Sa mabilis na pagdaan ng panahon, hindi namalayan ng bawat isa na, isang taon at apat na buwan na ang lumipas. Marami ang nangyari. Marami ang nagbago. Ngunit ang nanatili sa bawat isa, ay ang pagkasabik nila na muling makita si Yana. Ano nga ba ang nangyari kay Yana? Pumasa lang naman siya sa CPA Board Exam sa ibang bansa, at take note, top three board passer siya. At ngayong araw na nga ang muling pagbabalik ni Yana sa Pilipinas.
Kaya naman, maaga pa lamang ay naghihintay na sa airport, sina Mario, Juliana, Julio at Jumar, ang pamilya ni Yana. Ngunit bukod pa sa kanila, may isa pang taong sobrang sabik na sa pagdating ni Yana, si Kristoff. Halos hindi na ito nakatulog sa sobrang sayang nadarama. Kasama siya ng pamilya ni Yana, na may hawak-hawak na tarpaulin na may mga katagang, "Welcome Home, Mariana S. Dominguez, CPA."
Bakas ang tuwang nadarama habang hinihintay ang pagdating ni Yana.
"Nandiyan na si Yana!", sigaw ni Julio.
May nakita kasi itong babaeng lumabas sa airport. Ngunit nang makita nila nang lubusan ang babae, hindi pala ito si Yana.
"Anak, pa'no mo kasi naman nasabi na kapatid mo 'yon?", si Mario.
"Eh 'di ba sabi niyo, may dalang maleta si Yana?", si Julio.
"Kuya, common sense, syempre lahat naman sila may dalang maleta.", si Jumar.
"O sige na, 'wag na kayong magtalo. Siguro ibaba muna natin itong tarpaulin at mukhang nangangawit na kayo.", si Juliana.
Ibinaba naman muna nila ito.
"Si Ate!", sigaw ni Jumar.
Itinaas naman muli nila ang tarpaulin.
"Joke lang po..", si Jumar.
"Ikaw talagang bata ka!", si Julio.
Tila wala naman silang kapaguran sa pagtataas-baba ng tarpaulin tuwing may nalabas sa airport.
BINABASA MO ANG
Ikaw and I
RomanceThe more you hate, the more you love. Ang istorya ng isang probinsyanang babae na magiging INTERPRETER ng kinaiinisan niyang nagbabalik-Pilipinas na lalaki. Kung sa english may, You and I. Sa tagalog may, Ikaw at Ako. Sa kanila, may pag-asa kayang m...