Kabanata Twenty-six

43 6 0
                                    

Wala nang nagawa si Yana kundi ang unti-unting maglakad pauwi sa kanilang bahay. Pilit niyang pinapahid ang mga luhang pumapatak sa kaniyang mukha.

(Tama na, Yana. Hindi siya worth it na iyakan. Hindi!)

Naalala niya naman ang kaniyang cellphone, ngunit pagtingin niya dito, lowbat ito. Wala na lang siyang nagawa kundi ang magdasal na walang mangyaring masama sa kaniyang paglalakad pauwi.

Ramdam na ni Yana ang pagod, ngunit kung tutuusin, nasa kalahati pa lang siya ng kaniyang lalakarin. Nagpapahirap din kasi sa kanya ang mga dala niyang gamit.

Lumipas pa ang kalahating oras nang matanaw ni Yana ang kanilang bahay. Sa ngayon, i-ika-ika na siya sa paglalakad dahil sa sakit ng mga paa.

Nang nasa tapat na siya ng bahay nila, pinilit niya munang maglakad ng normal, sa pag-aalalang baka hinihintay pa siya ng kaniyang mga magulang.

Pagpasok niya sa loob, nandun pa nga ang pamilya niya, ngunit mga tulog na sa upuan, dala na rin ng pagod. Ginising niya naman ang nanay niya at umupo sa kalapit nito.

"Nay, nandito na po ako.."

"'Nak, nakatulog na pala kami. Nakay natagalan kayo?"

"Ah.. May dinaanan pa po kasi kami. Sige na po, gisingin niyo na po sila nang makapagpahinga na po kayo ng maayos."

Ginising naman ng nanay niya sina Mario, Julio at Jumar. Dumeretso na din sila sa mga kwarto dahil sa sobrang antok.

"'Nak, halika na!", si Juliana.

"Sige po nay. Susunod na po ako."

Ang totoo, ayaw ni Yana na mapansin ng pamilya niya ang kaniyang paglalakad. Pagkaalis ng nanay niya, tsaka niya ininda ang sakit ng mga paa.

Ngunit, kung hindi siya napansin ng pamilya niya kagabi, hindi naman maaaring hindi siya mapansin sa pagsikat ng araw.

"Yana, halika't kakain na tayo!", si Juliana.

"Ang tagal naman ni Ate!", si Jumar.

Ikaw and ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon