Pinili na nga ni Yana na baguhin ang kanyang sarili. Ngayon, hindi na mababakas na isa siyang probinsyana. At sa unang araw niya sa university sa kaniyang bagong imahe, animo nama'y isa siyang bagong estudyante. Nakatitig sa kanya ang lahat nang makakasalubong niya, kahit saan man siya magpunta.
Lalo na nang nagpunta siya sa university canteen, walang magtangkang lumapit sa kanya sa mesa. Hanggang isang lalaki ang maglakas loob.
"Hi Miss! Pwede bang makitabi?"
Tumingin naman si Yana sa lalaki.
"Hay, Martin naman eh! Kanina pa nga ako naghihintay ng makakatabi eh! Syempre okay lang!"
"Nakakahiya na kasing makitabi sayo. Tingnan mo, siguradong inggit sakin yung mga lalaki ngayon!"
"Sobrang nahihiya na nga ako eh."
"Congrats Yana ha! Si Chatty, ang tagal nang naghihintay na maranasan yang ganyan! Pero ikaw, isang araw lang, instant University Superstar ka na!"
"Ano ka ba! Iisa lang ang university superstar, si Stephanie Cortez, si Stef. Siya talaga ang bagay sa titulong yun!"
"Sabi mo eh. Pero, allow me to say this, you are very beautiful, Yana! Kahit ano namang ayos eh!"
"Hay, lalo tuloy akong nahihiya! Tigil mo nga yan!"
"Okay. Pero, seryosong tanong lang, Yana. Kung ikaw ang tatanungin, would you still fall in love with the person who hurt you before?"
Napaisip naman si Yana sa tanong ni Martin.
"Before. Yun ang important term sa tanong mo. Ibig sabihin, nagbago na yung taong tinutukoy mo. But I can't answer your question, only my heart can do that. Pero sabi nga di ba, nothing is impossible, dadagdagan ko lang, especially, when you have positive mind plus action plus faith! Then, success will follow!"
"So pwede nga?"
"Bakit hindi ikaw mismo ang humanap ng sagot sa tanong mo? Do something. Move, to make things happen!"
"I will.. Thanks, Yana!"
"Welcome! Pero, kailangan ko nang umalis, may klase pa ko."

BINABASA MO ANG
Ikaw and I
RomanceThe more you hate, the more you love. Ang istorya ng isang probinsyanang babae na magiging INTERPRETER ng kinaiinisan niyang nagbabalik-Pilipinas na lalaki. Kung sa english may, You and I. Sa tagalog may, Ikaw at Ako. Sa kanila, may pag-asa kayang m...