Mean 38: Her Decision
Rappiea's point of view.
Nandito kami sa hospital dahil dito namin sinugod si Sab nang magwala siya, pagka akyat namin sa taas that time nagsisigaw siya na 'Tama na' at pinaghahagis ang mga gamit na nasa paligid niya kaya tinawagan agad namin si Doc para pakalmahin si Sab, tinurukan niya ito ng isang injection.
Kaming lahat na magkakaibigan ay nandito sa labas. Pare-pareho kaming tahimik at naghihintay na papasukin na kami sa loob ng kwartong kinalalagyan ni Sab.
Mga ilang minuto ng lumabas si Doc, agad namin siyang nilapitan.
"What happen to her?" Agad na tanong ni Misha kay Doc.
"She's fine, natutulog siya. Pwede na kayong pumasok." Sagot ni Doc kay Misha.
Agad silang pumasok, papasok na sana ako nang hawakan ako ni Doc sa balikat kaya napalingon ako sa kanya.
"I have to tell you something."sabi nito kaya agad akong sumunod sa kanya.
"It's about Sabrina." Panimula ni Doc.
"What about her?" Kinakabahan kong tanong.
"Lumalabas na ang resulta nang mga nangyari sa kanya noon. Kinonsulta ko siya kanina and as i see she is depress, siguro dahil nung sa Gang fight o nung araw na iyon ay may nangyari kaya nagbalik nung fear niya. Hindi siya makakausap ng matino ngayon, she will not answer you incase na tanungin nyo siya, her mind is in state of confusedness and depression, nagbabalik sa utak nung mga nangyari sa kanya noon and you can see it in her eyes." Nanghina ang tuhod ko sa paliwanag ng Doc. All this time..Sab is not yet getting over of her past.
"Doc? Ano po ba nung maaari naming gawin para maging okay ang kalagayan ni Sab?"
"May therapies na pwedeng gawin pero mas maganda ang magiging outcome noon kapag nagkaroon na siya ng closure sa mga taong nagdulot sa kanya nito." Ani ni Doc.
Pagkatapos nang pag-uusap namin ni Doc bumalik agad ako sa kwarto kung nasaan ni Sab.
Pagkarating ko doon ay lahat sila ay nakatingin kay Sab na gising na at nakatingin lang sa isang parte ng silid.
Pare-pareho silang nagsasalita at nagtatanong kay Sab pero tila hindi sila naririnig ni Sab. Napapikit ako ng mariin.
Nilapitan ko agad si Austin.
"Come with me, i need to connect with Dad's Sab on U.S."
**
5 days has passed ganun pa rin si Sab, na discharge na siya sa hospital at i've decided na sa bahay muna siya mananatili.
Tahimik lang siya pero kumikilos naman siya, hindi nga lang kami kinikibo.
Si Mirko madalas na rin na nasa bahay dahil kay Sab. Hanga nga ako sa kanya eh because as i see, he really love Sab, kasi kung hindi? Hindi siya mag-aaksaya ng panahon dito para lang maalagaan si Sab.
Pasalit-salit din ang dalaw sila Misha dito. Pare-parehong nag aalala kay Sab.
I already called Sab's Dad at sinabi niyang kukuhain niya si Sab para ipagamot sa US but the only problem is para matuloy yun, kailangan mag respond ni Sab sa amin na payag siya, because we can't force her and as well we don't want to force her.
Afterall kahit pa sabihing para sa ikabubuti ni Sab syempre paano naman nung desisyon niya? We need to respect it.
It's 8:00 pm in the evening when I decided to go up stairs to check on Sab and Mirko.
I didn't mean to see it pero nakabukas nung pinto eh and there i see and hear how Mirko was really inlove with Sab.
"Alam ko namang naririnig mo ako eh, ayaw mo lang mag respond pero okay lang, i respect it. Hihintayin ko hanggang sa maging okay ka na. I will give you time." Ani ni Mirko kay Sab na nakatingin lang sa kanya, pagkatapos niyang sabihin ito ay hinagkan niya sa noo sa noo si Sab.
And that part hindi ko napigilang humagikgik. Napatakip agad ako ng bibig ng humarap si Mirko sa pwesto ko.
Nag peace sign na lang ako.
"Oooopppps! Sorry!" Sabi ko kaya medyo namula si Mirko and hindi ko alam kung namamalik mata ba ako o ano, did i just see na bahagyang namula rin si Sab.
Nang mapansin ni Sab na nakakunot ang noo kong nakatingin sa kanya agad siyang nag iwas ng tingin. Guilty.
Bumaba na muna ako, nakakaabala na ata ako sa moment ng dalawa.
Mga ilang minuto rin ng bumaba na si Mirko.
"Rappiea, Uuwi na pala ako."sabi niya.
"Sige." sagot ko.
Hinatid ko palabas si Mirko pero bago siya tuluyang umalis, huminto muna siya at humarap sa akin.
"Rappiea, If ever na nakapag desisyon si Sab na umalis, i'll go with her." napatango ako sa sinabi niya.
I know. He's the first person na sasama kay Sab. It's really great to see how people fall in love. Lahat kaya nilang gawin. Ako kaya?
Pagkapasok ko ng bahay laking gulat ko ng nakita kong bumababa si Sab ng hagdan.
Okay, Ang OA ko.
Pero nagulat na talaga ako nang magsalita siya.
"Rappiea," banggit niya ng pangalan ko.
Hindi pa ko nakakapagsalita nang magsalita siyang muli.
"I will go to States pero hindi para mag pagamot, i want to meet my dad." sabi niya. Nginitian ko siya bilang tugon atsaka niyakap.
"Okay, if that is what you want." sagot ko sa kanya habang niyakap niya rin ako pabalik, i miss this, i miss Sab.
I know from the start Sab don't need any treatment, just a total closure with the person who hurt and leave her, okay na.
Her decision is for surely a better one.
BINABASA MO ANG
Mean Girls In Disguise
Teen FictionMean Girls: Ang grupo ng mga babaeng ito ay ang kadalasan na kinaiinisan ng lahat. The things they say and do receive a lot of hateful comments. Sa kabilang banda, ang bawat isa sa kanila ay may mga kwento sa nakaraan nila naging dahilan kung ano si...