Lumapit agad sina Yana at Kristoff sa nagkakagulong mga dancers.
Nakita naman agad nila si Stef sa gitna na nakaupo. Inasikaso agad siya ni Kristoff.
"Ano bang nangyari?", tanong ni Yana.
"Na-out of balance po kasi siya eh. Pero nasalo po naman namin siya kahit papaano.", sagot ng isang lalaking dancer.
Umupo na din si Yana at kinausap si Stef.
"Stef, may masakit ba sayo? Tupe, let's try to carry her!"
Hinawakan naman nina Yana at Kristoff si Stef. Ngunit, nabigla ang dalawa nang bigla silang pinabitaw ni Stef.
"Bitiwan niyo nga ako! Hindi ko kayo kailangan!", si Stef.
Lumakad din agad palayo si Stef.
Halata naman ang pagkabigla sa mga mukha ng dalawa, lalo na kay Yana. Susundan na sana nila si Stef, ngunit hinarangan naman sila nina Danish at Louise.
"Narinig niyo naman siya di ba? Hindi niya daw kayo kailangan! Kaya wag niyo na siyang sundan!", si Danish.
"Isa pa, pwede na kayong bumalik sa pagba-basketball niyo! Baka makaistorbo pa kami sa landian niyo!", si Louise.
Umalis din agad sina Louise at Danish.
"What did they say?", si Kristoff.
"Ha? Don't mind them. Let's just let Stef alone for a while."
Takang-taka naman si Yana sa inasal ni Stef at sa mga sinabi nina Danish at Louise.
Hindi rin naman nakatiis sina Yana at Kristoff, maya-maya lumabas na din sila sa court. Nakita naman nila si Stef na mag-isa. Lumapit sila dito.
"Stef..", si Kristoff.
Nang marinig naman ni Stef ang boses ni Kristoff, huminga muna ito nang malalim bago humarap sa dalawa. Tiningnan niya muna ang dalawa ng may kalmadong mukha. Sa hindi inaasahang pangyayari, lumakad siya pa-unti-unti papunta kay Kristoff, at niyakap ito. Nabigla si Kristoff sa ginawa ni Stef, at lalo na si Yana na nakatingin lang sa dalawa.
BINABASA MO ANG
Ikaw and I
RomantizmThe more you hate, the more you love. Ang istorya ng isang probinsyanang babae na magiging INTERPRETER ng kinaiinisan niyang nagbabalik-Pilipinas na lalaki. Kung sa english may, You and I. Sa tagalog may, Ikaw at Ako. Sa kanila, may pag-asa kayang m...
