Kabanata Ten

78 8 0
                                        

Pagkapasok ni Kristoff, nakita niyang may nagsasalita sa stage, ngunit hindi niya naman naiintindihan ang sinasabi nito.

"Okay, ngayon, pipili na tayo ng Star of the night. Kung sino man ang matapatan ng spotlight, siya ang napiling Star of the night. Let's see!"

Umikot na ang spotlight. Lahat naghihintay kung sino ang tatapatan ng ilaw. Maya-maya, tumigil na ang spotlight. Lahat nagulat sa napiling Star of the night.

Ayaw pa sanang umakyat sa stage ng napili, ngunit ng mga tao ay sumisigaw na.

"Aakyat na yan! Aakyat na yan! Aakyat na yan!"

Kaya napilitan na din itong umakyat sa stage. Nabigla naman si Kristoff sa umakyat sa stage.

"Yana?"

Muling nagsalita ang tao sa stage.

"Ayan, si Mariana Dominguez, o mas kilala sa pangalang, Yana. Anong masasabi mo Yana?"

Hindi naman makapagsalita si Yana.

"Speechless po siya. Sige na, kahit konti lang."

Binigay nito ang microphone kay Yana.

"Ahmm.. Hindi ko po alam kung bakit po ako ang napiling Star of the night, kasi po, taga-serve lang po ako dito. Pumili na lang po ulit kayo ng iba."

Binalik ni Yana ang mike. Paalis na sana siya nang pigilan siya ng emcee.

"Wait lang Yana. Hindi naman porke't taga-serve ka, hindi ka na pwedeng manalo, pwede pa rin. At heto na nga! You are the Star of the night!"

Hindi naman mapakali si Kristoff. Pagtapak niya sa kaniyang pag-atras, may natapakan siyang bagay.

"What's that?"

Tinitigan niya ito.

"A tomato?"

Muli siyang tumingin sa stage. Si Yana na lang ang nasa stage. At may biglang nagsalita.

Ikaw and ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon