After a month ay naisip kong lumipat ng bagong tirahan lalo na't hindi na ako nagiisa naninirahan sa apartment at malayo sa bago kong trabaho sa dati kong apartment.
"Are you sure you don't want to come with me?" Tanong ko kay Eve. Weekend naman kaya walang pasok at nagpasyado akong bisitahin ang mga magulang ko. Handa na rin nga ako pakilala sa kanila si Eve.
"Opo. Okay lang po ako dito."
"Okay. May natira pa namang pagkain kanina at initin mo lang sa microwave. Huwag kang gagamit ng kalan baka mawalan tayo ng bahay." Bilin ko.
"Okay po, daddy."
Pagkarating ko sa bahay ng mga magulang ko si mommy ang sumalubong sa akin.
"Napabisita ka ngayon, Evan. Hindi ka ba aalis ngayong taon?"
"Hindi po muna ako aalis ngayong taon, mom." Nakangiting sagot ko. Pinagiisipan ko talaga kung babalik pa ba ako sa dati kong trabaho o hindi na hindi ko rin ko kasi maiwanan si Eve sa bahay.
"Kuya, why are you here?" Tumingin ako sa bagong dating.
"Bawal na ako pumunta dito?"
"Hindi naman pero nagtataka lang ako na hindi ka yata umalis ng bansa ngayon."
"Iwan ko na muna kayo magkapatid. May kailangan pa akong gawin ngayon." Sabi ni mommy.
"Sige po, mom." Sabi ko at tumingin ulit kay Thea. "Kapag umalis ako baka kasi mamiss mo ko."
"Ang kapal ng mukha mo, kuya Evan."
Tumawa ako sa reaksyon ng kapatid ko. "Just kidding. Napagisip ko na hindi na muna ako aalis. Anyway, saan ka pala pupunta at bihis na bihis ka ngayon?"
"May date ako ngayon." Sagot nito.
Kumunot ang noo ko. "Date? Dapat pinakilala mo na muna sa amin kung sino man iyang lalaki bago ka makikipagdate sa kanya. Baka hindi pala matino at hindi ka rin seseryosohin."
"Kuya naman. Para kang si daddy."
"Alam mo namang pinoprotektahan ka namin at ayaw naming makita kang umiiyak dahil lang sa isang lalaki."
"Wala naman akong sinabi na makikipagdate ako sa lalaki. Pwede bang mga kaibigan ko ang kasama ko?"
"Much better. At least kilala ko ang mga kaibigan mo."
"Baka ako na lang ang hinihintay kaya aalis na ako."
"Ingat ka."
Napalingon ako sa labas noong may narinig akong bumukas sa gate. Hindi imposible na bumalik si Thea at may nakalimutan kunin kaso nagkamali ako dahil hindi si Thea ang pumasok - si Travis kasama si Mavis. Ang balita ko kasi nagbakasyon ang dalawa kaya nandito ngayon ang mga bata.
"How's your vacation, bro?"
Pareho silang tumingin sa akin na parang hindi nila inaasahan makikita nila ako. Sabagay walang may alam na umalis na ako sa pagiging seaman ko.
"Totoo ngang nandito ka ngayon sa Pilipinas." Bungad ni Travis sa akin.
"Sino may sabi?" Nagtataka ako dahil wala naman ako pinagsabihan na umalis na ako sa pagiging seaman ko.
"Nakita ka daw ni Thea noong isang araw at may kasama kang babae. Sino iyong kasama mo?"
"Travis, papahinga na muna ako ah."
Tumingin siya kay Mavis at saka tumango. "Sige. Alam kong pagod ka kanina sa biyahe."
Pagkaalis ni Mavis ay binaling ko uliy ang tingin kay Travis.
"Nakita ako ni Thea?" Parang nagusap kami kanina bago siya umalis at hindi niya nabanggit kung nakita niya ako noong isang araw. "At may kasamang babae?"
"Iyon ang sinabi niya sa akin noong bago kami magbakasyon ni Mavis. Sabihin mo sa akin kung sino ang kasama mo?"
Bumuga ako ng hangin. "Nakita ba niya ang mukha ng kasama kong babae?"
"Hindi daw niya nakita yung mukha noong babaeng kasama mo."
Good. Hindi pa nakita ni Thea ang mukha ng kasama noon pero hindi ko ito habang buhay maitatago sa kanila. Lalo na kay Travis na sabay kami lumaki.
"Sasabihin mo ba sa akin kung sino ang kasama mo?"
"Noong babaeng nakita ni Thea ay anak ko. Nagulat ka, 'no? Pati ako nagulat noong nalaman kong may anak na pala ako."
"Kailan nangyari iyon?"
"Naalala mo yung pumunta tayo ng bar?" Tanong ko na kinatango niya. "May nangyari sa amin noong gabing iyon at kailan ko lang nalaman may anak na pala ako. Ito rin ang dahilan kung bakit hindi na ako umalis dahil hindi ko maiwanan si Eve na magisa at ayaw ko rin iwanan dito baka tatanungin ako ni mommy kung sino ang ina ni Eve."
"Sigurado ka bang sayo ang bata? Ikaw pa nga nagsabi sa akin na may fiance na si Jasmine."
"Noong una hindi ako naniwala pero noong nakuha ko na yung resulta ng DNA test at positive lahat."
"Damn. Matagal ka na pala isang ganap na ama na hindi mo alam."
"Yeah, 8 years."
"Sa ating dalawa ikaw pala ang una nagkaroon ng anak."
"At least sayo dalawa ang anak mo. Maiba tayo, Travis, kamusta na kayo ni Mavis?"
"We're good. Pinaghahandaan ko ang araw na yayain ko siya magpakasal ulit sa akin pero alam mo naman ang sitwasyon ngayon. Kamamatay pa lang ng papa niya."
Nagsinungaling pa noon kay Travis na hindi makakapunta sa lamay at burol dahil wala ako sa bansa. Hindi naman sa nagtatago ako pero ayaw ko muna magpaliwanag sa pamilya ko.
"Seryoso ka na ba diyan? Wala kasamang kalokohan na gaya ng ginawa mo noon?"
"Seryosong seryoso na ako. Nagsisi na ako sa mga pinaggagawa ko noon."
"Good. I'm happy for you, bro."
"Bakit hindi mo pala sinabi kay dad na may kalokohan akong gagawin sa engagement party namin ni Mavis dati?"
Nagkibit balikat ako. "Hindi ko na maalala kung bakit hindi ko sinabi kay dad. Baka naging busy ako noong mga panahon na iyon at nakalimutan ko ng tumawag dito."
"Sabihin mo man o hindi pareho lang ang magiging resulta. Papagalitan pa rin ako ni dad."
"Mabuti alam mo pero tinuloy mo pa rin. Hindi ako makapaniwala na gagawin mo talaga iyon para hindi matuloy ang engagement niyo. Sa ating apat na magkakapatid ikaw ang pinagkakatiwalaan ni dad dahil alam niyang hindi mo siya bibiguin."
"Masyado kasing umasa si dad kaya ayan nasira ang expectation niya sa akin." Natatawang sabi nito.
"Siraulo 'to. Uuwi na ako para magpahinga ka na rin."
"Kailangan mo rin sabihin sa iba ang tungkol sa pagkakaroon mo ng anak."
"Yeah, may balak naman akong sabihin sa kanila tungkol kay Eve."
BINABASA MO ANG
My Secret Romance
RomanceChase Sequel #2 : Evan Chase Ang akala nga ng mga kasamahan ni Evan sa trabaho ay isang bakla dahil niisa wala siyang pinapatulan na babae. Pero ang totoo niyan may isang babae siyang gusto makasama habang buhay - iyon ay walang iba kung 'di si Jasm...