Hindi naman malaman ni Yana kung good news o bad news ang natanggap niyang balita, ngayong lunes.
Nag-uusap sila ni Kristoff nang biglang sumingit si Roger.
"Yana! Yana!", si Roger.
"Huminga ka nga muna, Roger. Ano ba yon?", si Yana.
"Pinapatawag ka ng University President, may kailangan daw sabihin sayo.", si Roger.
"What is he saying, Yana?", si Kristoff.
"I have to go to the President's office. He has something to tell me.", si Yana.
"I'll go with you.", si Kristoff.
Nagmadali namang pumunta sina Yana at Kristoff sa University President's office. Nang nasa tapat na sila ng pinto, may sinabi muna si Kristoff kay Yana.
"I'll wait for you okay? If you need help, I'm here."
"Thanks, Tupe!"
Kinakabahan man, kumatok muna si Yana sa pinto bago pumasok.
"Ms. Mariana Dominguez, please take a seat.", pag-aalok ni Mr. Rivera, ang University President.
"Thank you po.", si Yana.
Umupo naman si Yana. At siya na din ang unang nagsalita.
"Mr. Rivera, may violation po ba akong nagawa? May nalabag po ba akong rules and regulations ng University? Bakit niyo daw po ako pinatawag?", sunod-sunod na tanong ni Yana.
"Ms. Dominguez, relax. At para mas lalo kang ma-relax, sasabihin ko na, okay?"
"Mr. President, wag niyo po akong bibiglain ha."
"Okay, Ms. Dominguez, I'll take it slow. Hindi na naman lingid sa kaalaman niyo na ang University natin ay nagpapadala ng estudyante sa ibang bansa, sa mga piling courses dito sa atin, kabilang na ang course niyo na accountancy."
![](https://img.wattpad.com/cover/27992253-288-k646001.jpg)
BINABASA MO ANG
Ikaw and I
RomanceThe more you hate, the more you love. Ang istorya ng isang probinsyanang babae na magiging INTERPRETER ng kinaiinisan niyang nagbabalik-Pilipinas na lalaki. Kung sa english may, You and I. Sa tagalog may, Ikaw at Ako. Sa kanila, may pag-asa kayang m...