Wala nang nagawa si Evil Stalker kundi ang magbihis. Ngunit hindi pa rin siya susuko. Ngayon naman ay nakita niya sa canteen sina Stef.
"Bro, do I look good?", tanong niya sa kaibigan.
"Yes!", sagot ng kaibigan.
Napansin naman ng grupo ni Stef na papalapit si Evil Stalker.
"Stef, si Nosebleed Man nandiyan na naman!", sabi ni Danish.
Umupo naman sina Evil Stalker sa harap nina Stef.
"Okay.. I just want to apologize for what happened a while ago. But please give me another chance."
"Hoy! Pasabi dito sa kaibigan mong inglisero na wag na siyang magpapakita sakin! Dahil, literal na hindi kami magkakaintindihan!", sabi ni Stef sa kaibigan ni Evil Stalker, sabay tayo at alis sa harapan ng dalawang lalaki.
"Hey, Stef! Wait!"
Ngunit nagpatuloy lang si Stef.
"What did she tell you?"
"I.. I don't know!"
"It's because of that girl! She definitely told her something bad about me!"
"Hindi daw kasi kayo magkakaintindihan."
"What?"
"Hay! Ang hirap naman nito! Pa'no ba 'to?"
Sa pag-iisip ng kaibigan ni Evil Stalker, nakaisip siya ng paraan.
"Aha! Ang kailangan niyo lang, magkaintindihan! Alam ko na!"
"What are you saying?"
"Nevermind.. I will help you.. Just.. Trust me! Okay?"
"Okay.. Thank you bro!"
Umalis naman agad ang kaibigan ni Evil Stalker para gawin ang kaniyang plano.
BINABASA MO ANG
Ikaw and I
RomansaThe more you hate, the more you love. Ang istorya ng isang probinsyanang babae na magiging INTERPRETER ng kinaiinisan niyang nagbabalik-Pilipinas na lalaki. Kung sa english may, You and I. Sa tagalog may, Ikaw at Ako. Sa kanila, may pag-asa kayang m...