Kabanata Thirty-four

48 7 0
                                        

Sa pag-aakala ni Yana na hindi na siya guguluhin ni Ethan dahil hindi ito nagpakita sa kanya buong araw, nagkamali siya, dahil sa paghatid sa kanya ni Kristoff sa bahay nila sa araw na ito, napansin nina Yana na nakatigil ang sasakyan ni Ethan sa tapat ng bahay nila. Bumaba naman ang dalawa sa kotse.



"This car belongs to Ethan, right?", si Kristoff.



Tumango naman si Yana at napatingin sa pinto nila.

Dahan-dahan niyang binuksan ang pinto, at nang makita ang loob ng bahay, nabigla siya nang makita niya ang nakatalikod na si Ethan, habang nasa harap nito sina Mario, Juliana at Jumar.



"O 'nak, nandiyan ka na pala! Kanina ka pa hinihintay nitong bisita mo.", si Mario.



Napalingon naman kay Yana si Ethan at mas nabigla ito dahil nakita niyang may hawak itong bouquet ng bulaklak. Dahan-dahan namang nagsalita si Yana.



"Bakit niyo pinapasok ang lalaking ito sa bahay natin?"



Tumayo naman si Ethan at nagsalita.



"Yana, gusto ko lang magpaliwanag. Tsaka para sayo nga pala."



Iniabot naman nito ang bulaklak kay Yana.



"Para sakin yan?", si Yana.



Tumango si Ethan. Kinuha ni Yana ang bouquet at malumanay na nagtanong.



"Sa bawat isang tanong, isang sagot lang din ang kailangan ko. Sabihin mo, kung sinisira mo lang yung mga gawa ko sayong projects, ano yung mga pinapasa mong projects sa professors mo?"



"Ano kasi, Yana, ang totoo, naggagawa ako ng akin. Pero..."



"Ssshhh..", si Yana.



Timping-timpi na naman si Yana. Muli itong nagtanong.



"Sabi ko, isang sagot lang ang kailangan ko. No more, no less. Ngayon, totoo bang nanliligaw ka kay Chatty? Oo o hindi?"



"Ano.. Oo, kaso lang..."



"Hep! Hep!", pagputol ni Yana kay Ethan.


Ikaw and IMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon