Binuhat naman ng ilang trabahador si Kristoff sa kwarto nito.
"Ma'am Diana, may kailangan po bang kuhanin?", ani ng isang kasambahay.
Ngunit si Yana na nasa kalapit ni Kristoff, bigla na lamang sumingit.
"Makikikuha po naman ako ng planggana na may tubig, samahan niyo na din po ng bimpo at alcohol na din po."
"Ma'am Diana?", ang kasambahay.
"Sundin mo ang sinabi ni Yana.", si Diana.
Umalis naman agad ang kasambahay.
Ilang saglit lang din at bumalik na ito na dala-dala na ang mga pinakukuha ni Yana. Nakatingin lang naman sina Greg, Diana at Liam kay Yana. Pinunasan naman ni Yana si Kristoff. Una muna ang mukha nito at ang mga braso. Binuksan naman niya ang tatlong butones ng damit ni Kristoff, at pinunasan din ang dibdib nito ng basang bimpo. Matapos ni Yana na punasan ang mga ito, inilagay niya ang bimpo sa noo ni Kristoff. Binalutan niya din ang katawan nito ng kumot.
"Yana, ako na lang ang maghahatid sayo.", si Liam.
"Ahmm.. Siguro, dito na po muna ako sa tabi ni Tupe, kailangan pong may magbantay sa kanya para makasiguradong bababa 'yung lagnat niya. Ako na po ang bahala, tito, tita. Liam, salamat pero, dito na muna ako."
"Iha, sigurado ka ba? Paano ang pamilya mo? Pwede namang si Diana na ang gumawa niyan.", si Greg.
"Ayos lang po. Alam ko pong maiintindihan po ito ng pamilya ko. Dahil naniniwala po ang pamilya ko, na sa panahon ng pangangailangan, kailangang magtulungan, dahil ang tulong mo, maaaring magpabago sa buhay ng isang tao."
"Meron ba silang contact number?", si Diana.
"Wala po. Sa katunayan, bago lang po kami nagkaroon ng cellphone simula nung binigyan po ako ni Tupe. Okay lang po, Tita. Sige na po."
Nakumbinsi naman ni Yana ang pamilya ni Kristoff. Lumabas na din sila sa kwarto. Natira na lang sa loob sina Yana at Kristoff. Hinipo naman muli ni Yana ang noo nito. Mainit pa rin. Binasa muli ni Yana ang bimpo, piniga, at muling inilagay sa noo ni Kristoff. Sa pagdaan ng oras, paulit-ulit lang itong ginawa ni Yana. Hanggang sa dalawin na siya ng antok.
Habang nakaupo sa sahig sa tabi ng kama, inilagay ni Yana ang mga braso niya sa ibabaw ng kama, ipinatong ang ulo sa mga braso niya, at unti-unting ipinikit ang mga mata.
BINABASA MO ANG
Ikaw and I
RomanceThe more you hate, the more you love. Ang istorya ng isang probinsyanang babae na magiging INTERPRETER ng kinaiinisan niyang nagbabalik-Pilipinas na lalaki. Kung sa english may, You and I. Sa tagalog may, Ikaw at Ako. Sa kanila, may pag-asa kayang m...
