Mean 47: Best thing
Ezzytrice's Point Of View.
Week has passed since the Congratulation party that turns out to be a breaking day to Gwynette. That day kinomfort ko si Gwynette todo comfort pa ko because afterall, alam ko naman na masakit talaga yun para sa kanya kahit na hindi ko pa nararanasan yun, i know masakit yun.
Nung magkaroon ka ng magulang na halos wala ng pakealam sayo at nung iwan ka ng tao na nagpahalaga sayo pero tinataboy mo lang. Sinong sasaya sa ganun?
That's way i'm so thankful to have my parents, only child ako kaya sunod ang luho ko and I admit I'm a spoiled brat. Pero kahit ganun lagi namang may time ang parents ko sa akin, busy man sila pero hindi nila ko nakakaligtaan.
I'm so proud to have them.
Okay.. balik tayo sa pagiging spoiled brat ko. Nung bata ako nagkaroon kami ng katulong si Yaya Kala. Ayoko sa kanya, ang sungit eh tapos pag wala si mommy at daddy kung makamando sa akin akala mo ako katulong sa bahay tapos nagdala pa siya ng anak niya nagpaawa effect kasi siya sa magulang ko na sobra na daw silang naghihirap, naniniwala naman ako dahil mukha naman talaga silang mahirap ng bruhilda niyang anak.
Like Mother, like daughter nga.
Si Kyla nung anak niyang kasing edad ko rin, santa santita. Kapag nandyan si Mommy akala mo kung sinong masipag, nasabihan tuloy ako ni Mommy noon na gayahin si Kyla. Eww, yuck. Pero pag wala na parents ko, unti unti ng tumutubo ang sungay, ang kapal ng mukha! Labas pasok sa kwarto ko tapos pakealamera pa ng mga gamit ko. Itinulak niya pa nga ako noon at binalaan na kapag pinigilan ko daw eh ibu-bully niya daw ako.
Napairap ako ng dalawang beses, so akala nila apihin ako? Syempre gumawa ako ng paraan para mapaalis sila sinabuyan ko ng toyo at suka nung higaan nila, naglagay ako ng palaka sa banyo nila habang naliligo sila at nung pinaka grabe sa lahat sinindihan ko ng apoy ang buhok nila, pero naagapan din naman tumakbo agad sila ng banyo eh.
Hindi sila pinalayas kusa silang lumayas, buti naman. Mamatay daw sila sa bahay namin. Sobrang saya ko ng araw na yun, muntik ko ng makalimutan na papagalitan pala ako pero ayos lang 1 month lang naman akong grounded nun kaysa naman forever kong kasama nung mga mangkukulam na yun.
Sa tinagal ng panahon na yun hindi ko akalaing makikita ko nanaman ang pagmumukha ni Kyla.
"Ezzytrice, si Kyla bestfriend ko." Pagpapakilala sa akin ni Sean.
Tinignan ko siya mula ulo hanggang paa. Well, nag improve medyo maayos na siya ngayon pero panget pa din siya sa paningin ko. Napansin nila ang ginawa kong pagtingin.
"Ezzytrice.." tawag sa akin ni Sean.
Tinaasan ko siya ng kilay, napailing na lang siya
"Let's go." Sabi niya sabay akbay sa akin, napatingin sa amin si Kyla at napakunot ang noo niya kay Sean na nakaakbay sa akin. Anong kinukunot kunot ng noo ng babae na to?!
Pagkarating namin sa kotse ay nagulat ako at maging si Sean ng buksan ni Kyla ang pintuan sa front seat ng kotse ni Sean. Seriously?
"Tara na?" Sabi niya sa amin sabay ngiti habang nakaupo na siya sa loob. Wow ah. Akala mo sa kanya nung sasakyan.
Tinignan ako ni Sean na parang nagmamakaawa, tinaasan ko siya ng kilay. Partida na tong pagtaas ko ng kilay ah.
"Dyan kasi siya nakaupo kanina." Sabi niya. Oh, so? Kung dyan siya nakaupo kanina, hanggang ngayon dyan pa rin?
Napailing na lang ako atsaka binuksan abg pintuan sa backseat.
Habang nasa biyahe puro sila kwentuhan na may kasamang tawanan pa, ngayon lang ako nainform naglalaho pala ako ng parang bula.
BINABASA MO ANG
Mean Girls In Disguise
Novela JuvenilMean Girls: Ang grupo ng mga babaeng ito ay ang kadalasan na kinaiinisan ng lahat. The things they say and do receive a lot of hateful comments. Sa kabilang banda, ang bawat isa sa kanila ay may mga kwento sa nakaraan nila naging dahilan kung ano si...