Kabanata Twenty-four

47 7 0
                                        

Umupo naman si Liam sa tabi ni Yana at kinausap ito.

"May hinihintay ka bang tawag? Hawak mo kasi yang cellphone mo."

"Naisip kong i-text yung pamilya ko, kaso naalala ko, ako nga lang pala ang may cellphone samin."

Inilabas naman ni Liam ang cellphone niya.

"Ano bang number mo?", si Liam.

Binigay naman ni Yana ang number niya at s-in-ave na din ito ni Liam.

Maya-maya, nagulat naman si Yana nang mag-ring ang cellphone niya. Kahit alam niyang si Liam ito, sinagot pa rin niya ito. Nagkunwari naman si Liam na boses babae.

"Hello Yana! Si nanay mo 'to. Miss ka na namin!"

At naging boses lalaki din.

"Yana, anak, tatay mo 'to! Kamusta ka na? Mahal na mahal ka namin ng nanay at mga kapatid mo!"

Hindi naman mapigilan ni Yana na mapaiyak. Samantalang sa sunod na pagsasalita ni Liam, boses niya na talaga ito.

"Hi Yana! Kung kailangan mo ng kausap, nandito lang ako sa tabi mo. Handa akong makinig."

At pinutol na din ni Liam ang tawag.

Binaba na din ni Yana ang cellphone niya. Nagpahid siya ng luha sa mukha at maya-maya, nagsimula na siyang magsalita.

"Sa totoo lang, sinabi ko kay Tupe na ayokong sumama dito, kasi anniversary ng mga magulang ko bukas. Nasanay kami na, mag-celebrate ng sama-sama, kahit simple lang, pero masaya na kami sa ganun. Lalo na bukas, silver na sina tatay at nanay. Nasa maganda nga akong lugar, wala naman sila, hindi pa rin ako sasaya. Pero kung kasama ko sila, kahit saan pa yan, magiging espesyal, maganda at masaya."

"'Yan ang dahilan kung bakit hanga ako sayo. Kung bakit kita nagustuhan."

Nabigla naman si Yana sa sinabi ni Liam.

"'Wag mo akong ipagtatabuyan ha. Tsaka, wag mo akong iiwasan!"

"Ano ba yang sinasabi mo Liam? Ikaw? Gusto mo ako? Malabo ba yang mga mata mo?"

"Yana, wag mong maliitin ang sarili mo. Maniwala ka sakin, maganda ka, sa loob man, o sa labas."

Ikaw and IMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon