Kabanata Twenty-five

50 5 0
                                        

Samantala, kumpleto na namang naghihintay ang pamilya Dominguez at Maniego kina Yana at Stef.

Sina Yana at Stef naman, kakalabas lang sa cabin. Sa kanilang paglalakad, pinagtitinginan sila ng mga tao, lalo na ng mga kalalakihan.

"O, di ba Yana? Hindi na lang ako ang tinitingnan ngayon ng mga tao, pati na rin ikaw!"

"Ano ba yan.. Nakakahiya!"

"Wag ka nga diyang mahiya! Maganda ka kaya!"

"Hay! Ang hirap pa lang maging maganda!"

Sabay namang tumawa ang dalawa.

Sa bahagi naman nina Kristoff, napansin niya na padating na ang dalawa.

"Wait.. I think there's Stef, and..."

Tinanggal niya ang kaniyang shades para mas makilala ang kasama ni Stef.

"And Yana?", si Kristoff.

Napatingin ang lahat sa dalawa. Halata naman ang kanilang pagkamangha. Pati si Liam, napatanggal na din ng shades para mas makita ang dalawa. At nang makalapit ang dalawa...

"Ahmm.. Stef, pakilala mo naman ako sa new friend mo!", si Liam.

"Hay! Liam naman eh!", si Yana.

"Teka, akala ko ba kasama mo yung kapatid namin?", si Julio.

"Kuya!"

"You're both beautiful! And Yana, you look so much different!", si Diana.

"Tita Diana's right! Both of you are gorgeous.", si Greg.

Napangiti na lang si Yana, at napansin niya si Kristoff na hanggang ngayon pala, tulala pa rin na nakatingin sa kanya.

Ikaw and IMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon