Dahil sa naging desisyon ni Kristoff na tapusin na ang kontrata nila ni Yana, lubha siyang nahirapan sa kanila ni Stef. Ni hindi niya ma-explain kay Stef kung bakit hindi na nila nakakasama si Yana. At tila mga pipi ang dalawa sa tuwing lalabas sila para magdate, hindi din kasi sila magkakaintindihan.
Kaya nagpatulong si Kristoff kay Roger. At si Roger, nakaisip naman ng plano.
Ngayon na nga nila isasagawa ang plano. Ang pagkuha ng bagong interpreter.
Nasa isang room ang tatlo at naghihintay sa mga aplikante. At nagsimula na nga ang pagpili.
"Anong pangalan mo?", si Stef.
"Richard po.."
"Anong kaya mong gawin para..."
"Ma'am, pwede po bang papicture? Crush na crush ko po talaga kayo. Kahit hindi niyo na po ako tanggapin."
"Ah.. O sige."
"Next!", si Roger.
Tahimik lang naman si Kristoff sa gitna ng dalawa.
"Pangalan?", si Roger.
"Shiela."
"So, ano ang kaya mong..."
"Kaya ko pong magluto, maglinis ng bahay, kumanta, magsayaw, at higit sa lahat, pasayahin ka, Sir Kristoff."
"Ahmm.. Interpreter ang kailangan namin, hindi housewife. Salamat na lang.", si Stef.
"Next!", si Roger.
Nagpatuloy lang sila sa pagpili.
Nahirapan sina Stef na makahanap ng katulad ni Yana. Hanggang sa dumating ang huling aplikante.
"Anong pangalan mo?", si Stef.
"I'm Brian Angeles."
"So, Brian, ano 'yung magagawa mo bilang isang interpreter?", si Roger.
"Kaya kong magsalita gamit ang kahit ano mang lenggwahe sa mundo."

BINABASA MO ANG
Ikaw and I
RomanceThe more you hate, the more you love. Ang istorya ng isang probinsyanang babae na magiging INTERPRETER ng kinaiinisan niyang nagbabalik-Pilipinas na lalaki. Kung sa english may, You and I. Sa tagalog may, Ikaw at Ako. Sa kanila, may pag-asa kayang m...