Kabanata Twenty-seven

62 7 0
                                        

Buong araw namang inisip iyon ni Kristoff. Hanggang makapagdesisyon siya sa kung anong dapat gawin, dahil sa hindi niya inaasahang makita.

Pagkatapos ng kanilang klase, nagpunta muna sa cr si Kristoff. Ngunit sa di-inaasahang pangyayari, paglabas niya sa cr, may narinig siyang isang babae at lalaki na nagtatalo sa gilid ng cr. Pinili niya munang silipin kung sino ito.

Hindi man niya maintindihan ang pinag-uusapan dahil tagalog, kilala niya naman ang dalawa, si Chatty at Ethan. Hindi man mapakali, nagtago lang si Kristoff, at pagkaalis ng dalawa, napagdesisyunan naman ni Kristoff na puntahan si Yana.

Sakto naman na uwian na din sina Yana. Hinintay niya si Yana na makalabas sa room. Nauna namang lumabas si Roger kaysa kay Yana. Hindi naman pinansin ni Roger si Kristoff.

Sa paglabas naman ni Yana, nag-iba ang mood niya nang makita si Kristoff. Hindi niya na sana ito papansinin ngunit hinarangan siya ni Kristoff. Tumingin naman si Yana ng masama dito.

"Yana, I have to tell you something."

"What? Planning something for you and Stef? Talk to yourself!"

Lumakad naman paalis si Yana, ngunit napatigil ito nang magsalita si Kristoff.

"I saw and heard Chatty and Ethan talking with each other!"

Humarap naman si Yana kay Kristoff ng may galit na mukha.

"And what's the big deal about that?", si Yana.

"Don't be so stupid, Yana!"

"Okay! So what did they talk about? Ha? Tell me!"

"Ah.. Ahh.. I.. I don't understand! They're using your language!"

"See? So, if you are trying to change Ethan's image, and making it the same image as you are to me, stop it! I don't have time for this nonsense thing!"

Umalis na nga si Yana.

Kita naman ni Kristoff na medyo hirap pa din itong maglakad. Nakaramdam naman siya ng awa para kay Yana. Si Yana naman, mas nadagdagan ang galit kay Kristoff.

Ikaw and IMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon