Mean 40

1.3K 40 1
                                        

Mean 40: Truth

Rappiea's Point Of View.

It's been two weeks nang umalis si Sabrina, i received an email from her at kinuwento niya doon na okay na sila ng daddy niya, magtatagal pa daw sila doon ni Mirko kasi gusto silang ipasyal ng Daddy ni Sab.

Tanggap din daw si Sab ng pamilya ng Daddy that's why i'm very happy! Finally, i know Sab finally have the closure she really wanted to.

The thing i'm wondering about is how's Mirko and Sab kaya? May improvement na kaya sa kanilang dalawa? Hmm.. i wonder.

I was here at nearest coffee shop in pur house to meet Austin, he wanted to ask me something daw eh.

Andami tuloy gumugulo sa isip ko. Tatanungin niya na ba ko kung gusto kong maging girlfriend niya? Kung saka-sakali itatapon ko itong kape sa mukha niya, ang cheap huh hindi man na lang nag effort pero syempre pagkatapos non ay sasagutin ko na siya.

I'm in a state of daydreaming nang guluhin ako ni Irimae at Nelbry na lagi na lang magkasama, nakakaselos na nga eh, hindi na kami nakakapagbonding ng kapatid ko, minsan tuloy naiisip ko kung tama ba na matuwa ako na nagkaayos sila eh, parang mga tuko eh, hindi na mapaghiwalay.

"Anong ginagawa nyo dito?" pagtataray ko sa kanilang dalawa.

"Bakit masama?" nagtataray din na tanong ni Irimae.

"Oy,Irimae umayos ka dyan ako ang future sister in law mo." sabi ko sa kanya kaya natigilan at bahagyang namula.

"Rappiea, wag ka nga ganyan, nahihiya tuloy nung future wife ko."sabi ni Nelbry atsaka inakbayan ang namumulang si Irimae.

Agad naman nagpalit ng mood si Irimae at tinanggal ang pagkaka-akbay sa kanya ni Nelbry.

"Tigilan nyo nga kong magkapatid kayo."sabi nito atsaka nag walk out.

Pareho namin pinanuod ni Nelbry na mag walk out si Irimae atsaka kami parehong napatawa.

"Loko ka kasi eh." sisi sa akin ni Nelbry.

"Ginantungan mo kasi ako ,sira!"

Napakamot siya ng ulo, may kuto ata siya. Ang cute lang talaga ng kapatid ko.

"Sige, Aalis na ko." Paalam nito sa akin.

"Oo, tama suyuin mo nung future Misis Curtis mo."sabi ko sa kanya bago siya umalis.

Bwisit na mga to. Pinuntahan lang ako rito para ipakitang may mutual feelings sila sa isa't-isa. Kainis. Kainggit.

I mean. Maganda naman ako err. Actually feel ko cute lang talaga ako.

Kinuha ko yung salamin ko aking bag.  Napatingin tuloy ako sa salamin ng di oras.

Tinitignan ko ang repleksyon ko. Shet. Ang Cute cute ko talaga, inborn na talaga sa pamilya namin ang pagiging cute. Naiinlove na ko sa sarili ko, buti pa sarili ko inlove sa akin pero nung taong gusto ko hindi.

Habang ina-admire ko ang pagmumukha ko, nag vibrate ang phone. May nag-text.

From: Austin

        Hey,nasa coffee shop ka na ba? I'm on my way pa sorry kung napaghintay kita.

To: Austin
  
           Yes, don't worry okay lang ako rito, don't text me you're driving.

A few seconds nang ma-receive ko ang reply niya.

From: Austin

     Alright, ikaw masusunod, sabi mo eh. Last text. See you :)

Pinigilan ko ang sarili ko sa pagtili, bwisit kinikilig ako, simpleng text lang para na kong tanga, dinaig ko pa ang high school student.

Ang assumera ko, nakakainis.

But of course i won't tolerate myself myself from assuming because assuming is equals to dissapointing yourself and making yourself hurt.

After so many experience when i was in high school, kung saan lagi akong nag-aasume tapos in the end ako rin nung nadidismaya at nasasaktan. Assumera kasi ako eh.

Kaya i always remind myself that if someone is sweet to me, i will not expect na ganun siya palagi at may something sa amin because even the sweetest chocolate expires.

A few minutes nang dumating na si Austin, inaayos niya ang kanyanvmg necktie, Shit ang hot niyang tignan, napaayos tuloy ako ng upo.

"Hey, Sorry for making you wait." Sabi niya, Ba't ganun? Ang sexy ng pagkasabi niya. Wala pa nga siyang ginagawa kinikilig na ko.

"Okay lang, so what we are going to talk about?" Tanong ko sa kanya.

He ordered a coffee na rin sa waiter bago niya sagutin ang tanong ko.

"I'm here for your advice." he answered.

"About what?" I asked before, i sip into my coffee.

"You see, Next week will be Misha's Birthday and i want to give her a gift, something special as a start of having closure with her kaso hindi ko alam kung anong ibibigay ko, anong mga bagay ba ang gusto ni Misha? Since kaibigan mo naman siya. Alam ko alam mo ang mga iyon." pagpapaliwanag niya.

"Wait, let me think about it."

Inisip ko nung mga bagay na guatong gusto ni Misha, well aside from drum sticks dahil madami na siya ng mga iyon. Dress? Clothes? Jewelries? Car? Ugh. Lahat naman yun meron na siya and alam ko namang pagdating sa materyal na bagay hindi naman yun masyadong ma-appreciate ni Misha.

Nag-isip pa ko ng mga bagay,mga bagay na alam kong magpapasaya sa kanya.

I sip on my coffee bago magsalita.

"Do you really want to give her the best gift?" seryosong tanong ko kay Austin.

"Of Course."

"Well, then have a personal closure with her and let her meet her real mom." nabilaok si Austin sa sinabi ko.

"I can have my closure with her but letting her to talk to her real mom? Not at all. Bakit ko siya hahayaang ipakausap sa taong nang iwan sa kanya? Sasaktan ko lang siya." diretsong sabi niya.

" Truth hurts but lies are worse. Hindi ba mas lalo siyang masasaktan kung ipagkakait nyo sa kanya nung katotohanan? Cause afterall ang bagay na magpapasaya lang sa kanya ay nung malaman niya ang totoo, hindi yun matutumbasan ng kahit ano pang materyal na bagay."

Napahimas siya sa kanyang mukha.

"Yun ang opinion ko, nasa sayo pa rin kung susundin mo ang sinabi ko." paalala ko sa kanya.

"Yun ba talaga ang magpapasaya sa kapatid ko?" tanong niya.

Nginitian ko siya bilang tugon.

Trust me. Truth is the best gift you can give to her.

Mean Girls In DisguiseMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon