Evan's POV
"Tamang tama nandito ka rin. Tinatanong ko sa iba kung pupunta ka rin ba." Sabi ko pagkakita kay Travis.
Bumisita kasi ako sa mga magulang ko dahil gusto ko rin bumawi sa kanila. Ilang buwan rin ako walang paramdam sa kanila noong nalaman kong may anak na pala ako. Ang akala nila wala ako sa Pilipinas, iyon pala ay nandito lang ako at hindi nagpaparamdam sa kanila.
"Why? Namiss ko na agad ako?" Takang tanong niya.
"Siraulo 'to. As if naman."
"Kung hindi mo ko namiss. Bakit gusto mo malaman kung pupunta rin ba ako?"
Bago ko sagutin si Travis ay humarap na muna ako kay Theo. "Nasaan nga pala si Thea? Minsan nga lang tayo maging kumpleto na apat."
"Nasa kwarto niya yata. Hindi ko pa siya nakikita simula pang umaga."
"Tawagin mo siya, dali!" Utos ko kay Theo.
Sinunod naman ni Theo ang inutos ko sa kanyang tawagin ang kakambal na walang reklamo. Ang laki na talaga ng pinagbago ni Theo simulang dinala siya ni daddy sa probinsya.
"Nakakapanibago ang ugali ni Theo ngayon. Hindi nagreklamo noong inutusan mo siyang tawagin si Thea."
"Oo nga, eh. Gusto ko rin malaman kung ano ba ang ginawa niya habang nandoon siya sa probinsya."
"Ako, iba ang gusto kong malaman... ano nga ang dahilan mo?"
"Mamaya ko sasabihin kapag nandito na ang kambal."
Nakita ko na ang pagbaba ng kambal.
"Kuya Evan, kuya Travis, namiss ko kayo!" Sigaw ni Thea na akala mo pa naman ang layo ng kausap.
"Mukhang si Thea lang ang nakamiss sa akin.
"Correction, Travis, sa atin. Tayo ang namiss ni Thea. Hindi lang ikaw." Sabi ko.
"Ang sabi ni Theo may sasabihin ka daw kaya pinatawag mo ko. Ano iyon?"
"Balak ko kasing ligawan si Jas kaya lang hindi ako marunong mangligaw." Narinig ko ang pagtawa ni Travis. "Bwesit ka talaga, Travis."
"Sorry. Kasi naman kalalaki mong tao pero 'di ka marunong mangligaw."
"Required ba sa pagiging lalaki ang marunong mangligaw? Wala pa naman ako naging girlfriend kaya wala akong ideya sa pangliligaw sa babae."
"Ano pa ang plano, kuya?"
"Hmm... Pwede ko na ba ituloy ang sasabihin ko, Travis the great?"
"Go ahead."
"Nahihiya akong kausapin si dad para humingi ng tulong sa kanya tapos nakasalubong ko si tito Clark sa company. So, sa kanya ako humingi ng tulong..."
Namomoblema ako ngayon kung paano ko ba liligawan si Jasmine. Nahihiya rin akong lumapit kay daddy at baka hindi rin niya ako matulungan sa problema ko. Saka ang laki na rin tinulong niya sa akin para makapasok si Jasmine sa SkyBlue Airline.
Habang naghihintay bumukas ang elevator ay nakasalubong ko si tito Clark. Tama, kay tito Clark ako hihingi ng tulong at kakapalan ko na ang mukha ko.
"Tito Clark..." Tawag ko sa kanya.
Sumulyap siya saglit sa akin. "Yes?"
"Kakapalan ko na po ang mukha ko. Um... Uh... Gusto ko po sana humingi ng tulong sa inyo kung paano mangligaw."
Kumurap siya na humarap sa akin. "Let's talk later. Puntahan mo ko mamayang lunch break sa office ko."
"Um, okay po."
Lunch break na kaya pinuntahan ko na si tito Clark sa office niya.
Kumatok na muna ako bago buksan ang pinto. "Tito?"
Tumingala siya sa akin. "Come in, Evan."
Pumasok na ako sa loob ng office niya at umupo na sa harap ng desk. "Sorry if I disturb you... nahihiya lang po akong lumapit kay dad ngayon kasi maraming beses na niya ako tinulungan."
"Humingi ka ng tulong sa akin kung paano mangligaw... Sigurado ka? Sa akin ka pa talaga humingi ng tulong. Wala rin akong alam kung paano mangligaw."
"Eh, paano niyo po niligawan si tita Jane?"
"Sa tulong ni Trey. Siya nagbigay ng ideya sa akin kung ano ang gagawin ko. Niligawan ko si Keziah gamit ang alam ko."
"Gamit ang alam niyo po?"
"Yes. Nagcompose ako ng kanta at kinantahan ko siya."
"You mean serenade? Eh, uso pa po ba ang paghaharana ngayon?"
Hindi ko naman sinasabi na hindi ko magagawa ang paghaharana kay Jasmine pero wala na ako nakikitang ganoon ang ginagawa sa pangliligaw sa panahon ngayon. Kung meron man, bihira na lang.
"Ano sa tingin niyo?" Tanong ko sa mga kapatid ko.
"Ikaw ang mangliligaw, Evan kaya dapat ikaw ng magdedesisyon." Ani Travis.
"I know pero kailangan ko rin ang tulong niyong tatlo."
"Kuya, what ba kailangan mong tulong?"
"Like the old days... Noong mga bata pa lang tayo ay madalas tayo kumakanta, Thea tapos sina Travis at Theo na ang bahala sa instruments."
"Mga bata pa lang tayo noon at matagal na rin hindi ako kumakanta. But I'll try para sayo, kuya Evan."
"Paano naman ako? Matagal na rin ang huling hawak ko ng gitara." Sabi ni Theo sabay turo sa sarili.
"I'm willing to help pero sasapukin kita kung mamayang gabi ka na maghaharana kay Jasmine."
"Hindi pa naman mamayang gabi. Wala pa nga ako napipiling kanta."
"Wait. Tingnan mo ito kung okay ba itong kanta." Inabot sa akin ni Theo ang phone niya para ipakita yung kanta at pinakinggan ko na rin.
"Hmm... Not bad. Pwede iyan ang kantahin natin."
"Sakto duet 'tong kanta kaya hindi tayo mahihirapan kung sino mauuna kakanta."
"Ang ganda naman ng nakikita ko ngayon. Na magkakasama kayong apat." Rinig namin ang boses ni mommy kaya lumingon kami.
"Hi, mom!" Sabay kaming apat.
"Ano meron?"
"Kasi po 'tong si Evan nagpaplano liligawan na niya si Jasmine." Sabi ni Travis.
"Really, Evan?"
"Yes, mom."
"Kailan mo pala siya papakilala sa amin ng daddy niyo? Alam mo naman gustong gusto ko na siya makilala."
"Soon po. Papakilala ko rin po siya sa inyo."
Binaling ni mommy ang tingin kay Theo. "Theo, gusto kang makausap ng daddy niyo. Puntahan ko na lang siya sa office niya."
"Okay po, mommy." Iniwanan na kami ni Theo para puntahan na niya si daddy.
"May ginagawa na naman sigurong kalokohan si kambal kaya pinatawag siya ni daddy."
"I doubt that, Theo. Noong inutusan ko siya kanina ay hindi siya nagreklamo. Mukhang nagbago na siya simulang pinadala siya ni dad sa probinsya."
"Kailangan ko na pala umuwi. Baka kasi hanapin ako ng mga bata." Paalam ni Travis.
"Mga bata lang ba?"
"Oo kasi alam ni Mavis na pupunta ako dito pero noong umalis ako kanina tulog pa ang mga bata."
"Kailangan ko na rin pala umuwi. Wala kasama si Eve sa bahay."
Patay ako nito kapag nalaman ni Jasmine na iniwanan ko si Eve sa bahay na walang kasama sa bahay. Sinabi ko pa naman kay Eve saglit lang ako kaya hindi ko na siya pinasa sa akin.
BINABASA MO ANG
My Secret Romance
RomanceChase Sequel #2 : Evan Chase Ang akala nga ng mga kasamahan ni Evan sa trabaho ay isang bakla dahil niisa wala siyang pinapatulan na babae. Pero ang totoo niyan may isang babae siyang gusto makasama habang buhay - iyon ay walang iba kung 'di si Jasm...