Kabanata Two

160 9 2
                                        

Tumayo si Yana sa kanyang pagkakalugmok sa putikan. Galit na galit siya habang papalapit sa lalaking tumulak sa kanya. Ngayon, tila nagtatago ang lalaki sa may puno. Dahil may putik ang kamay ni Yana, sinadya niyang hawakan ang lalaki para humarap sa kanya.

"Hoy lalaking antipatiko, walang modo at hindi maginoo! Hindi mo ba alam kung anong ginawa mo?"

"Look what you've done on my shirt!"

"Kung maka-shirt ka diyan. Buti nga sayo sa damit lang, eh ako? Mula dulo ng hibla ng buhok hanggang talampakan may putik! Tapos hinayaan mo lang ako dun? Anong klase kang tao? Or should I ask, tao ka ba?"

"I don't care and I don't understand what you're saying. So get out on my sight!"

"Pa-english-english ka pa diyan ha! Akala mo ba hindi ko naiintindihan? Hoy lalaki! Alam kong maputi ka pero hindi ka mukhang Amerikano. At isa pa nandito ka sa Pilipinas, specifically sa Manila, at tagalog ang ginagamit na salita dito. Kaya matuto kang lumugar!"

"How many times will I'm going to tell you that I don't understand tagalog? And if you also don't understand me and you can't speak in english, then go! You idiot, pathetic girl!"

Timping-timpi na sa galit si Yana.

"Ikaw! Wala man lamang ba kayong subject nung elementary na Good Manners and Right Conduct o Edukasyon sa pagpapahalaga? At ang sinasagot mo ba ay mali kapag tinatanong ka ng guro mo ng, tama o mali, ang babae ay kailangang irespeto?"

Hindi na siya pinansin ng lalaki. Abala ito sa pagtingin niya sa isang lugar. Kaya mas nagalit si Yana at muling nagsalita.

"Hey you! How dare you to call me pathetic and idiot! I am a fourth year accountancy student. I graduated valedictorian from elementary and high school. And now, I am a consistent dean's lister and running Magna Cum Laude in this university. I see myself as a Certified Public Accountant, a year from now. How about you? How do you see yourself? Do you see yourself in hell?"

Ngunit hindi pa rin siya pinansin ng lalaki. Kaya inalam niya kung saan ito nakatingin. Kilala niya kung sino ang tinitingnan nito.

Si Stephanie Cortez, ang university superstar. Sa pangalang "Stef" siya kilala ng lahat. Siya ang hinahangaan ng halos lahat ng lalaki sa university, dahil sa taglay niyang ganda. Almost perfect na naman talaga siya. Bakit almost? Dahil ang kulang na lang sa kanya, kagalingan sa Academics.

Ikaw and ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon