Maaga namang umalis si Yana sa kanilang bahay. Nagpaalam din sila ni Kristoff sa pamilya ni Yana, na sa mansyon ng mga Maniego siya mag-di-dinner. Ito din kasi ang gusto ng mommy ni Kristoff.
Bago pa man makarating sa main door sina Yana, may sinabi na agad ito kay Kristoff.
"Hep! We'll take the main door, okay? I'll greet your mom!"
Wala namang nagawa si Kristoff kundi ang sumunod kay Yana. Pagpasok nila sa loob, nakita nila sina Diana at Liam. Lumapit sila dito.
"Nandito na pala kayo.", si Diana.
"Hi Yana!", si Liam.
Nabigla naman sila ng halikan ni Liam sa pisngi si Yana, lalong-lalo na si Kristoff.
"Hey bro! You're so fast!", si Kristoff.
"What do you mean, Kristoff?", si Liam.
"Yana told me that men should not take advantage to women!"
"Oh.. Well, I'm sorry, Yana. I hope you don't mind it.", si Liam.
"It's okay. I understand.", si Yana.
Napangiti na lang si Yana at napatingin kay Kristoff, na ngayon ay parang may inis na mukha.
"Teka, Liam, wala ka bang work kapag sabado?", si Yana.
"Okay lang naman kay Dad na hindi ako pumunta ng company, hindi pa rin naman gaanong kataas yung posisyon ko sa company namin. Ayoko din kasi nung mataas agad, syempre, dapat paghirapan muna natin. Mas masarap kasi sa pakiramdam kapag ganun. But, I make sure na may ginagawa pa rin ako for the company kahit nandito ako sa bahay."
"Napaka-professional mo naman.", si Yana.
"Siya nga pala, Yana, dito ka mag-di-dinner ha..", si Diana.
"Ho?", si Yana.
"Hindi ba sayo sinabi ni Kristoff?", si Liam.
BINABASA MO ANG
Ikaw and I
RomanceThe more you hate, the more you love. Ang istorya ng isang probinsyanang babae na magiging INTERPRETER ng kinaiinisan niyang nagbabalik-Pilipinas na lalaki. Kung sa english may, You and I. Sa tagalog may, Ikaw at Ako. Sa kanila, may pag-asa kayang m...
