Kabanata Thirty-nine

52 7 0
                                    

Ang bawat isa ay naghihintay na sa isasagot ni Yana. Ngayon, nangingilid na ang mga luha ni Yana sa kaniyang mga mata. Tila mas hindi mapakali ang mga nakasasaksi kaysa kay Yana.



"Yana, please say yes..", muling pagsasalita ni Liam.



Unti-unti namang bumuka ang bibig ni Yana.



"Liam...", si Yana.



Sa pagpatak ng luha ni Yana sa kwintas na hawak-hawak ni Liam, sabay bigkas niya naman ng...






"I'm sorry..", si Yana.






Sa pagbitaw ni Yana sa katagang ito, kasunod nito ay ang pagtakbo niya sa labas ng mansyon ng mga Maniego. Ang hindi niya alam ay ang pagsunod din sa kanya ni Liam. Habang natakbo, hinawakan ni Liam ang kamay ni Yana, upang pigilan at iharap ito sa kanya.



"Yana..", si Liam.



"Liam, I'm sorry..", si Yana.



"Yana, sana maintindihan mo na hindi ko 'to ginagawa para sa sarili ko. Ginagawa ko 'to para sayo."



"Anong ibig mong sabihin?"



"Yana, hindi ako bulag para hindi makita na nahuhulog na ang loob mo sa kapatid ko, kay Kristoff. Yana, ayokong masaktan ka! Kaya ko 'to ginagawa. Maniwala ka, ito ang tamang gawin."



Natigilan muna si Yana nang saglit, bago ito nakapagsalita.



"Lahat ng nararamdaman ng isang tao, nadarama niya dahil desisyon niyang mapunta sa kalagayang iyon. At pag nasaktan ka dahil umiibig ka, patunay lang yon na, tunay ang nararamdaman mo sa isang tao."



"Yana.."



"At kung totoo man ang sinabi mo tungkol sa nararamdaman ko sa kapatid mo, mali pa rin na tanggapin ko ang alok mo. Tama nang ako na lang ang masaktan sa katangahan kong 'to. Ang kapal naman ng mukha ko kung ipapasa ko sayo ang sakit, eh napakabuti mo sakin. Mananatili kang isang mabuting kaibigan sa puso ko, palagi. Pangako. Salamat, Liam. Salamat."

Ikaw and ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon