalay ka sa asawa mo na ako ang dahilan at mga magulang lang tayo ni Eve. Wala ng iba. Mali ang may nangyari sa atin dati dahil ikakasal ka at may nangyari sa atin kaya dumating sa atin si Eve wala sa plano. Pero hindi ako nagsising dumating si Eve sa buhay ko kaya hindi ako papayag na kunin mo siya sa akin kahit umabot pa sa korte."

"Hindi ko kukunin sayo si Eve. Ayaw kong saktan rin siya ni Brent kapag nalaman niyang may anak ako sa ibang lalaki."

"Pero masaya ako dahil mahal rin ako ng babaeng matagal ko ng minahal kaso hindi tayo ang para isa't isa, kasal ka na ngayon. Matagal ko ng tinanggap ang katotohanan kaya pinipilit kong kalimutan ang lahat na nararamdaman ko para sayo."

"He knew Eve is your daughter pero subukan niyang saktan si Eve, ako ang makakalaban ng asawa mo."

Pagkatapos kong kunin ang iba pa naming gamit ay dumeretso na ako sa bahay at iniisip ko ang nangyari kanina. Mahal ako ni Jasmine. Paano kung umamin ako sa kanya dati? Baka masaya kami ngayon pero ugh... Hindi ko na mababago ang nakaraan.

Bumalik ako sa katinuan noong tumunog ang phone ko kaya sinagot ko na iyon dahil si Eve ang tumatawag.

"Dad, anong oras po niyo ko masusundo sa school?"

Shit, nakalimutan ko na ang tungkol kay Eve.

Nagmamadali na ako at kukunin ko na sana ang susi ng kotse ko pero doon ko naalala pinapaayos ko nga pala.

Pagkarating ko sa school niya nakita ko na siya naghihintay sa akin sa waiting sched.

"Sorry kung ngayon lang ako dumating."

"Ayos lang po. Tara na po sa mall."

"Um, about that..." Lumuhod ako sa harapan ni Eve. "Pwede bang cancel na muna natin ang pagpasyal sa mall ngayon?"

Ngumuso ito. "Late na po kayo sa pagsundo sa akin tapos hindi pa matutuloy ang pasyal natin. Dad, nangako po kayo kahapon mamasyal tayo."

Ang mommy mo kasi...

"Oo, nangako ako sayo na mamasyal tayo pero wala tayong kotse papunta sa mall."

Panigurado ako gabi na kami makakauwi sa bahay niyan at mahihirapan kami magabang ng masasakyan. Mas mabuti pang may dala kaming sariling kotse kahit maipit kami sa traffic at least hindi kami mahihirapan at makikipag agawan sa mga iba pang tao.

"Mamasyal tayo sa mall kapag okay na ang kotse."

"Gaano po katagal iyon, dad?"

"Um, maybe a week. I don't know. Basta babawi ako sa prinsesa ko. Kain na lang tayo pero huwag ka magaalala papasyal pa rin tayo sa mall. Pangako iyan."

"Promise po iyan. I will be angry with you if you didn't keep your promise."

"Yes, ma'am. Saan mo gusto kumain?"

"Doon po!" Hinatak ako ng anak ko papunta sa isang stall.

"Street foods?"

"Yes, dad. Nakikita ko po sa iba na kumakain sila dito at sarap na sarap. Kaya po gusto ko rin matikman."

First time ko rin ang kumain sa ganitong klaseng pagkain. Hindi ako kumakain ng ganito noong nagaaral pa ako, hindi dahil pinagbawalan ako pero sobrang busy ko kahit niyaya na ako ng mga kaibigan ko kumain ng street food.

"Okay, papayagan kita kumain dito."

"Huwag ho kayo magaalala, sir. Malinis lahat na ginagamit ko dito."

"No, manong. Ang ibig kong sabihin baka lumabas ng school ang anak ko dahil gusto niya kumain dito. Baka maaksidente..."

"Thank you, dad."

Pagkatapos namin kumain ay umuwi na kami dahil marami pa akong gagawin sa bahay at may pasok pa ako mamaya. Night shift kasi ako pero sa sa bahay ako nagtatrabaho. Hindi ko kasi magawang iwanan magisa si Eve sa bahay kung day shift ako.

Mukhang kailangan ko na talaga sabihin sa pamilya ko ang tungkol kay Eve para may mapagiwanan na ako kung magpapalit ako sa umaga o baka babalik ulit ako sa pagiging seaman ko. At least hindi ko iisip masyado dahil alam kong may kasama si Eve.

My Secret RomanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon