Kabanata Twenty-Nine

45 7 0
                                    

Pumasok naman si Yana sa loob ng bahay nila. Lahat ay naghihintay sa kanya. Nag-mano muna siya sa nanay at tatay niya.

"Nay, tay, kuya, bunso..."

Pinakita ni Yana ang sobre na naglalaman ng sweldo niya. Hindi na nila napansin ang bulaklak na hawak ni Yana.

"Forty thousand..", pagbilang ni Julio.

"Twenty thousand sa pagiging interpreter, at twenty thousand sa pagtuturo ng tagalog.", si Yana.

"Hinlog, malaking halaga na 'to! May tatlong buwan pa bago mag-second sem, pwede nating pag-ipunan na lang yon! Ano sa tingin mo?", si Julio.

"Oo nga 'nak! 'Di ba sabi mo masungit yung sir mo? Pwede naming pagtulong-tulungan yung kulang.", si Mario.

Napaisip naman si Yana nang mabuti.

"Tama po kayo. Kaya po nating pagtulong-tulungan yon. Pero, napakakapal naman ng mukha ko kung gagawin ko yun agad. Tsaka, may pangako po ako sa boss ko na dapat kong tuparin. Isa pa po, alam kong mabuting tao si Tupe."

"E di, magtrabaho ka na lang sa kaniya ng kalahating buwan. Makakaipon ka dun ng twenty thousand! O 'di ba? Kumpleto na ang pang-second sem!", si Julio.

"Pag-iisipan ko kuya, basta sa ngayon, tuloy pa rin!"

"Basta anak, sabihin mo samin pag hindi mo na kaya. Nandito lang kami.", si Juliana.

"Opo nay! 'Wag po kayong mag-alala, kayang-kaya ko po!"

"Hindi pa po ba tayo kakain? Gutom na gutom na po ako.", si Jumar.

"Ikaw talagang bata ka! O sige, tara na!", si Julio.

Nagsalo-salo naman ang pamilya Dominguez sa kanilang hapunan.

Matapos naman iyon, nag-isip na si Yana sa mga mangyayari bukas. Nakita niya naman ang bigay sa kanya ni Stef na mga damit. Naalala niya din ang sinabi ni Stef sa kanya tungkol sa pagbabago. Nang makapagdesisyon, nagpahinga na din si Yana.

Maaga namang nagising ang buong pamilya Dominguez. Sisimba din kasi ang pamilya ni Yana, ngunit magkaiba sila ng simbahan na pupuntahan. Dahil mauunang umalis si Yana, nauna din siyang mag-ayos.

Ikaw and ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon