Mean 14: Orick's Words of Wisdom?
Nopphire's Point Of View.
"Yieeee! Anong meron Nopphire! Bakit magkasama kayo? Parang last night lang ayaw mo siyang nakikita ah! Tapos ngayon siya itong kasama mo sa trip! May something na ba sa inyo?"sunod-sunod na sabi ni Rappiea tapos parang tangang tumatalon-talon pa.
"Kaya nga, may nangyari ba na hindi namin alam?"tanong naman ni Ezzytrice.
Pero dahil tinatamad akong magsalita nakatingin lang ako sa kanila. Bigla namang umakbay ang kulugong si Orick sa akin.
"Oh,well Guys kung hindi nyo pa alam kami na ni Phire baby ko!"sabi niya at proud na proud siya.
Kasi naman letcheng deal o game na yan na walang ka kwenta-kwenta at napunta kami sa ganitong sitwasyon.
Akala ko naman kung anong game yun. Yun pala bato-bato pick lang na hanggang 3 lang ang score.
Yun ang game na sinasabi ni Orick. Cheap lang diba? Noong una ako pa yung nanalo dahil gunting ako at papel siya. Pero noong sumunod na alam mo yun may nalalaman siyang kidlat, sandata, bagyo , at ulan. Takte!
Kailan pa nasali yun sa bato-bato pick diba? Tapos ang dahilan pa niya nung nagrereklamo ako, sabi niya wala naman daw sa rules na hindi pwedeng gumamit ng kahit anong elemento or whatever, kaya ayun siya ang nanalo.
Kainis lang at yung bagay na kailangan kong sundin ay dapat daw maging girlfriend niya ko within 2 months.
Hindi ko alam kung anong trip nitong lalaking ito at yan pa ang naisipan.
Ito pa bawal daw malaman ng kahit sino ang tungkol kung paano naging kami.
Um-agree naman ako dun. Syempre diba mukhang ewan lang? naging kayo ng dahil sa bato-bato pick? That's the weirdest thing in the world.
"So guys, ganito yung arrangement natin. Dalawa yung van. Sa unang van yung color red, si Orick ang driver. Then, sa loob nun si Nopphire, Arice, Misha, Irimae, Lhierya , Brix ,at syempre ang napakagandang si AKO."sabi ni Ezzytrice.
"Ginawa pa kong driver" reklamo naman nitong Orick na ito.
"Ayaw mo? Sige maiwan ka. Amin na si Nopphire." sagot ni Ezzytrice sabay hahatakin pa sana ako kaya lang naunahan na siya ni Orick.
"Syempre biro lang. Hindi ka naman mabiro. Hindi ko iiwanan si Nophhire no." ani ni Orick.
"Alright whatever. Sa pangalawang van naman na kulay red din. Si Kuya Austin ang nagpresentang mag-Drive. Then, ang kasama si Rappiea, Sabrina, Yoobi, Gwynette at Nelbry." pagpapatuloy pa ni Ezzytrice.
"Wait! Ano? What? Kasama si Nelbry?!"biglang react ni Irimae.
"Is there any problem with that?"tanong ni Rappiea na nasa likod ko.
"Nothing." sabi ni Irimae sabay nag-roll eyes.
"Roll eyes ka pa dyan dukutin ko yang mata mo eh."narinig ko namang bulong ni Rappiea dahil nga nasa likod ko siya.
Napatingin naman ako sa kanya at nag 'V' sign lang siya.
Something is wrong with them.
"Teka lang muna ah. Diba Palawan pupuntahan natin? Bakit naka van lang tayo?"tanong naman ni Lhierya.
"Yung van gagamitin lang natin yan papunta sa Pier kung saan nandun yung barko na gagamitin natin. Duh! Lhierya! Try mo pumuntang Palawan na gamit ay van tignan natin kung kailan ka makakarating doon." sagot ni Ezzytrice.
"Tse! Hindi ba pwedeng nagtatanong lang diba?"sabi ni Lhierya sabay irap.
"Common sense na lang din diba?"sagot naman sa kanya ni Ezzytrice.
"Ewan ko sayo."yun na lang nung nasagot ni Lhierya.
Sumakay na kami sa Van.
" What's up Misha? bakit ayaw mo doon sa isang van nagrequest ka pa sa akin kanina na hindi mo kasama yung brothers mo, bakit?"tanong ni Ezzytrice kay Misha.
"Eh sa ayoko sa kanila eh. You know how much I hate them." sagot ni Misha.
"Up to now? Hindi ka pa rin okay sa mga kapatid mo? Misha, Move on din pag may time."sabi naman ni Irimae.
"Tsaka Misha, Alam mo kasi diba kinuwento mo naman sa amin kung bakit hate mo sila. Doon sa kwento mo sa tingin ko naman, hindi nila kasalanan yun. Na wala silang kasalanan. I thi---"hindi natapos ni Lhierya ang sinasabi niya nang magsalita si Misha.
"Please guys. Not now. Okay? Wag nyo na munang i-open up ang topic na yan."sabi ni Misha. Nagulat kaming lahat because it's the first time that she pleased to us.
"Alright."sabi naman nila.
"Uhm. Makikisingit lang kahit hindi ko pa alam ang buong storya. But, I think Misha yung galit mo sa mga kapatid mo kailangan mo na yang alisin sa puso mo. Kasi kahit ano pang mangyari kapatid mo pa rin sila. Learn to forgive kung may nagawa man silang kasalanan sayo alam mo you only live once. Isang beses lang tayo mabuhay kaya imbis na hate at anger ang pairalin natin sa pagkatao natin dapat love and forgiveness na lang dapat. Para hindi nasasayang yung buhay natin dito sa mundo. Kaya tignan mo kami ni Nopphire masaya kami. Kasi we super duper love each other! hahaha!"sabi ni Orick.
Okay na sana yung advice niya dinugtungan pa ng kalokohan.
"Weh? Orick Ikaw ba yan? Saan mo napulot yang words of wisdom mo?"tanong ni Ezzytrice.
"Nabasa ko lang doon sa post ng isa kong kaibigan sa status niya."sagot naman nitong ni Orick, akala ko naman sariling words niya yun.
Napatingin naman ako kay Misha na nakatingin na lang sa labas ng bintana.
Mukhang napaisip siya sa Orick's words of wisdom este Orick's words na napulot sa Fb Status.
Pero sabagay. For sure nakatulong yung sinabi ni Orick sa kanya to realize something.
To realize that she need to forgive in order to be happy.
At narealize ko rin yun ngayon-ngayon lang. Tama bakit nga ba ako magagalit sa lahat ng lalaki? Porket sa ginawa ng ex ko at ni Daddy? Hindi naman sila pare-pareho lahat.
So starting today. I'll keep that in my Mind.
Gusto ko naman sumaya.

BINABASA MO ANG
Mean Girls In Disguise
JugendliteraturMean Girls: Ang grupo ng mga babaeng ito ay ang kadalasan na kinaiinisan ng lahat. The things they say and do receive a lot of hateful comments. Sa kabilang banda, ang bawat isa sa kanila ay may mga kwento sa nakaraan nila naging dahilan kung ano si...