Gaya nga nang ginusto ni Yana, pinermahan na nina Juliana at Mario ang waiver niya, na nagpapahiwatig ng pagsang-ayon nila sa pagpapadala ng university kay Yana sa ibang bansa.
At kinaumagahan nga din, pumunta si Yana sa University President's Office. Huminga muna siya nang malalim bago niya tuluyang binuksan ang pinto. Nabigla naman ang presidente sa kaniyang pagdating.
"Ms. Mariana Dominguez! I'm glad you came back! What can I do for you?", si Mr. Rivera.
Umupo si Yana, binuksan ang bag, kinuha ang permadong waiver at ibinigay kay Mr. Rivera.
"Am I too late, Sir?", si Yana.
"Ms. Dominguez, ang sinabi ko noon sayo, sana maibalik mo ito sakin, just in time. And you know what? You just did it. Tomorrow will be your flight, together with your schoolmates. Congratulations, Ms. Dominguez. And goodluck!"
Tumayo si Mr. Rivera at inilahad ang kamay. Tumayo din si Yana at nakipagkamay dito.
"Thank you, Sir."
Pinaalam din naman ni Yana ang balita sa kaniyang mga kaklase. Sobrang tuwa naman ang naramdaman nila para kay Yana. Nagbiruan tungkol sa mga sizes ng paa nila, mga chocolates at iba pang imported products na gusto nilang ipasalubong sa kanila ni Yana. Binigyan din nila si Yana ng isang mahigpit na group hug.
Tinapos ni Yana ang usapan sa pagsasabi ng mga katagang...
"Pa'no ba yan? Hanggang sa susunod muli nating pagkikita, Future CPAs!"
Sunod namang pinuntahan ni Yana si Martin.
BINABASA MO ANG
Ikaw and I
RomanceThe more you hate, the more you love. Ang istorya ng isang probinsyanang babae na magiging INTERPRETER ng kinaiinisan niyang nagbabalik-Pilipinas na lalaki. Kung sa english may, You and I. Sa tagalog may, Ikaw at Ako. Sa kanila, may pag-asa kayang m...