Pinipigilan naman ni Yana ang pagtulo ng luha niya.
"Gusto mo na bang malaman ang buong kwento? Ha, Yana? Epal ka din kasi eh, ano? Mapagmaganda ka pa, eh bakas pa rin naman sa sarili mo ang pagiging probinsiyana! Bumalik ka na sa pagiging Betty La Yana mo!"
Hindi naman magawang magsalita ni Yana.
"Akala mo ba tapos na ako sayo, Yana? Akala mo magpapatalo ako sayo? Pwes, para sabihin ko sayo, hindi ako natatakot sa kahit na sino! Kahit magsama-sama pa kayong lahat!"
"Bakit mo ba kasi sakin ginagawa ang lahat ng 'to, Chatty? Ano bang napapala mo sakin?"
"Bakit? Hindi ko nga din alam kung bakit inis na inis ako sa pagkatao mo, Yana!"
"Pera pa rin ba? Ha, Chatty? Dahil pa rin ba sa tulong ng pamilya niyo samin? Wag kang mag-alala, dahil babayaran ko yun sa inyo! Mula libo hanggang sa huling sentimo ng binigay niyo samin, ibabalik ko! Para matahimik na yang kaluluwa mo!"
Dali-dali namang lumapit si Chatty kay Yana at sinampal ito nang napakalakas na nagdulot kay Yana para mapa-upo.
"Ang tapang mo din talaga, ano? Bakit? Dahil marami kang kakampi? Sino? Si Kristoff? Si Stef? At kung iniisip mong kakampi mo din si Ethan, pwes, nagkakamali ka!"
"Ano bang meron sa pagitan niyo ni Ethan?"
"Gusto mong malaman? O sige, pagbibigyan kita! Ang totoo, nililigawan ako ni Ethan. Pero sabi ko sa kanya, sasagutin ko lang siya sa isang kondisyon. Ang paibigin, paasahin, at saktan ka sa bandang huli! Medyo mabagal pa nga siya eh! Kaya heto, ako na ang gumawa ng huling hakbang! Ano? Satisfied ka na ba sa sagot ko?"
"Wag mong sirain ang kabaitan sakin ni Ethan!"
"Nakakatawa ka ha! At nakakaawa din at the same time! Hindi ka naniniwala sakin? Alam mo ba kung anong lugar to? Dito itinatapon ang mga bagay na hindi na pinakikinabangan ng university. At dito din sa room na to sinisira at itinatapon ni Ethan ang lahat ng mga bagay na ginawa mo para sa kanya!"
"Tumigil ka na, Chatty!"
"Hindi ka pa rin naniniwala kahit sabihin ko na planado lahat ng ginagawa sayo ni Ethan? Mula sa pagbibigay ng panyo, sa pagpapagawa ng projects, hanggang sa pag-aakit niya sayong lumabas para mag-date! Lahat yon pinlano namin! Ano? Satisfied ka na ba?"
BINABASA MO ANG
Ikaw and I
RomanceThe more you hate, the more you love. Ang istorya ng isang probinsyanang babae na magiging INTERPRETER ng kinaiinisan niyang nagbabalik-Pilipinas na lalaki. Kung sa english may, You and I. Sa tagalog may, Ikaw at Ako. Sa kanila, may pag-asa kayang m...