Nang sumunod na araw, tumulong lang sa pagbabantay si Yana sa tatay niya sa ospital, kaya naman, hindi niya nakita ang mga pinaggagagawa ni Stef sa school. Namo-mroblema na kasi ito sa kanila ni Kristoff.
"Stef, ano? Wala ka pa rin bang gagawing kahit anong aksyon? Baka isang araw, naagaw na sayo ni Yana ang lahat, kasama na si Kristoff!", si Louise.
"Hindi ko na alam kung sino ang papaniwalaan ko! At hindi ko din alam kung ano ang gagawin ko!", si Stef.
"Alam ko kung ano ang dapat mong gawin, Stef!", si Danish.
"Ano yun, Danish?", si Stef.
"Subukan mo kayang gayahin si Yana? Sa tingin ko, dahil sa mga ginagawa ni Yana kaya nakukuha niya ang loob ni Kristoff!", si Danish.
"Paano?", si Stef.
Noong isang araw, sinimulan ni Stef gayahin si Yana. Nagsuot ito ng salamin at inipitan din nito ang buhok niya nang tulad sa istilo ng buhok dati ni Yana.
"Hi, Kristoff!", si Stef.
"What happened to you, Stef?", si Kristoff.
"Oh my God, Stef! Hindi niya ata nagustuhan!", si Louise.
"Hindi ba bagay sakin?", si Stef.
"What?", si Kristoff.
"Ahmm.. You.. Like.. This?", si Stef.
"Ah.. I think, you're more beautiful without eyeglasses.", si Kristoff.
Tinanggal ni Kristoff ang salamin ni Stef.
"And you should not style your hair like that.", si Kristoff.
Tinuro niya ang buhok ni Stef at umiling-iling.
"I have to go! I have my next class.", si Kristoff.
![](https://img.wattpad.com/cover/27992253-288-k646001.jpg)
BINABASA MO ANG
Ikaw and I
RomanceThe more you hate, the more you love. Ang istorya ng isang probinsyanang babae na magiging INTERPRETER ng kinaiinisan niyang nagbabalik-Pilipinas na lalaki. Kung sa english may, You and I. Sa tagalog may, Ikaw at Ako. Sa kanila, may pag-asa kayang m...