Mean 12: Nopphire and Orick
Third Person's Point Of View
Lumabas si Nopphire ng bar hindi dahil nainis siya sa mga kaibigan niya.
Naiinis siya sa sarili niya dahil kung bakit hanggang ngayon ay lagi pa rin siyang binabalikan sa utak niya ng past niya.
Napabuntong hininga siya sabay sabing.
"I want my old self back but..." litanya niya.
Gusto niya, gusto niya ng bumalik sa dating masayahin , madaldal ,at walang problema na Nopphire na noon na lang nag-i-exist.
Sabi nga nila kung may nagbago man sayo ngayon ay dahil yun sa mga napagdaanan mo.
Unti-unti niyang inalala ang lahat ng nangyari sa kanya mula sa namulat siya sa isang masaganang pamilya.
Mayaman sila. Ang Mommy at Daddy niya ay okay naman.
Sa eskwelahan noo'y siya ang paborito ng lahat dahil nga sa angkin niyang kabaitan ,at pagiging friendly.
Nagsimula lang magbago ang lahat noong siya'y high school .Ang mga magulang niya ay madalas wala ng oras sa kanya dahil nga laging may business trip ang mga ito. Lagi siyang naiiwang mag-isa sa bahay nila ,at tanging mga maids lang nila ang kasama niya.
Sa bago naman niyang paaralan ngayong high school. Noong una'y akala niya katulad lang noong siya'y elementarya , ganun pa din ang mararanasan niya sa high school ngunit hindi.
Lagi na siyang binu-bully noon nga mga Queen Bee wanna be sa campus nila noon.
Nang dahil doon ni-minsan walang nagtatangkang makipagkaibigan sa kanya. Dahil takot din sila na kapag kinaibigan nila si Nopphire ay madamay sila sa pagiging bullied nito.
Hanggang sa may lalaking nagtanggol sa kanya mula sa pagkakabully. Kilala ito sa campus nila .
Naging magkaibigan sila nito na humantong na din kung saan nililigawan na siya ng lalaki.
Puso ang pinairal ni Nopphire ng mga panahong yun kaya naging sila.
Okay naman ang pagsasama nila ng halos tatlong buwan. Ngunit dumating ang ikaapat na buwan ng kanilang pagsasama ay nagbago ang pakikitungo ng lalaki sa kanya.
Madalas itong cold at parang walang gana pag nag-uusap sila. Madalas na rin itong wala sa tabi niya. Sa tuwing gusto niya sanang makipagkita sa lalaki ay laging may dahilan ito para lang hindi makipagkita sa kanya.
Nag-aalala si Nopphire sa lalaki na baka kung may sakit na dinadanas ito o kung may problema ba ito kaya naman nagpasya na puntahan ito ng hindi niya ipinapaalam.
Gumawa pa siya ng cupcakes nun pasalubong para sa lalaki.
Pagkapunta niya sa bahay ng lalaki tanging maid lamang nila ang nandito.
Ang sabi pa ng maid nila,
"Sorry Ma'am Nopphire wala si Sir dito eh."
Aalis na sana si Nopphire nang may marinig siyang hagik-gikan sa taas ng bahay nito.
"Hahaha! babe wag dyan!"
Sa narinig niyang yun kinakabahan na siya. Ayaw niya sanang akyatin ngunit tila may sariling buhay ang mga paa niya ,at umakyat na lang ito. Hanggang nakatayo na siya sa harap ng kwarto ng lalaki.
Kumatok siya.
"Yaya! Ano bang kailangan mo?!" yun ang sagot na narinig niya ,at alam niyang boses yun ng boyfriend niya.
Nangingilid na ang mga luha sa mata niya. Napakagat siya sa labi niya para mapigilan ang pag-iyak
"Sana mali ang hinala ko." yan ang tanging hiling niya sa utak niya.
Kumatok ulit siya.
At dun nagbukas ang pinto.
"Yaya! Ano ba---- Nopphire?" Ang boyfriend niya ang nagbukas ng pinto. Half naked ang lalaki.
"Babe sino yan?" narinig niyang sabi ng babaeng nasa loob ng kwarto ng boyfriend niya.
Tinignan niya ang lalaki sa mata. Hindi niya alam kung anong sasabihin niya o gagawin niya basta ang nararamdaman niya ay sakit.
Nasasaktan siya sa nakikita niya.
At Naiinis siya sa sarili niya.
Binitawan niya ang box ng cupcake na hawak niya.
Sabay sabi na,
"Sorry ha? Nakaabala ba ko? Ah, sige aalis na ko tuloy nyo lang yan mukha namang nag-i-enjoy kayo eh."sabi niya sabay takbo pababa ng hagdan.
"Nopphire!"tawag sa kanya ng lalaki.
Hanggang tawag ka na lang ba? Hindi mo ba ko pipigilan?
Tanong niya sa utak niya.
Hanggang sa makalabas na siya ng bahay ng lalaki ay walang nangyari.
Hindi siya sinundan nito.
At doon lumabas ang luha sa kanyang mga mata na kanina pa niya pinipigilan.
"Ano ba? May mali ba sa akin? May nagawa ba ko? Hindi niya na ba ko mahal?" tanong niya sa sarili niya.
Hanggang sa pag-uwi niya sa bahay nila naabutan niya na tila may nag-aaway dahil sa sigawan sa bahay nila ,at alam niyang ang mga magulang niya iyon.
"Lumayas ka! You're Cheater! Sinungaling ka! Magsama kayo ng babae mo!"sigaw ng kanyang Mommy habang hinahagis ang mga gamit ng kanyang Daddy.
Nasa labas na ng kanilang bahay ang kanyang Daddy at kinukuha ang mga gamit na hinagis ng kanyang Mommy.
"Oo! Lalayas na talaga ako! At hindi na ko babalik sa bahay na ito!"sigaw ng kanyang Daddy.
"Hayop ka!"sigaw pa ng Mommy niya.
Napa-iyak nanaman siya.
"Daddy!"sigaw niya kaya napatigil ang mga magulang niya at napatingin sa kanya.
"Nopphire.."banggit ng Daddy niya pagkatapos nun ay tinignan lang siya sabay pumunta sa kotse nito at pinaandar ito paalis.
Napaupo siya sa lupa.
Bakit ganun? Lahat ng lalaking mahalaga sa akin ay iniiwan ako?
Tanong niya muli sa kanyang sarili.
Simula ng araw na iyon nagbago na ang paniniwala niya sa mga lalaki na ang lahat ng lalaki ay mga manloloko at mang-iiwan.
Hindi na siya namamansin ng kahit sino . Pinagmumukha niyang tanga kapag kausap siya.
Sarado na rin ang puso niya na magmahal.
Hanggang sa na-meet niya sila Misha ang mga kaibigan niyang never siyang iniwan sa kabila ng ugali niya.
At sa ngayon naman,
Palaisipan pa rin sa kanya si Orick Lim.
Naiinis siya sa lalaki kung bakit ba ayaw siyang lubayan nito.
Nagulat na lang siya ng biglang may nagtakip ng mga mata niya.
"Take off your hands Orick." sabi niya.
Napatawa naman si Orick nun kaya tinanggal na rin niya.
"Problem? share naman diyan oh."sabi ni Orick sabay akbay sa kanya.
"Tanggalin mo nga yang braso mo.Di tayo Close"
Tinanggal naman ni Orick ang pagkakaakbay niya kay Nopphire ,at nag-isip ng paraan para makumbinsi niya ang babae.
"Okay sige ganito.Marunong ka naman siguro ng bato-bato pick, right?"tanong niya sa babae
Tinignan lang siya ni Nopphire.
"Okay maglaro tayo nun, kapag ako nanalo papayag ka sa gusto ko at pag ikaw nanalo lalayuan na kita at hindi na guguluhin,game?"sabi ni Orick
"Game."sagot ni Nopphire.
BINABASA MO ANG
Mean Girls In Disguise
Genç KurguMean Girls: Ang grupo ng mga babaeng ito ay ang kadalasan na kinaiinisan ng lahat. The things they say and do receive a lot of hateful comments. Sa kabilang banda, ang bawat isa sa kanila ay may mga kwento sa nakaraan nila naging dahilan kung ano si...