Kabanata Twelve

76 8 0
                                    

**Sa pagpatak ng bawat oras ay ikaw Ang iniisip-isip ko Hindi ko mahinto pintig ng puso**

Araw ng sabado, at dahil walang pasok, nasa bahay lang ngayon si Yana. Ngayon, naglilinis siya nang biglang pinatugtog sa radyo ang paborito niyang kanta ni Yeng Constantino na "Ikaw".

**Ikaw, ang pinangarap-ngarap ko Simula ng matanto Na balang araw iibig ang puso**

Napapasabay siya sa pag-awit sa kanta habang nagwawalis.

**Ikaw, ang pag-ibig na hinintay Puso ay nalumbay ng kay tagal Ngunit ngayo'y nandito na ikaw**

Ngayon ay yapos-yapos niya na ang tambo habang may naiimagine. Ang hindi niya alam ay nakatingin na sa kanya ang buong pamilya niya. Ano ang na-i-imagine niya? Hindi niya alam kung bakit pero ito yung eksenang nasa gitna siya ng stage, pinagbababato ng kamatis, nang dumating si Kristoff para pigilan ang mga ito at pinagtanggol siya.

**Ikaw, ang pag-ibig na binigay Sa akin ng Maykapal Biyaya ka sa buhay ko Ligaya't pag-ibig ko'y ikaw**

Patuloy lang siya sa pagkanta at pag-i-imagine. Ngingiti-ngiti. Nang may kumatok sa pintuan nila. Narinig naman ito ni Yana. Kaya habang wala pa rin sa katinuan, unti-unti itong lumapit sa pintuan para buksan ito.

**At hindi pa 'ko umibig Nang gan'to at nasa isip Makasama ka habambuhay**

"Kristoff?"

Naisara ni Yana ang pinto nang mabigla sa nakita pagbukas niya ng pinto. Ngayon ay nakasandal siya sa pintuan habang nakatingin sa pamilya niya na nakatingin lang din sa kanya. May kumatok ulit sa pintuan. Huminga muna ng malalim. At pagbukas ng pinto...

"Bakit ka nandito?"

Nabigla ulit si Yana dahil si Stef na ang nakita niya at nasigawan.

Ikaw and ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon