Kabanata Nine

78 10 0
                                    

"I'm home.."

Kakadating lang ni Yana mula sa school. May bitbit siyang plastic na naglalaman ng damit. Napansin naman ito ng kaniyang nanay.

"Anak, ano 'yang dala mo?"

"Nay, aattend po ako sa acquaintance party namin ngayong taon."

Nabigla naman ang buong pamilya ni Yana. Sa apat na taon niya kasi sa university, ngayon lang siya aattend sa annual party na isinasagawa ng paaralan.

"Anak, aattend ka sa party?", ang tatay Mario niya.

"Nako, kailangang paghandaan natin 'yan anak!", ang nanay Juliana niya.

"Oo nga, kailangan ikaw ang pinakamaganda sa party na 'yon!", ang kuya Julio niya.

Sumabat din naman ang bunsong si Jumar.

"Eh saan tayo kukuha ng perang ipang-aayos kay ate?"

Natigilan naman ang lahat, kaya nagsalita n din si Yana.

"Kayo talaga! Kaya nga may dala na akong isusuot ko."

"Talaga anak? Halika't tingnan natin!", ang nanay.

"Ate, ba't mukhang uniform?", si Jumar.

"Yana, ganyan ba ang sinusuot niyo dun? Hindi ba dress?", si Julio.

"Anak, saan ka ba aattend? Meeting o party?", ang tatay.

"Hay, tumigil nga kayo diyan. Kasi naman, kung ma-excite kayo, wagas! Aattend ako ng party, hindi para makipagsaya kundi para magtrabaho. Ito yung uniform ng mga taga-serve sa party. Tsaka, hindi ako magsusuot ng mga dress, dress na yan! O 'di ba? Hindi na nga tayo gagastos, kikita pa tayo!"

"Eh Yana, gusto lang kasi namin na maranasan mong umattend sa party.", si Julio.

"Kuya, Nay, Tay, Bunso, hindi ko na kailangan ng mga party na yan para sumaya. Kayo pa lang, sapat na."

Ikaw and ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon