Kabanata One

258 11 2
                                    

~Ang Start~

"Naaaay! Yung damit ko po nasaan?"

"Jumar wag ka ngang sumigaw! Julio, harapin mo muna yung niluluto ko!"

"Nay nandito pa ako sa banyo!"

"Hoy Juliana, yung niluluto mo sunog na!"

"Mario harapin mo nga muna at kinukuha ko ng damit ang anak mo!"

Siya na ata ang may pinakakakaibang alarm clock sa buong universe, lalo na ngayon at opening ng panibagong school year. Nagising siya sa mga boses na animo'y sirena ng truck ng bumbero. Pagkalabas niya sa kanyang kwarto, parang may sunog talaga sa loob ng kanilang bahay. Karipas dito, karipas doon.

"Paaaaaaaaaause!"

Tumigil ang mga tao sa loob ng bahay.

Siya si Mariana Dominguez, graduating BS Accountancy student. Isa siyang CPA, Certified Probinsyana Ako, kahit apat na taon na sila sa Maynila. Siya yung tipong nakamahabang bestida with matching eye-glasses. Matalino, mabait at madiskarte. At sa kanyang pagiging CPA, isa din siyang Certified NBSB. At dahil taga-Manila na din siya, kilala na siya sa pangalang "Yana".

"Jumar, magbihis ka na ng sarili mo. Nay, dun na po kayo sa niluluto niyo. Tay, gawin niyo na yung gagawin niyo. Ikaw kuya! Maligo ka na lang diyan ng tahimik! Okay? Move!"

Ito ang kaniyang pamilya, ang pamilya "Dominguez".

Si Juliana, ang kaniyang nanay. Kasambahay siya sa pamilyang nagpapa-aral kay Yana.

Si Mario, ang kaniyang tatay. Frustrated electrician siya, dahil hindi nakatapos sa kursong Electrical Engineering, pero at least may mga nagpapagawa pa rin sa kanya ng mga electrical devices.

Si Julio, ang kaniyang kuya. Isang madramang janitor ng isang kompanya. Bakit madrama? Dahil sa tuwing nagkakadramahan na sa pamilya, ang lagi niyang linya, "Hayaan niyo kapag ako napromote na, hindi niyo na mararanasan ang ganito".

Ikaw and ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon