Hindi naman natagalan sina Yana at Kristoff sa pagpunta sa ospital na tinext sa kanya ng Kuya Julio niya.
Dahil alam na rin ni Yana kung nasaang kwarto ang tatay niya, dali-dali siyang pumunta dito. Tila hindi nakararamdam ng pagod si Yana sa kakatakbo, hanggang sa makarating na siya sa isang kwarto.
Huminga muna si Yana nang malalim, at dahan-dahang binuksan ang pinto. At pagkabukas...
"Tay....", si Yana.
Ito ang eksenang damang-dama na ni Yana ang drama ngunit nagtaka si Yana dahil hindi niya pamilya ang nakikita niya.
"Sino ka? Ikaw ba ang kabit o ang anak ng kabit ng asawa ko?", pagtataray ng isang ginang.
"Ho?", si Yana.
"Ate!", pagtawag ni Jumar mula sa likuran ni Yana.
Napalingon naman si Yana sa likod niya.
"Jumar!", si Yana.
"Ate, anong ginagawa mo diyan? Dito tayo sa kabilang kwarto.", si Jumar.
"Ganun ba?", si Yana.
Lumingon ulit si Yana sa harap niya.
"Pasensya na po. Maling kwarto po pala 'to. Sige po! Good luck sa paghahanap ng kabit at ng anak ng kabit ng asawa niyo."
Sinara na ni Yana ang pinto, sabay kamot sa ulo.
"Hay, nakakahiya! Halika na nga sa loob, Jumar!"
Pumasok na nga sina Yana sa loob ng kanilang kwarto.
Nakita niya naman ang nanay Juliana at Kuya Julio niya sa tabi ng tatay Mario niya na animo'y mahimbing ang tulog. Lumapit din siya sa kalapit ng tatay niya.
"High blood po ba ulit?", si Yana.
"Oo 'nak..", si Juliana.
BINABASA MO ANG
Ikaw and I
RomanceThe more you hate, the more you love. Ang istorya ng isang probinsyanang babae na magiging INTERPRETER ng kinaiinisan niyang nagbabalik-Pilipinas na lalaki. Kung sa english may, You and I. Sa tagalog may, Ikaw at Ako. Sa kanila, may pag-asa kayang m...